CHAPTER 4

5 1 0
                                    

Heizelle

"Oh bakit parang ang tahimik nyong dalawa? Nag-away ba kayo?" Terrence asked.

Kasalukuyan kaming nakain ngayon ng tanghalian at wala ni isa sa amin ang nag iingay. Dapat ba nag-uusap kapag nakain? I didn't know... usually kasi tahimik lang kami ng family ko. Hawak-hawak ang mga cellphone at kanya-kanyang buhay.


"Hindi ah! Napagod lang kami ni Heizelle kasi naglinis kami ng bahay kanina," sagot ni Irene.


Wow! Just wow! I can't remember na tinulungan nya ako kanina.


"Really? That's good," Terrence said with a smile. Damn! Ayan na naman yung dimples na yan!

"Ikaw ha, pinagnanasahan mo pala si Terrence," bulong naman sa akin ni Lance na katabi ko. Siniko-siko nya pa ako habang nakangisi.


Lahat sila may kanya-kanyang trademarks, syempre yung ngiti ni Terrence with dimples, crossarms-pose ni Irene, at ang nakaka-inis na smirk ni Lance. Paano kaya naging magkaibigan ang mga 'to?


"Gusto nyo maligo sa ilog ngayon? Balita ko malamig daw ang tubig doon ngayon," Lance suggested.


"Ngayon talaga?" tanong ni Irene. "Hindi ka ba papagalitan ng ama mo?"


"Tch. Don't worry, he doesn't care about me. So ano, game?"


"I'm in," Terrence and Irene said.


"Ikaw, Heizelle? Wag mong sabihing hindi ka sasama. Kahapon ka pa hindi naliligo. Ahahaha," pang-aasar ni mokong.


"I want to join, actually. The problem is, I have no clothes to wear," I answered. Ngayon ko lang naalala na wala akong damit na pamalit. Hayyst.

"Oh right, bumili kaya muna kayo ni Irene sa bayan?" ani Terrence.


"Me? No way? Si Lance na lang ang pasamahin mo sa kanya," tanggi ni Irene.


"But--- what if someone recognize him?"


"Wag na nga kayong magtalo, sasamahan ko na si Heizelle. Mauna na kayo ni Irene doon."


Walang sabi sabi ay hinila nya ang kamay ko at umalis ng bahay. Hindi na naman ako nakapag-reklamo.


"Bakit hindi ka pwedeng makilala ng ibang tao-- este ng mga ka-uri nyo sa bayan?" tanong ko. Kahapon pa kasi nila pinag-uusapan 'yon at mukhang ako lang ang walang alam sa lalaking 'to.


"Kasi gwapo ako," sagot nya sabay gulo ng kanyang buhok. Ang ganda ng sagot! Argh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Summer Fantasy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon