Prologue

83 4 1
                                    

3rd Person's POV

"Alert... Alert"

Maririnig ang alingawngaw ng emergency call sa buong building ng NSAO.

Halos lahat ng tao ay natataranta at di malaman kung ano ang gagawin.

"Calling the attention of Dr. Hamsley, please proceed immediately to the tracking building."

Yan ang tanging maririnig at ang ingay ng emergency call sa buong sulok ng building.

Halos lahat ng mga scientist ay pumaroon sa tinatawag na tracking building.

At the Tracking Building

Kakarating lang ng isang matandang lalaki. May pinindot ang isang lalaki na mukhang aide sa bandang gilid ng silid at biglang tumigil ang pagtunog ng emergency call.

"Anong nangyayari?" tanong ng isang matandang lalaki na kilala sa tawag na Dr. Hamsley.

"Doctor, may na identified na tatlong bulkan ang sasabog sa loob ng isang oras." sagot ng isang lalaki na nakaupo sa main computer.

Makikita sa main computer ang projection ng tatlong bulkan na unti unting tumataas ang lava. Makikita rin ang oras nito sa gilid at ang lugar kung saan ang bulkang ito.

"What continent?" usisa uli ni Dr. Hamsley.

"Dalawa po sa Asia at isa sa Africa." sagot naman ng isa pang aide.

"Bakit pareho sila ng time sa pag-errupt?" di makapaniwalang tanong ni Dr. Hamsley.

"Yun nga ang di namin maintindihan Dr. Hamsley, kaya ka namin pinatawag."sabi ng isang lalaki na nakasuot ng lab suit with nerdy eyeglasses.

"Raymond?" tawag ni Dr. Hamsley sa lalaking bagong sulpot. "Makakalikha ba ng earthquake ang pagsabog ng tatlong bulkan?" tanong pa nito.

"Yes!" halos sabay nilang sagot.

Nanlaki ang mata ni Dr. Hamsley sa narinig at di makapaniwala.

"The Asia will be wipe out." sabi ni Raymond.

"What? Gaano ba kalakas ang bulkang ito?"tanong ni Dr. Hamsley.

"The two volcanoes can create a powerful earthquake and the earthquake can create a big tsunami that can wash out a continent." paliwanag ni Raymond.

"How about the other one, in Africa?" usisa uli ni Dr. Hamsley habang papalapit sa main computer.

"Wala namang kaso ang bulkang ito sa Africa, pero dahil malapit ang Africa sa Asia mas mapapalakas pa ang earthquake na magagawa."paliwanag ni Raymond. "Dapat ma-stop agad natin ang pag-errupt ng tatlong volcano." dagdag pa niya.

"Wait Sir Raymond, dumagdag ng apat na oras ang pag-erupt ng bulkan sa Asia." nagulat ang lahat sa sinabi ng aide na nakaharap sa main computer.

"Ano?!" halos sabay na sigaw ni Dr. Hamsley at ni Raymond.

"Hindi lang yan, na-neutralized na ang erruption." nagulat ang lahat at mas lumapit pa sa main computer.

"I-detect mo kung saan nanggaling ang neutralization." utos ni Dr. Hamsley.

"Nawala po bigla ang signal." sagot ng isang aide.

"What?" mabilis na tanong nito.

"Wala na rin po ang pagsabog ng bulkan sa Africa." sabi pa ng isang aide.

"What's happening? Raymond! Hanapin niyo king sino ang may gawa nito, dali!!" utos ni Dr. Hamsley sabay alis sa tracking building.

"Narinig niyo ang sinabi ni Dr. Hamsley? Kayong mga nandyan gumawa kayo ng investigation about this matter." utos niya sa mga scientists na nakatunganga lang sa sulok.

"Magsagawa kayo ng mga research about this. Kung pwede ay gumawa rin kayo ng character's profile para mas makilala ang mga taong may gawa nito. Kung iisa lang ba ang may gawa nito o marami." dagdag pa nito.

"Yes Sir Raymond." sagot nila
sabay alis.

"Sir Raymond, look! May limang bulkan pa pong nadetect ang ating satellites na siguradong sasabok in 24 hours." sabi ng aide na nakatutok lang sa main computer.

"Where?" mabilis na tanong ni Raymond at biglang may pinindot sa kanyang cellphone.

"Wait! Na-neutralized na!" sabi ng isa sabay tayo sa kinauupuan.

"What's happening? Sino ang may gawa nito?" tanong ni Raymond sa mga aide pero lahat sila ay walang naisagot.

Umalis si Raymond sa tracking building na may kausap sa telepono at mukhang nakikipagtalo.

"Di ako makapaniwalang nangyari ang lahat ng ito sa bawat kontinente." sabi ng aide na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala.

"Oo nga." pag-sang-ayon naman ng isa pang aide. "At paano na-neutralized yun bigla? Di nga natin magawa yun eh." dagdag pa nito.

"Alert! Alert! Alert!" muling gumawa ng ingay ang emergency call nang magbukas ito automatically.

Nagulat ang dalawang aide at nabigla sila nang makita ang mga bagay na nagpop-up bigla sa main computer.

"Call Dr. Hamsley!" utos ng isang aide sa kasama niya at nataranta na silang dalawa.

Makikita sa main computer ang kagimbalgimbal na pangyayari na ngayon lang makikita sa buong buhay ng isang tao.

Destruction. Tunay na nakapangingilabot. Mga disasters. Biglang lumabas ang nadetect ng mga satellites. Mga oras, oras kung kailan gaganapin ang mga bagay na di gugustuhin ng lahat.

Halos nabigyan ng oras kung kailan sasabog ang mga bulkan sa buong mundo, hindi man sabay sabay ngunit gaganapin lamang sa isang araw.

Makikita rin ang mga sari-saring bagyo. Mga bagyong numumuo sa karagatang Pasipiko. Hindi pa man sila mananalanta ngayon pero mauubos ang oras at siguradong mawawasak ang mundo dahil sa mga disasters na ito.

Nadetect rin ang oras kung kailan gaganapin ang paglindol at halos ang mga epicenters nito ay makikita sa iba't ibang bansa ng mundo.Maging ang mga tsunamis ay nagbabanta.

Maaaring darating ang mga kalamidad dito pero hindi pa nila alam kung gaano kalakas ang lindol at mga bagyo. Maging ang taas ng mga tsunamis at maging ang lawak na mararating ng pagsabog ng bulkan.

Ito na ba ang katapusan? Ito na ba ang inaabangan o ang kinakakatakutan? Mawawasak na ba ang mundo? Katapusan na nga ba ng mga tao? O di kaya'y malulunasan ang lahat ng ito?

Kung gayon, abangan sa mga susunod pang mga kabanata.

Universal PsychoWhere stories live. Discover now