Zhavia's POV
"Savi! Ano nanamang kalokohan to? Papatayin mo ba talaga ang mga katulong dito?!"
"Matatanda na ang mga maids natin dito to handle your pranks!"
Blah blah blah hayst tsss...my daddy's lecturing me again.
"What can I do? I got bored!" boring naman kase talaga dito sa bahay ginrounded pako ng one week, so anong gagawin ko dito? Kausapin ko mga pader sa bawat sulok ng bahay? Ughhh!!! Mababaliw na ko dito.
"Dahil dyan! I'm gonna extend it"
Dagdag pa ng daddy. Ano nanaman kaya yon?"Extend what?!" sagot ko kay dad
"You're grounded for another week!"
What? Hindi pwede!!!"But that's unfai*****" di pako natatapos magsalita
"No buts Savi" hayy what do you expect Savi? -_-
"Padating na ang bago mong yaya hopefully makahanap ka na ng katapat mo" he smirked. As if naman merong makakatapat saken.
" I don't care!" wala akong pakialam mas maganda pa nga yon at may bago akong toy. How exciting! Diba?
"Sir, maam andito napo siya" rinig kong sabi ng one of the maids namin
"Papasukin mo" my dad looked at me with an evil smile.
Sus! kala mo naman matatakot ako sa kukuhanin nyang bago.
Sino ba kasi yan? at parang bilib na bilib ang daddy ko. Paglalaruan ko din naman yan e.
Sige let me see my new toy haha!
I smirkedPumasok ang isang lalaking parang probinsyano ang dating at may kasamang bata. Kukuha nalang ng yaya may sabit pa-_-
"Wait what!? Is this my new nanny dad?" seriously?! Bakit lalaki pa?
"Yes did you liked it" mapang-asar na tanong ni dad
Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki mula ulo hanggang paa.
"Medyo dugyuten pero okay na, papasa na as my new toy"
sa totoo lang ayoko talaga nito , bakit lalaki pa? This is unfair I'm a girl! Mamaya manyak pala tong lalaki nato eww... Pero shempre kailangan kong patulan ang pang-aasar ni daddy"Savi!" saway ni dad saken.
"What? I'm just saying the truth!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Nagsasabi lang nmn talaga ko ng totoo e.
"Okay lang po sir!" pananabat ng lalaking dugyuten.
"See? It's okay lang nmn pala e"
Sabi ko kay dad"Okay lang po!" ngiti ng lalaki "ako na po ang bahala sakanya" sabay kindat saken.
"Eww" masuka-suka ko sa ginawa nya ughhh!!!
Tumakbo na ko paakyat ng kuwarto ko. I can't take him anymore! Kadiriii>_< baka mamaya tuluyan nakong masuka...
"Pagpasensyahan muna yang anak kong yan sadyang maldita lang talaga yan. Diko na nga alam kung papano ang gagawin dyan e" Rinig kong sabi ni dad habang umaakyat ako ng hagdan
May sinabi pa si dad pero hindi na narinig dahil nagmamadali akong umakyat at mas pinili ko nalang hindi makinig. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin nya.
Hindi naman talaga ako ganito kung di rin dahil sa kanya. Bata pako nun. I was 8 yrs old, nang magsimulang magkalabuan si mommy at daddy. Araw-araw silang nag-aaway and it was all because of money, ... Always!.. Nagkaproblema kasi sa company at dahil dun palagi na silang nag aaway . Bakit pa kasi naimbento ang pera kung ang dami nitong nasisira? From dignity, pag-iisip ng tao, humanity and family?. Bakit pa naimbento ang pera kung kung magiging ugat lang pala to ng kasamaan, kasakiman, siraan?. Simula non nambabae na si daddy, at nadiskubre ito ni mommy. Hindi nya ito nakayanan. She left us! She cut herself... Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak as I saw mommy lying on the bed with blood all over her body. Wala ng mommy na mag tetell sakin ng stories before bedtime. Wala nang magbibigay ng advice, wala nang magchicheer sakin when I'm down. That day the good Zhavia Dela Fuente vanished kasabay ng pagkawala ni mom. Simula noon nagalit na ko kay daddy and this unfair world. And it was all because of my dad!. So he can't blame me cause he made me into this...
*Tok tok tok tok
"Come in!" I said as I was wiping my tears out.
"Ma'am Zhavia kakain na daw po sabi ni sir" yung lalaking dugyuten pala
"Tell him I don't wanna eat with him" wala akong ganang kumain especially with my dad at alam niya yon.
"Aba'y masama hong hindi kumakain maam Savi babagsak ang resistensya mo nyan!" Pabibo pala tong bago kong yaya
"Why do you care? And please! Stop calling me Savi only my close friends and relatives call me that. You're not even my friend so pwede ba?" naiinis na sabi ko.
"Dalhan mo na lang ako ng food dito" I said habang tutok sa cellphone
"Hindi po pwede maam Savi"
What!!! How dare him!"How dare you?! Hindi kaba marunong sumunod? Kakapasok mo palang dito, do you wanna be fired?" pinupuno na ko ng unggoy nato e
"Ang sabi PO ng daddy mo huwag ka daw bigyan ng pagkain kapag tumanggi kang sumabay sa kanya PO MAAM. Kaya kung gusto niyo PONG kumain sumunod nalang PO KAYO." pang aasar nya sabay kindat. Seriously? May sakit ata to e kindat ng kindat parang tanga
"Oh and by the way maam" pahabol pa nya bago tumalikod. Nabubulol pa siya trying hard mag english goshh!!
" Ang daddy nyo lang po ang pwedeng mag paalis sa akin at sa kapatid ko dahil sila ang ang nag hire saamin kaya wala po kayong magagawa" he smirked
So kapatid nya pala yung kasama niya kanina... I see
"Unless kami ang mag voluntary na umalis maam"sabi pa nya
he added" At yon ang gagawin ko!" Hindi ko man magawang paalisin ka voluntarily. I will make a way para paalisin ka ni dad haha
"Lance Dimaano nga po pala maam"
So yun pala ang pangalan nya"Lance Dimaano get ready with me" I smirked... Pag lalaruan kita hanggang sa umalis ka nanny
"Well aym so redi maam!"
BINABASA MO ANG
Nanny You're My Boss (On Going)
Novela JuvenilZhavia Dela Fuente a spoiled brat junior high schooler na sa sobrang pilya ay walang nakakatagal na yaya. Kaya't binigyan siya ng daddy niya ng isang lalaking yaya. Si Lance Dimaano isang wais, mabait, independent,responsable at medyo may kapilyuhan...