Heizelle"Dad," mahinang sabi ko.
Sana hindi nya alam... please, please.
"Nakakahiya ka..." mahinang sabi nya. Napayuko ako... he knows. "I gave you everything, I worked hard for you and your mother's future because I love you both. After all I've done, eto ang igaganti mo sa akin!?"
Ibinagsak nya sa table ko ang cellphone nya. Nakalagay doon ang mga usap-usapan tungkol sa akin at sa na-hack kong account.
"Dad, I'm sorry."
"You should be. Gawan mo ng paraan ang ginawa mong yan. Ano na lang ang sasabihin sa atin ng mga tao? Naturingan kang matalino, ni hindi mo man lang naisip ang mga ginawa mo. Hindi ako makapaniwala na sinisiraan mo ako-. I'm so disappointed in you. Napapagod na ako sayo." sermon nya.
Pagkaalis nya sa kwarto, nag unahan na sa pagpatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Wala akong nagawa kundi i-deactivate yung account na pinagpiyestahan ng mga taong walang magawa sa buhay. Galit na galit ako...nahusgahan ako ng wala sa oras, pero sa huli... ano pang magagawa ko? Nangyari na.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos muli ang sarili ko. Hindi dapat nila malamang umiyak ako, kundi mahuhusgahan na naman ako.
"Anak, let's eat," malambing na sabi ni Mommy habang nababa ako ng hagdan.
"I already ate, Mom," I replied.
"Ganun ba? Eto na yung baon mong pera, walang binigay sa akin ang Daddy mo kaya eto na lang munang akin ang gamitin mo."
"No need," walang ganang sabi ko. I need your hug and advice, Mom...
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse. Binati pa ako ni kuyang driver pero hindi ko sya pinansin. Tahimik lang tuloy ang byahe.
Pagbaba ko sa tapat ng school, agad akong pinagtinginan ng mga estudyanteng nakatambay pa sa school grounds. Yung iba ay tinitingnan ako at tatawa dun sa katabi nila. Yung iba naman ay nakangisi sa akin. Anong problema ng mga to?
"Heize!" sigaw ni Mich sa kabilang dulo ng hallway. Pakaway-kaway pa sya bago tumakbo papunta sa akin. "Ok ka lang ba?"
I looked at him and smirk. "Of course, bakit naman hindi?"
"Oy, anong drama mo yan ha? Syempre dahil doon sa nangyaring piyestahan kaninang umaga. Don't tell me hindi ka affected?"
"Not really. Nasermonan lang naman ako ni Dad kanina at inutusan din niya akong ideactivate ang account na yun. Hindi ko din naman binasa yung mga comments kaya no worries," pagsisinungaling ko. Tinry ko pang magyabang-yabangan para perfect ang pag-arte ko.
"Sure ka ha?" tanong pa nya.
"Oo naman, ako pa." ---No I'm not. Please help me.
"Good, wag kang magtatago sakin ha. Alam mo namang nandito lang si magandang ako para sa iyakan at resbakan."
Tumango na lang ako at nakisabay na sa paglalakad papunta sa classroom.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng classroom namin. Ang ganda nga ng mga reaksyon nila kasi lahat sila ay titingin sa akin at magbubulungan.
"Well, well, well. Andito na pala si Ms. D. Agang-aga ikaw ang pinag-uusapan sa buong school, what can you say?" bati sa akin ni Ally.
Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy na pumunta sa upuan ko. Tiningnan ko sila isa isa. Naghihintay pa rin ba sila sa sagot ko?

BINABASA MO ANG
A Summer Fantasy
FantasyBelieving in her parent's beliefs, Heizelle Dela Vega always thought that such magic and other worlds doesn't exist and is only a product of some pathetic human imaginations. Of course she once accepted these things... only when she was a child. Tha...