Chapter 2

1.3K 20 1
                                    

Gusto kong masigurado muna bago ko sabihin kay Mark na, buntis nga ba ako? o hindi naman.

Naku naman! >.<' 15 palang ako ngayon, tapos ganito na agad ang problema ko.

Tuwing umaga masama ang pakiramdam ko, moody din ako at iba talaga ang pakiramdam ko sa sarili ko ngayon. Hindi naman ganito dati.

Kaya talagang pakiramdam ko, may something talaga. Urgh! -___-

Sinubukan kong kausapin ang bestfriend kong si Mitch.

Hindi ko muna inamin, kasi nahihiya ako. Basta nagtanong lang ako sa kanya.

** Tinanong ni Camille si Mitch.

Camille: Bess, may tatanong ako sayo?

Mitch: Anu yun bess?

Camille: Pag hindi ka ba dinadatnan ng menstruation, pwedeng buntis ka na?

Mitch: Ha? Baket sinong buntis?

Camille: Wala,tinatanong ko lang,curious lang kase ako eh.

Mitch: IKAW?

Camille: HOY! Malandee ka! Hindi ah grabe ka bess. :P

Mitch: Haha! :D joke lang eh, hindi ka na ba mabiro ngaun bess? XD Hindi pa naman ata, dapat mag pregnancy test yang kakilala mo para sure.

Camille: Ahh, saan ba nakaka'kuha nun?

Mitch: Bili siya sa Botika, bakit sino ba kasing buntis?

Camille: Ahh, isang friend ko lang bess.

Mitch: Ahh, kala ko naman ikaw na eh!

Ayokong ipaalam sa kahit kanino ang kalagayan ko, di pa naman ako sure eh.

Mamaya kumalat pa at ma-tsismis pa ako sa campus. Mahirap na!

** Kinabukasan.

Pumunta ako sa Mercury Drug Store, pila ang mga tao sa counter.

Hawak ko na ang number ko, pero nagdadalawang isip ako kasi nahihiya ako.

Baka isipin ng mga kasabay kong bumibili doon ang bata-bata ko pa bumibili na ako ng pregnancy test kit.

Ngayon ko lang naranasan ang kabahan habang bumibili ...

** Nag-tanong ang Counter.

Counter: Ano sayo neng?

Camille: Ahh, ate yung ano po .. pregnancy test kit po. (Pabulong)

Counter: Anong brand?

Camille: Kahit ano po.

Counter: 200 pesos ..

Ang mahal pala neto! pero kailangan ko kasi toh, kaya sige nalang!

Binayaran ko na .. at mabilis akong lumabas sa Drug Store.

NAKAKAHIYA TALAGA! >.<'

15 years old, bumibili ng prenancy test kit? Wow ah. >.<'

** Pag uwi ko ng Bahay.

Agad kong binasa ang instructions kung paaano yun gamitin.

Ilang minuto pa at nag-intay ako ng resulta ..

Mayamaya may nakita na akong guhit ... Dalawa ang guhit O.O

OhhMyGhaad! :'(

Hala! Patay! :(((

Binasa ko ulet ang box, para tingnan ang kahulugan ng dalawang guhit.

Two lines ( // ) means Positive ..

Bigla akong nanghina, napa-upo ako sa toilet bowl.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Shiiiiit! Tiyak na malaking problema ito ..

** Kinabukasan .. Umpisa na ng Klase.

4th year na ako at positibong buntis nga ako! :(

** Sa Room.

Kinamusta ako ni Mark.

Medyo masama ang gising ko kaya nasungitan ko siya, at hindi ko siya kinakausap.

Tuwing umaga kasi nasusuka ako, masakit din ang dibdib ko at madali akong mapagod, nagiging antukin din ako at madalas akong ma-ihi.

Nakakainis! >.< Ganito ba talaga? Haaaaaaay!

Kagabi hindi ako nakatulog sa pag-iisip, pero kahit kelan, hindi ko inisip na ipalaglag ang bata .. Kahit alam kong magdudulot siya nang malaking problema, wala parin siyang kinalaman at kasalanan sa nangyari.

Biktima lang siya ng kapusukan ng kaniyang mga batang magulang.

** After ng Klase.

Hinatid ako ni Mark pa-uwi ng bahay.

Naisip kong sabihin na sa kanya.

Camille: Bhe ..

Mark:  Baket? May problema ka ba?

Camille: Ahh, meron .. ewan ko kung problema nga ito ..

Mark: Baket naman? Ano ba yan? sabihin mo sa akin baka makatulong ako bhe ..

Camille: Kasi 2months na akong delayed.

Mark: Ha? Anong ibig mong sabihin?

Camille: Buntis ata ako bhe .. nag-pregnancy test na ako, at positive ang resulta.

Mark: Bhe, mukhang problema nga yan.

Camille: Baket? hindi mo ba gusto?

Mark: Hindi naman sa ganun, pero hindi pa ako handang maging Ama, masyado pa tayong bata bhe.

Camille: Anong gusto mong gawin ko dito? Ipalaglag ko?

Mark: Hindi naman sa ganun bhe .. kaya lang ..

Nagalit ako kay Mark .. iniwan ko siya at pumasok na ako sa bahay.

Kung sino pa yung dapat na kakampi ko, siya pa ang nag-dadalawang isip na buhayin ang baby namin.

Alam ko hindi namin ito sinadya, pero nandito na ito eh ..

Wala akong magawa kundi umiyak sa kwarto buong gabi :'(

Ano bang dapat kong gawin? :((

TO BE CONTINUED ...

Salamat po sa pagbabasa. ^____^

Abangan niyo po ang next chapter. :))

PAANO KUNG POSITIVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon