MTKG01

787 10 3
                                    

'Di ko inasahang ikaw ay makikilala
Ika'y tila sa akin ay regalo ng tadhana
Sa unang beses palang ngang pagkikita nating dal'wa
Dulot agad sa puso ko'y kakaibang uri ng kaba

Binalewala ko, aking pinagsawalang-kibo
Inisip ko na lamang na natural lang lahat ng 'to
Ang humanga sa iyo na tunay ngang kahanga-hanga
Kapagkuwan ay nabigla, damdami'y nag-iba na pala

Nilapitan mo ako, kinausap mo ako
Mga 'di pangkaraniwan na sa 'kin na'y ginagawa mo
Ginulat mo 'ko do'n, 'di man lang nagbabala
Na pwede mo palang ituring na malapit sa 'yo diba

Nalilito, nababahala, ako'y nagdadalawang-isip
Kasi ngayo'y inaalala kung pa'no sarili'y masasagip
Sa pagkahulog sa iyo, oh ayokong mangyari 'yon
'Pagkat pagdating sa 'yo mga bagay 'di sigurado

***

Haloviney

Mga Tula Kay Ginoo | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon