** CAMILLE POV **
Nagalit ako kay Mark.
Iniwan ko siya at pumasok na ako sa bahay .. kung sino pa ang dapat na kakamipi ko, siya pa ang nagdadalawang isip na buhayin ang baby namin. :(
Buong gabe akong umiyak :'(
Mabuti pala si daddy sa bahay.
Isa ko pa ding problema kung paano ko sasabihin sa magulang ko.
Hindi pwedeng itago ko ito habang buhay.
Pag lumaki ung tyan ko siguradong hindi ko na ito maItatago, mga kaibigan ko nalang ang makakatulong sa akin. SANA NGA!
3 months na ung tyan ko at halos 1 buwan na kaming hindi nagpapansinan ni Mark.
Hindi ko siya kinakausap sa room.
Hindi pa rin alam ng mga kaklase ko, pati ng mga barkada ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila.
Hindi pa halata ung tyan ko, naitatago ko pa siya sa pananamit ko, pero nag-iingat din ako. Ayokong may mangyaring masama sa baby ko.
Napapansin na ng mga classmate ko na nag-iiba ang mga kilos ko.
Madalas akong makatulog sa hapon, kaya pinapagalitan ako ng mga teachers ko, at napapansin din nila na maganda akong kumain, at parang naglilihi ako.
Kahit hindi ko kinakausap si Mark, andyan pa rin siya para sa akin.
Sinasamahan niya ako kahit saan ako magpunta, ayaw niya rin siguro na may mangyari saming masama ng baby ko.
Hinahatid din niya ako pag uwi, kahit hindi ko siya kinakausap.
Sabi niya sa akin, na magpa-check up ako sa doktor, pero wala akong pera pambayad, hindi kasya ang allowance ko sa halaga ng mga vitamins at exam sa clinic. Ayoko naman tumanggap ng pera galing kay Mark. Pero kailangan ko ng pera.
Hindi ko na kayang itago pa kaya kinausap ko an si daddy, para ipagtapat sa kanya.BAHALA NA!
Camille: Dad pwede po ba tayong mag-usap?
Daddy: Tungkol saan ba yan anak? Sa school ba yan?
Camille: Ahm, hindi po ...
Daddy: Ano ba yon?
Camille: Daaad ... Buntis po akooo .. 3 months na po. ~____~
** Sa galit ni Daddy sinampal niya ako. :'(
Hindi masakit ang sampal niya, pero masakit sa damdamin ang sinabi niya sa akin. Huhuhu! :'(
Daddy: Walang hiya naman Camille! Ano bang pinag-gagawa mo sa buhay mo? nagpapakahirap na nga ako sa pag-tratrabaho mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan pero anong ginawa mo? Imbes na mag-aral, nag-pabuntis ka na! High School ka pa lang Camille. Sinong Ama niyan?
Camille: Sorry po Daddy .. si Mark po ang Ama nito! :'(
Daddy: Hindi kita pinayagan na mag-paligaw! Tapos malalaman ko na lang na buntis ka na! Lumayas ka dito! yan pa ang isusukli mo sa pag-aalaga ko sayo! Wala kang kwentang anak! Ayokong makita ka pa dito!
** CAMILLE POV **
Itinakwil ako ng Tatay ko .. wala akong mapuntahan.
Pinuntahan ko ang mga barkada ko, pero tinaguan nila ako.
Ang barkadang inaakala ko na matatakbuhan ko ngayon, pero hindi pala. :(
Lumapit ako sa Bestfriend kong si Mitch.
** MITCH POV **
Mitch: Oh? Camille! Anong nangyari? Baket may dala kang bag? Naglayas ka ba sa inyo?
Camille: Pinalayas ako ng Daddy ko .. :'(
Mitch: Ha? Baket?
Camille: Nalaman nyang buntis ako, tulungan mo naman ako, wala akong mapupuntahan.
Mitch: Ano? Buntis ka? Eh ano nga bang magagawa ko andyan na yan.
Camille: Parang awa mo naman Mitch, tulungan mo naman ako.
Mitch: Halika nga dito, pasok ka, dito ka muna pansamantala.
** CAMILLE POV **
Ulila na si Mitch.
Isa siyang working student, nag-aaral siya sa umaga tapos nag-tratrabaho sa isang fast food chain sa hapon after class.
Siya ang bestfriend ko, at siya lang ang kumupkop sa akin nagyon.
** MITCH POV **
Mitch: Alam na ba ni Mark ang nangyari sayo?
Camille: Alam na niya at wala akong pakialam sa kanya.
Mitch: Baket? Hindi ka ba niya pananagutan?
Camille: Hindi pa daw siya handa ..
Mitch: Eh gago pala siya eh, pero malaking problema itong pinasok mo Camille. Hayaan mo tutulungan kita.
Camille: Salamat, Micth ah! pasensya ka na, pati tuloy ikaw naabala ko, wala na talaga akong mapuntahan, salamat talaga :) Itinakwil na ako ng sarili kong pamilya, pati mga barkada ko.
Mitch: Wala yun alam mo namang malakas ka sken eh :) Sige bukas may klase pa tayo, magpahinga ka na, masama sayo ang mapuyat.
** Isang linggo ang lumipas.
Napakabilis ng balita.
Kalat na sa Campus na buntis ako ..
4th year highschool, 4 months pregnant?
TO BE CONTINUED ..
Salamat sa pagbabasa mga readers! :)
Abangan niyo po ang next chapter. ^_____^
BINABASA MO ANG
PAANO KUNG POSITIVE?
Teen FictionMinsan kailangan talaga nating pagdaanan ang mga problema kahit pilit natin itong iniiwasan, pero kung magiging matatag tayo sa pag-harap sa mga ito we will learn from our mistakes and it will make us a better and a stronger person.