Stage 2: Crush to the max

6 0 0
                                    

"Nico! Gumising ka na at male-late ka na sa school!" gising ng pinakamahalagang babae sa buhay ko na walang iba kung hindi ang aking ina.

Si ina na isinilang ako sa kanyang sinapupunan, si ina na palagi akong tinuturuan kapag ako ay may nagagawang kamalian, si ina na mapagmahal, si ina na maaruga at si ina na kulang na lang eh bigyan ako ng walang katapusang halik sa pisngi kada pag pasok ko sa eskwelahan. Yan ang mama ko, kaya bakit pa ko maghahanap ng iba eh nandito naman si mama? Haha biro lang. Hindi ako mama's boy. Kdot.

"Opo babangon na." at ito nga, bumangon na ko kahit medyo inaantok pa ko. Alas-singko imedya palang ng umaga at kailangan ko ng mag-ayos. Ala-sais imedya kasi ng umaga darating ang school bus. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na ko ng uniporme. Syempre hindi kakalimutan ng isang batang nagbibinata ang maglagay ng gel sa buhok. Porma to the max!

"Oh, kumain ka muna ng almusal." sabi ni papa habang nagbabasa siya ng diyaryo. Yan ang gawain ng papa ko, ang magbasa ng diyaryo tuwing umaga with matching mainit na kape.

"Pa, ma, nasaan na nga pala sina ate Louie at si Cynth?"

"Nauna na ang ate mo. Ang kapatid mo naman may lagnat kaya hindi ko muna pinapasok."

"Sige po kakain na po ako. " Nagdasal muna at kumain na ko ng almusal. My typical breakfast, hotdog with matching sunny-side up egg and rice o in-short, ang paboritong almusal ng dugong noypi tulad mo at tulad ko, ang Hotsilog.

Dumating na ang school bus at palakad na ko ng bigla ako tinawag ni mama. Tinuro nya ang pisngi nya gamit ang hintuturo at alam ko na kung ano ang kahulugan niyon.

"Ma, malaki na ko. Hindi ko na po kailangan magbigay ng kiss sa inyo."

"Nico.... " yan na naman yung ngiti nya at nakaturo yung hintuturo niya sa pisngi nya. Sa ganoong gesture palang ni mama takot na ko. No choice na ko kaya hinalikan ko na si mama sa pisngi, at hinalikan nya na ko ng pagkadami dami. Buti na lang at wala siyang lipstick kung hindi.. baka ma sabihan na naman akong Mama's boy.

" Mag-iingat ka anak. At mag-aral ng mabuti. "

"Opo. Off to school na ko. Bye ma." nakasakay na ko ng bus.

"Good morning manong." bati ko kay manong driver.

"Magandang umaga rin sa iyo iho."

Habang naghahanap ako ng mauupuan, nakita ko yung batang babaeng napaiyak ko kahapon. Nakaupo sya sa kanan-dulong bahagi ng bus sa bandang bintana. Hindi ko mawari kung bakit siya nag-iisa doon. Sadyang makulit ako este,mausisa ako kaya nilapitan ko sya.

"Good morning Mine." bati ko with matching smile.

"At ano naman ang ikinaganda ng umaga?" umagang umaga tinatarayan na naman nya ko.

"ang ganda ganda ng bati ko tapos sinusungitan mo na agad ako. Meron ka ba?"

"w-wala No! Wala lang talaga ako sa mood ngayon at umalis ka nga diyan. Wala akong sinabing tumabi ka sakin. " namumula siya hala ibig sabihin defensive siya.

" Sus bakit ka namumula? Totoo yung sinabi ko no?"

"Che ewan ko sayo! Umalis ka na diyan. Diyan uupo si James!"

"ok fine. Baka maka abala pa ko sa inyo ni James eh. ang sweet sweet niyo pa naman. " Psh. Paki ko sa kanila? Umalis na ko sa upuan at tumabi na lang ako kay Irato.

" Irato, pakopya na ko ng homework. Promise last na to. " nakalimutan ko may homework nga pala kami.

