"Ah! I'm hungry! My day is ruined already because of that old lady!" Mich shouted.
"Can you please lower your voice? Nakakahiya," saway ko sa kanya habang palinga-linga sa hallway na maraming nakatambay na estudyante.
"So what? Eh kasi naman, sya lang ang kilala kong teacher na nagtuturo pa din sa last week ng pasukan."
Napailing na lang ako habang patango-tango naman sina Loreen at Dave sa mga sinasabi ng baklang 'to. "See? Lor and Dave agreed."
"Whatever. You guys should go first. May ilalagay muna pala ako sa locker. Please order for me," pagpapaalam ko.
"Sure beb," sagot ni Lor.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad pabalik sa classroom. Kinawayan ako ng mga estudyanteng kakilala ko at nginingitian ko naman sila.
I'm Heizelle Anne Dela Vega, 17 years old at kasalukuyang nasa 12th Grade. This... is my life. A daughter of a Dela Vega, one of the wealthiest and most popular family in the Philippines. Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng mga sikat na malls dito sa bansa. Hindi na din mabilang ang mga lupain na meron kami at dahil doon, kilala ako sa school man o--- basta kahit saan. Living like a Princess... sabi nga nila.
I sighed after seeing three girls talking in front of my locker. Of all the places, sa may locker ko pa.
"Cathrine," tawag ko sa kanya.
Napatigil sya sa pagsasalita at tiningnan ako. Magsasalita na sana ako pero bigla namang nagsalita yung kausap nya kanina.
"Don't tell me magsisimula ka na naman ng away, Heizelle? Dahil ba mas mataas ang nakuha nyang grades sa Math kanina?" nakangising sabi ni Sindy. Bitch, what?
"Hmm, no. I was thinking na she's jealous because Jerome and Cath are dating. Nakarating na ba sayo ang balita?" sabi naman ni Ally habang pinaglalaruan ang buhok nya. Nginitian ko naman sya.
"Really? Congrats then, now get out of the way."
"Obviously you're not happy," dagdag pa ni Sindy.
"Habang buhay ka na atang maiinggit sa kung anong meron si Cathrine," sabi naman ni Ally.
"Will you two shut up and mind your own business?" seryosong sabi ko. "Kayo ang gumagawa ng issue, not me. So please, get the hell out of my way because you are blocking my locker."
Hindi naman sila agad nakapagsalita. Catherine moved pero tinitingnan nya pa rin ako na para bang may dumi ako sa mukha. Tsk.
Pagbukas ko ng locker ay may tatlong envelope na nahulog sa sahig. Pinulot ko iyon at tiningnan isa-isa. Nakatawag ng pansin ko ang isang letter na puro pagbabanta at pang-iinis ang nakasulat. Sakto namang umalis sa tabi ko si Cathrine para ayusin ang mga gamit nya. Isinarado ko ang locker ko at pinuntahan sya.
"Seriously, Catherine? Are you still a kid? Why giving me this kind of letter?"
Inilapag nya ang lahat ng mga libro nya sa desk at taas-kilay na tumingin sa akin.
"What makes you think that I wrote that letter? Wala akong paki-alam sayo." maarteng sabi nya. "Why don't you ask your friends? Maybe they know."
She tapped my shoulder and smirked at me before going out of the classroom. Sumunod naman sa kanya yung dalawa nyang buntot.
I rolled my eyes as they disappeared from my sight. Magkaklase kami ni Cath since kindergarten at hate na hate namin ang isa't isa. Ewan ko ba, siguro nagsasawa na kong makita sya kaya lagi na lang kaming nag-aaway. Bukod don, kaagaw ko din sya lagi sa pagiging top 1 ng school na' to. Pagdating naman sa mga family business namin, magka-away din ang pamilya namin. Siguro pinanganak talaga kaming magkaaway ng bruhang yun. She's completely my opposite, in all ways.
BINABASA MO ANG
A Summer Fantasy
FantasyBelieving in her parent's beliefs, Heizelle Dela Vega always thought that such magic and other worlds doesn't exist and is only a product of some pathetic human imaginations. Of course she once accepted these things... only when she was a child. Tha...