Panibagong araw, madaming assignments, haggard na mukha. Ano bang bago? WALA! Hay ewan. Makapag-facebook na nga lang muna.
Scroll down, scroll down, scroll up, scroll up....
Wait ..
Di ba?
Sya yung nakasira ng phone ko?! Nakita ko yung mukha nya na may kasama, classmate nya ata? Pake ko. Pero, 'bat ang gwapo nya dito? Himala ha. Ngayon ko lang napansin yung mukha nyang gwapo pala haha. Matignan nga yung profile hahahaha. Kaso parang ang stalker ko masyado. Okay lang yan! :D
Habang tinitignan ko yung profile nya dko napansin na nasa tabi ko na pala yung kapatid kong bunsong lalaki -__- papansin.
"Ate, boyfriend mo 'to?" Sabi ko na nga ba issue nanaman to sa kanya. Kaya lagi akong asar dito e.
"Ano ba?! Hindi no. Wala akong boyfriend at pwede ba? Mind your own business. Chupi!" Sabi ko habang nakagesture yung kamay ko na umalis sya.
"Sumbong kita ha!" Sabi nya habang nakangisi, nangaasar talaga tss. Pagtapos nyang sabihin yun lumabas na sya ng kwarto ko. Baliw talaga. Hindi ko namalayan na naka-add friend na sya. Whaaat?! -.- pano nangyari yuuuun?! Siguro yung kapatid ko nanaman. Baka isipin netong lalaking to na may gusto ako sakanya.
Patay.
As in I'm super dead!! Hindi ko na matanggal yung request ng account ko waaaah! Maya maya..
May notification..
Ethan Luke Rodriguez accepted your friend request.
:">
Wait wait, pakierase yung emoticon pakipalitan ng O.O hindi ako dapat kiligin. Please.
Hala ka Ayesh Delacruz, pagiisipan ka na nyan na may gusto ka sakanya tsk tsk. Lagot. Baka magmessage patay. Mag-lologout na lang ako para wala ng mangyari. Pero nung pipindutin ko na yung logout button....
*pop*
(Sorry hindi ko alam yung sound effect ng facebook sound haha)
"Uy." Grabe nagpapanick na ko dito. I don't know what to do!