Sa wakas makakakain na din kami. Kanina pa kasi ako nagugutom. Mag 6 0'clock na ng matapos yung kasalan, kasama na din dun yung picturan.
Ako, kasama sila Misty at Jake ay pumunta na sa reception na sa baba lang ng simbahan. Tabi ito ng lake at meron pang light house.
Kada pamilya ay may kanya kanyang lamesa. Syempre kami sa side ni tito William ay magkakatabi at yung sa side ni tita Celine nasa kabilang side. Yung ibang bisita nasa bandang harap.
Nagkataon na yung lamesa naming mag pipinsan ay katpat ng lamesa nila Jasmine at mga pinsan niya. Pero mag katalikuran kami ni Jasmine :((
Medyo matagal pa bago ulit na start yung event sa reception. Hinithintay pa kasi sila tito William at tita Celine kasi nag pictorial pa sila.
Dumating silang dalawa sakay ang isang bangka deretso dun sa pwesto nila. Kasama nila sa bangka ang pinsan kong si Gail, Luis at Nash at pinsan nilang si Max at kapatid ni Jasmine na si Julio.
Pero kaming mag pipinsan excited na kumain. Kasi breakfast pa yung huli naming kain. Nagstart na din yung event medyo matagal tagal pa bago pinakain yung mga bisita. As usual na yung yung mga bisita talaga. Tapos kaming mga kamag anak on both sides ang huling kakain.
Sa side nila Jasmine banda yung buffet table. Kaya kelangan pa namin dumaan sa gilid ng table nila para makakuha ng pag kain. Medyo nakaisip ako ng move hahaha..
Nung turn na namin kumuha ng pagkain dumaan ako mismo dun sa tabi ng upuan ni Jasmine. Syempre kelangan ko mag papansin sakanya :))))
Medyo tinagalan ko kumuha ng pagkain. Para mas matagal ko siyang makita at medyo makapag papansin. Hahaha
"Drew, tara na balik na tayo dun" tawag ni Misty sakin.
"Wait lang, kuha pako ng pasta" sagot ko naman.
Naunang bumalik sila MIsty sa upuan at sumunod din ako.
Habang kumakain kami sinusulyap sulyapan ko si Jasmine kumain. Ang ganda niya talaga. Ang cute niya tignan habang kumakain. Tapos yung ngiti niya pa habang nag uusap sila ni Gail at ate Trish, shet mas lalo akong naiinlove sa mga kilos at ngiti niya <3
Paubos na yung kinuha kong pagkain at balak ko ng kumuha ng mga desserts dun sa buffet table. Sakto naman tumayo si Jasmine at pinsan kong si Gail para kumuha din ng dessert. So agad akong pumunta dun sa buffet table at kinausap ko si Gail.
"Grabe, nakailang balik kana?" biro ko kay Gail. Napa smile si Jasmine sa tanong ko :))
"Pangalawa pa lang, drew talaga. Haha" natatawang sabi ni Gail. Sinasabayan ko lang silang dalawa habang nakuha ng dessert. Pero hindi ko pa din makuhang kausapin o tignan man lang si Jasmine ng harap harapan.
Mas nauna akong bumalik sa lamesa at naiwan pa sila Jasmine at Gail sa buffet table. Sumunod naman si Jake at Misty sa buffet table para kumuha ng desserts nila.
Nang matapos na ang lahat kumain. Nag present ng Wedding AVP, kasali lahat ng pictures na kinuhaan before and after nung wedding. Excited ako na kinakabahan na makit yung hitsura ko sa screen. HAHA
BINABASA MO ANG
What If, Should Have (WISH)
Подростковая литератураSimple love story. Is it even a love story? Story still in process. Just wait for updates :)