To: nathalia
Mission accomplish again >:) (evil laugh)
Messages sent.
May 50+ messages ako from suitors,victims etc kanina ko pa pala hindi ginagalaw tong phone ko.abala kasi ako sa misyon ko. Malas lang nila dahil inaantok na ko . Di ko na sila marereplyan. Pero bago yun muli kong chineck at Isang group message ang umagaw ng pansin ko. Isang sad qoutation nag panimula nito. Kay celine galing to. Lakas talaga ng radar ko sa mga hearbroken.nagmadali na kong itxt siya dahil inaantok na ko.
To: celine
Calm down.. usap tayo bukas . 12pm at ministop. Goodnight.
Messages sent.
Tinawagan ko din si mae saglit para ipaalam sa kanya ang goodnews. AT nagpasalamat siya sakin. At walang ginawa kundi tumawa.mabuti naman at nakamove on siya..
" ano bang sasabihin mo?" Banas na banas na tingin niya sakin tila inis na inis siya sa presensya ko
NAkipagkita ako sa kanya para ayusin ang lahat.
Paano nangyayari ang gantong sitwasyon gayong last week ayos na ayos pa kami.
"Ikaw ang may dapat sabihin sakin! If you want me to stay. You should make a way!" Inis na ko sa kanya dahil ibang kael na ang nasa harap ko.
Hindi ko maintindihan bakif siya nagkakaganto. Ako pa ang kelangang gumawa ng paraan para sa knya!
Pero parang wala lang sa kanya. Parang napakawalang kwenta ng mga sinasabi ko sa kanya.
"Okay sige. Akala ko naman importante sasabihin mo" so wala pala akong kwenta sa kaniya? Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.
tumawa siya ng tumawa . Palakas iyon ng palakas. Nakakabinging halkhak mula sa lalaking pinakamamahal ko na ngayon ay dinudurog ang puso ko..
Halos matumba ako sa sobrang panghihina. Dahil sa mga inakto niya. Sa mga salitang binitawan niya.
"Hindi ikaw si kael! Hindi ikaw ang kael na nakilala ko ang lalaking minahal ko! Sabihin mo bakit ka ba nagkakaganto?!" Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Sa sobrang sikip ng dibdib ko.tuluyan na ding sumabog. Maya maya ay tumigil na ang nakakabinging halakhak at nakikita ko siyang naglalakad palayo na parang walang nangyari. "Sa-san ka pupunta?"
"Kael?! Sabihin mo muna kung anong dahilan mo!"
Gusto kong malaman ang dahilan niya kung bakit sa isang iglap nagkaganito siya. Sa isang iglap nawala na ang dating kael.
Lahat ba yun ay kasinungalingan lang..
"Wag mong gawin sakin to. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya."
Hinabol ko siya. Pero kahit anong bilis kong tumakbo hindi ko siya maabutan .
"Kael! Wag mo kong iwan. Mahal na mahal kita.. mahal na mahal" but still hindi niya nagawang lumingon manlang..
"Kaeeeeel!!" Napabalikwas ako ng bangon.hapong hapong hinahabol ang hininga.
Panaginip lang pala.
Isang masamang panaginip.. na totoong nangyari sakin.a few months ago. Pero bakit napanaginipan ko to? Anong rason?
bakit ba pinagaaksayahan ko pa ng panahong isipin yung bulang yun. Bula ang tawag ko sa kanya dahil para siyang bulang biglang naglaho. Ng hindi ko alam ang dahilan.
Maaga ako pumasok para makipagkita kay celine. Kaibigan ko siya nung highschool at nagaaral siya sa isang malaking university malapit sa school ko. May pinagsamahan kami.kaya tutulungan ko siya.
BINABASA MO ANG
Heartless Mission(on going)
Teen FictionI'm a heartbreaker of a heartbreakers ,I'm a pain of playboys ass, they are my toys my collections, I love hurting and breaking their hearts hard! Seeing them crying and miserable makes me happy makes feel good. i'm a wrecker and its because of my H...