"Dahil mabait naman ako, papakopyahin kita pero sa isang kundisyon, ililibre mo ko ng Lunch."

"Sure, pating. Yun lang pala e. " basta libre hindi uurungan ni Irato.

Recess time na at kasama ko sina Irato at James.

"Yo James bakit magkatabi kayo ni MS. Top 1?"

"Eh? Nagpapaturo kasi ako sa kanya sa Math Subject. Bakit mo naman na tanong Loco?"

loco nga pala ang palayaw ko kapag nasa school ako kasi sa makulit at pilyo daw ako sabi ng mga teacher at kaklase ko. Pero ok lang sakin yun kasi trip ko rin naman. Hahaha

"Alam mo ba James-san na Crush ni Loco si Mine?" biglang sabi ni Irato. Natawa pa. "Alam mo rin ba na nasam-" di na nya natuloy yung sinabi nya kasi pinasok ko sa bibig nya yung kakainin ko sanang sandwich. At ang kumag, kinain naman.

"Oi wala akong crush sa babaeng yun ah! Matalino nga siya, ubod naman ng sungit. Akala ko nga anghel yun, delubyo pala. Sa tingin ko nga may gusto sayo yun James. "

"Anong sabi mo?!" patay. Kanina pa pala nasa likuran ko si babaeng sungit. Yung mukha niya parang nakakain ng isandaang sili sa sobrang pula!

"Ang sabi ko, crush mo si James. " tignan natin kung di ka maasar.

"Ano? Hindi totoo yan!"

"Mga klasmeyt Crush ni MS. TOP 1 si James." marami agad ang nagulat. Ang daming nagsipag tsismisan. Mga tsismoso't tsismosa ng klase namin grabe ang dating. Para kaming nasa paparazzi! Daig pa namin yung fans ng mga artista. Hahaha Joke lang mga brad.

"Anuman ang sinabi ni Nico Loco, walang katotohanan sa mga iyon!" sigaw na ata ang narinig ko mula kay Mine. Namumula nanaman siya. Hala.

"Nye! Nye! Si Mine pikon. Ibig sabihin totoo! Kita nyo naman mga kaibigan, namumula na si Ms.Top 1 oh. Hahaha.", sa totoo lang mukhang napasobra ako sa pagbibiro.

Bigla ba namang hinatak ni Mine yung mamahalin kong uniporme at kinaladkad pa ko palayo sa classroom.

"Ano bang problema mo huh?! Naghahanap ka ba ng away?!" hindi ko talaga maintindihan bakit ang cute nya kapag nagagalit.

"Oo, naghahanap ako ng away."

"Then stop it. Hindi ka na nakakatuwa!", lumabas na ang mga luha nya ng sinabi nya yun. Ako naman, na-guilty.

"Ui sorry na Mine. Hindi na mauulit. Atsaka nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko."

"Then tell them!"

"Tell them what?"

"Tell them that I don't have a crush on James!"

"Sure. Yun lang pala eh. Tutal ako ang nagsabi, ako pa rin ang magsasabi. Haha." biro ko para ngumiti sya. Pero hindi siya ngumiti. Seryoso pa rin ang mukha nya.

"Good.", bigla nyang hinawakan ang kamay ko at bumalik na kami sa classroom.

"Oh Loco! Anong nangyari?" tanong ni Irato. Yung mukha nya, nakangiti. Alam ko nang pag-uusapan namin mamaya sa telepono.

"Ehem-ehem." ubo ni Mine.

"Ah mga classmates, may sasabihin ako. Tungkol sa kaninang sinabi ko, kalimutan nyo na yun. Ang totoo, hindi naman talaga crush ni Mine si James. Binibiro ko lang silang dalawa."

Ang daming tumawa, ang daming nagtaka. Ang daming nagsabing "wooo ikaw lang ang may gusto kay Mine, Nico Loco eh. Kunwari ka pa."

"Hala namumula ka Nico!" banat ni Irato.

"Weh? Hindi nga?!" naself-concious tuloy ako bigla.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Confessions of Mr.BoleroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon