★Commander Queen POV.★
Andito kami ngayun sa gubat para gawin ang ipinapagawa sa amin nila Scarlet. Kailangan naming makadala sa Arena ng 40 ulo ng bampira. Hindi kami pwedeng pumunta kela Scarlet ng hindi namin nakukumpleto ang dalawampung ulo kaya andito kami para magsimula na.
"Magdahan dahan naman kayo kingina! Ang lilikot nyo!" Sambit ko sa kanila na agad naman nilang ikinatahimik
Paano ba naman kasi nagtutulakan sila halos madapa nako tsaka baka mamaya marinig kami ng mga bampira. Mapapagalitan nanaman ako dito nila Ranz pag di namin nakumpleto pinapagawa nila.
Si Scarlet ang pinakamataas ang ranggo sa SHU kaya iginagalang namin sya. Kasama nya sila Ranz, Tyrex, Althea, Celine, Cloud at Paulene sa pagbuo ng SHU. "SERENITY HEIR UNDERWORLD" yan ang ibig sabihin ng SHU. Mayroong iba't ibang gang ang kabilang sa SHU at isa na dun ang Gang namin na TDE (THE DEVIL'S EMPIRE). Ako ang commander sa TDE at si Blake naman ang captain. May iba't ibang patalim kaming dala at gamit para makapatay at makadala ng ulo ng bampira.
May narinig akong mga paparating kaya agad akong nagsalita "Magsihanda na kayo paparating na sila"
Agad naman silang tumango bilang pagsang ayon. Unti-unting lumabas ang mga bampira at hindi ako nagkamali dahil lumalaban na ang mga kasamahan ko. Amoy palang nila alam kong bampira na. Sumugod n ang mga kasamahan ko at partner partner ang aming paglaban. Si Nij ng partner ko at pana ang kanyang gamit dahil hindi maikakailang magaling sya sa pag gamit nito at mabilis din syang kumilos. Si blake naman tinuruan ko kung paano gumamit ng espada, mabilis syang natuto kaya hindi na ako nahirapan. Si Eun at Agatha ang magaling gumamit pagdating sa knife. At mataas din sila kung tumalon kaya laging sa ulo tama ng mga bampira o ano mang kalaban. Ako naman ay marunong gumamit ng knife at espada. Marunong rin ako sa baril ngunit hindi namin pwedeng gamitin iyon dahil ipinagbabawal nila Althea yun. Bata palang ako marunong na akong gumamit ng mga patalim at baril. Marunong rin ng self defense.
"Com sa likod mo!" Sigaw sa akin ni Nij habang abala sa pag pana. Humarap agad ako at tinarget ko sa may puso ang bampira. Marami na akong napapatay na bampira. Sila Blake, Xham, at Nij ay nakaka anim na. Sila Sowon, Ken, Dravea ay nakaka apat na at ang iba ay nakakadalawa samantalang wala pang napapatay ang iba. Si Eun, Jisoo at Zhy naman ang gumagamot ng may mga sugat dahil professional doctor sila noon. Ang iba naman ang bahala sa paglagay ng mga ulo ng bampira sa Van. Natapos n namin at nakumpleto na namin ang ulo ng mga bampira. May mga sumobra pa nga.
"Woahh medyo nahirapan ako dun ah" hingal na sabi ni Sowon, habang ang iba naman ay napasandal nalang sa kahoy at sasakyan sa pagod.
"Hindi lang naman ikaw" sabi rin ni Mark na nagpatawa sa aming lahat.
"Dalhin na natin sa Arena toh kwin" sabi sakin ni Blake (TDE's captain)
Tumango nalang ako at naglakad na papuntang van. Sumunod naman na sila. Puro dugo na kami dahil sa mga napatay naming bampira. Ang ibang may mga sugat ay nagamot na nila Eun. Kabisado kona ang mga amoy ng dugo dahil sa iba't ibang mga nilalang na napapatay namin. Ilang oras pa at nakarating na kami sa Arena. Sikretong lugar ito kaya sigurado kaming mga under SHU lang ang nakakaalam nito. Ika tatlo kami sa mga gang na nauna dito sa arena. Baka hindi pa tapos ang iba. Pagpasok mo palang makikita mo na ang dalawang magkaibang gang na puro dugo rin ang mga miyembro. Merong ginagamot at merong nagpapahinga. Kakaiba hah! "Buti samin nagamot na namin agad ang ibang miyembro" sabi ko sa isip ko.
Kumatok na ako sa pintuan ng mga namamahala ng SHU at hinihintay ko nalang ang pagsagot nila.
"Pasok" yan lang ang salitang binitawan ni Paulene ang Secretary ng SHU.
Pumasok na kami sa loob ng Conference pero ang kasama ko lang ay si Blake dahil Commander at Captain lang ng gang ang pwede dito. Pero bago maisara ang pinto inutusan ko si blake na tawagin si Mark, Alexis at Kaizer para dalhin ang mga ulo ng bampira. Nang makapasok na sila sinenyasan ko agad ang tatlo na ilapag na ang mga ulo ng mga bampirang napatay namin. Nang nailapag na nila agad kong sinenyasan ang tatlo na lumabas at kami nalang ni Blake ang naiwan na part ng TDE.
BINABASA MO ANG
Hell of Sacrifices
ActionAction at the same time horror,pls try to read this thanks!