**CAMILLE POV**
Camille: May relasyon ba kayo ni Mark? Alam mo nman ang ginawa niya sa akin diba? Bakit nakikipag kita ka pa sa knya?
Mitch: Nako! Mali ang iniisip mo Camille! Hindi yun ganun ...
Camille: Akala ko ba kaibigan kita?
Mitch: OO! At kaya ko ginagawa yun eh dahil kaibigan kita. Alam mo bang sa knya nanggagaling ang lahat ng ginagastos natin dito sa bahay. Pati na rin ang pangpa check-up mo sa doktor at ang mga gamit ng baby na yan..
Camille: Ha?! Baket hindi mo sinabi skin? Alam mo namang ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa knya! Matapos niya akong talikuran!
Mitch: Hindi ka niya tinalikuran ..hindi lang siya handang maging Ama pero handa ka niya tulungan! Ayaw mo lang siyang bigyan ng pagkakataon para ipakita sayo kung paano ka nya matutulungan, sana maintindihan mo si Mark. Hindi ka pa niya kayang i'uwi sa bahay nila, o mag sama kayo sa isang bahay ngayon dahil parehas pa kayong bata, pero ginagawa niya ang lahat para makatulong sayo kahit papaano, nag-iipon siya para sayo. Alam nya na papalayasin din siya ng magulang niya pag nalaman ang tungkol sa inyo ngaun, kung mangyayari yon paano ka niya matutulungan? Sana maintindihan mo si Mark. Wag mong isiping tinalikuran ka nya, hindi mo lang tlga siya binigyan ng pagkakataon na mag paliwanag. Ipagpalagay na natin na nag sama kayo, saan kayo titira? Saan kayo kukuha ng pera kung parehas na kayong itinakwil ng mga magulang nyo? Naisip mo ba yon? ..
Walang nagawa si Camille kundi ang umiyak ..
**CAMILLE POV**
Tama si Mitch, Tama si Mark, Naging makitid ang utak ko .. Hindi ko naintindihan noon .. pero ngayon alam ko na.
Nang gabi ding iyon, tinawagan ko si Mark.
Mabilis siyang pumunta sa bahay ni Mitch para makita ako.
Hindi siya nagsalita agad niya akong niyakap .. yon ang pinaka masarap na yakap na natanggap ko mula sa Ama ng Anak ko.
**KABUWANAN KO NA**
Kinausap ako ng Adviser namin na wag munang pumasok sa klase dahil sa kalagayan ko. Kahit matandang dalaga si Ms. Cruz eh naiintindihan niyang maselan ang kalagayan ko ngayon.
Nasa bahay lang ako buong araw ..
**FEBRUARY**
Dumiretso si Mark sa bahay ni Mitch para samahan ako tuwing hapon. Nasa Jollibee kasi si Mitch pagkatapos ng klase at nag -tratrabaho.
**MARK POV**
Mark: Ano bang magiging pangalan ng Baby Boy natin?
Camille: Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip ee.
Mark: Camille ... Mark .. Ano bang maganda? isusunod ba natin sa mga pangalan natin?
Camille: Parang hindi maganda. Eh kung Michael nalang..
Mark: Baket?
Camille: Isusunod natin sa pangalan ni Mitch .. Michelle siya diba? Malaki talaga ang utang na loob natin sa knya, siya ang tumayong ate ko all this time ..
Mark: Sige! Baby Michael =))) Poging baby Michael kamusta ka dyan sa loob? pag labas mo, tuturuan agad kita mag basketball. HAHAHAHA!
Camille: Loko ka! Baka malaki pa yung Bola sa kanya!
Mark: Biro lang! Alam mo masaya ako na magkakaroon na ako ng Baby Boy. Ang sarap ng feeling ng may makakasama pag tanda ..
**FEBRUARY 04, 2010**
Midwife: Baby out! 9:25 Am. Mrs. He's a healthy baby boy.
Parang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ni Camille .. Nawala ang sakit sa katawan .. at sakit sa kalooban niya ng marinig niya ang sinabi ng midwife.
Sa unang pagkakataon nakita niya ang Baby.
**MARK POV**
Mark: Bhe! Gising ka na pala, kamusta? Anong pakiramdam mo?
Camille: Asan na ang Baby? gusto ko siyang makita ..
Mark: Andun sa nursery .. natutulog pa, ang cute niya, kamukha mo.
Camille: Talaga? tulungan mo akong tumayo , gusto ko syang makita .. gusto kong makita si Michael.
Inalayan ni Mark si Camille papuntang nursery.
Mula sa glass window ng nursery , nakita nila ang baby na nasa gilid ng room .. maamo ang mukha ng baby habang mahimbing na natutulog.
Mahigpit na hawak ni Mark ang kamay ni Camille.
Masayang masaya ang dalawa .. parang bigla nilang nakalimutan ang lahat ng dinanas nilang problema. Hindi maalis sa mukha nila ang ngiti dahil sa ligayang dinulot sa kanila ni baby Michael.
Bumalik si Camille sa bahay nila upang humingi ng tawad.
Nawala ang galit ng Daddy niya ng makita ang napaka among mukha ng Apo .. At muling tinanggap si Camille ng kanyang Ama.
Alam na din ng magulang ni Mark ang tungkol sa kanilang Apo.
Nangako ang dalawa na mag tatapos muna ng Highschool at mag papatuloy sa pag-aaral sa College kahit meron na silang Anak.
Hiniling ni Camille sa Daddy niya na patirahin si Mitch sa kanilang bahay .. dahil ulila na si Mitch, kailangan nya din ng pamilya kukupkop sa knya.
Siya ang tumayong ninang ni Baby Michael kapatid ni Camille at kaibigan ni Mark.
"Minsan kailangan talaga nating pag daanan ang mga problema, kahit pilit natin itong iniiwasan, pero kung magiging matatag tayo, sa pag harap sa mga ito .. We will learn from our mistakes and it will make us a better and stronger person."
**THE END**
At dyan po magwawakas ang storyang ito at pasensya na po kung natagalan ako mag'UD! HAHAHA. Tinamads po ee! :)) Sana po ay nagustuhan ninyo ang Chapter 1 hanggang dito.
Maraming salamat po ulet sa mga readers :** Kung nabitin po kayo pasensya na po. :)))
BINABASA MO ANG
PAANO KUNG POSITIVE?
Teen FictionMinsan kailangan talaga nating pagdaanan ang mga problema kahit pilit natin itong iniiwasan, pero kung magiging matatag tayo sa pag-harap sa mga ito we will learn from our mistakes and it will make us a better and a stronger person.