Kbanata 1

20 1 0
                                    

Lance's POV

Ako si Lance Dimaano isang guwapo't matipunong working student. Lahat papasukin ko makatapos lang ng pag-aaral.

Naalala ko yung sabi sakin ng mamang ko bago siya mamatay. Tapusin ko raw ang pag-aaral ko kahit anong mangyari. Kahit isa manlang daw sana saming magkapatid ay makatapos ng pag-aaral para makaangat kami sa kahirapan.

Kalahating taon pa lang simula nang mamatay ang mamang. Wala din kaming maasahan kay papang dahil simula ng mamatay si mamang wala na siyang ginawa kundi mag lasing at uminom.

Kaya gagawin ko ang lahat makatapos lang ako at mapaaral ang isa kong kapatid. Grade 4 na si Chino pagpasok. Ako naman mag gegrade 11 na dapat sa pasukan.

Kaya kailangang kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Ginawa ko na ang lahat nag cacarwash ako sa umaga. Janitor sa school pag hapon at tindero ng balot sa gabi pero kinukulang parin kami.

Cringggg!!! Cringgg!!! tunog ng cellphone ko.
Si tiyang Loida!. Agad kong sinagot ang cellphone kong Nokia 3310.

H-Hello tiyang napatawag kapo? Tanong ko.

Hello Tisoy! kailangan mo ng trabaho hindi ba?  Tanong niya na mabilis ko nmng sinagot

Opo! opo! Kailangang kailangan ko nmn talaga ye

Pumunta ka dito sa pinagtatrabahuhan ko dali! At naghahanap sila ng bagong yaya. Malaki daw ang suweldo, wala kasing nagtatagal e. Biro ng tita ko

Nako tiyang kahit bumubuga pa ng apoy  yung aalagaan ko diyan okay na ko basta makapag aral lang kaming dalawa ng kapatid ko ayos na ko. Positibong tugon ko sa kaniya

O siya, siya sige na at marami pakong trabaho isesend ko nlng sayo ung address ha? Papadalan ka daw ng pamasahe ng amo ko para makaalis kayo diyan sa Bicol" Sabi niya

"Nakausap ko na ang amo ko, payag daw silang isama mo si Chino" dagdag pa niya

"Talaga po tiyang? Cge pooo!!"sobrang saya ko! Feeling ko eto na ung chance para makapag aral kaming magkapatid.

"Chino! Chino! Makakapag-aral na tayooooo!!!" Tuwang tuwa kong sabi sa kaniya.

"Talaga kuya?!" niyakap niya ko

"Sabi ko sayo e gagawa ng paraan si kuya" Sambit ko sa kaniya habang ginugulo ang buhok niya.

"Salamat kuya! Dabest talaga ang utol ko!" Sus proud na proud nanaman sakin tong bata nato haha>_<

Kaya kahit na gano pa kahirap alagaan at i-spell-engin ung magiging amo ko, gagawin ko ang lahat para magtagal ang trabaho ko! Humanda siya sakin hahahah XD

Bulacan here I comeeee!!!!

Author's Note:
Hello! This is my first time writing a story so please bare with me and pasensya narin kung meron man kulang kung oa ung gawa ko o kung ano mang problema. Just message me nalang kung meron and I'll try my best to improve and kung meron din kayong tips, I will definitely appreciate it. Lovelots muahh:3

Nanny You're My Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon