PART 2 SUNOG!!!

93 6 4
                                    

Mare!!! (ay feeling close!!) hello po! ang ganda talaga ng mga story niyo.. UD na po.. chos!! :D

----

Kinaumagahan, pagkagising pa lang niya ay dumeretso na siya sa kanyang ref na malapit sa pinto para kumuha ng OATIES milk. Nang iniinom na niya ito, may napansin siya na kapirasong papel sa tapat ng pinto at may nakasulat na:

‘Humanda ka, susunod ka na.’

Charot. Ang nakalagay talaga ay:

‘Goodmorning. Have a nice day ahead! :*’ – secret admirer.

Secret admirer nga ba o stalker? Pero napangiti na lang din siya na parang kinikilig dahil first time siyang mabigyan ng note ng isang admirer. Nang mapatingin naman siya sa orasan ay nataranta siya ng makitang pasado alas otso na, ang ibig sabihin late na sita sa trabaho niya kaya dali-dali siyang pumasok ng banyo at nagwisik-wisik ng konting tubig at lumaklak ng mouthwash.

Hingal na hingal siya pagdating sa resto na pinapasukan niya, malapit lang ito sa El Diablo kaya nagawa niya lang itong takbuhin. Agad siyang humingi ng paumanhin sa pagka-late niya at ginawa na ang trabaho niya na umubos ng tira-tirang pagkain ng customer.lol. Maghugas pala ng basag na pinggan at durog na baso.charot lang ulit. Chef talaga siya sa resto na yun at siya lang ang nagluluto doon at dahil nga kanina pa bukas ang resto na wala pang pagkain marami ng customer ang nagrereklamo pero merong isang table doon na umuusok na dahil sa apoy na binubuga ng nakaupo doon.

“ANONG PETSA MAKAKARATING YUNG ORDER KO?! WHERE’S THE CHEF HERE?” chef talaga yung hinanap agad? Hindi pwedeng yung manager muna? Lol

Nang marinig ni Minda na mukhang may naghahanap sa kanya ay dali-dali niyang inwan ang niluluto niya para puntahan ang nag-rarally na customer. Chos.

Pagkarating niya doon sa mesa ng nagrereklamo. Agad siyang natulala dahil ang dahilan kung bakit siya ay nasa El Diablo ay nasa harap na niya, nakanganga lang siya at nakangiti na parang nakasinghot ng droga.

“WHAT? Nga nga na lang? malamang ikaw yung chef, muntanga eh.” Masungit na sabi ng kaharap niya.

“Oo ako nga yun J este hindi ako muntanga, chef ako” nakangiti pa ring sabi niya na kulang na lang tumulo yung laway niya kaya yung isang kamay niya ay nakaalalay sa gilid ng bibig niya kung sakali man.

Tiningnan lang siya nito na parang tinubuan siya ng sampung ulo, gayunpaman kinikilig pa rin si Minda dahil sa namumulang pisngi ng kanyang Greatest obsession, este greatest crush, love, infatuation simula pa ng malaman niya ang salitang ‘ASA’, pero hindi mutual yun dahil siya lang talaga ang nakakaalam nun.

“Whatever. I’m outta here, what a waste, muntanga!” sabi nito sabay padabog na umalis sa resto.

Hindi naman maiwasan ni Minda na manghinayang dahil ngayon pa lang napadaan doon ang kanyang inspiwasyon sa tinagal-tagal ng panahon na kilala niya ito ngayon sana siya magkakaroon ng pagkakataon para malagyan ng potion ang pagkain ng kanyang tinatangi. Di bale na nga lang, alam kong may susunod pang pagkakataon, isip-isip niya.

“muntanga naman oh, lumayo ka nga sakin!” naalala naman niya yung laging sinasabi sa kanya ng greatest CLF niya noong mga bata pa sila. Magkaklase kasi sila noong prep sila pero siya lang ata yung nakakatanda nun. Kinikilig pa nga siya kapag sinasabihan siyang ‘muntanga’ parang endearment na kasi nito iyon sa kanya. Diba kilig bones  lang, baliw na sabi ng hypothalamus niya.

Sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni may dumating na naman na bagong customer. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit andami pa ring customer samantalang hindi naman sila umoorder, tambayan ng bayan?!

“BuKo, what do you wanna eat?” malambing na sabi ng nagbaballerina na babae papunta sa isang table, may kasama itong lalaki na pumapadyak naman.lol

“You, BuKo” malandi rin namang sagot ng lalaki.

“Your’e so naughty BuKo! Shattap nga nakakahiya eh” namumula ng sabi ng babae na napagalaman kong si K na asawa ni Vice pogi.

“I love you, BuKo! :*” halinghing naman ni Vice pogi sabay halik kay Karylle.

Mga PDA! Langya. Nang-iinggit pa talaga. Hmph pero bet ko sila, pag nakikita ko lagi na lang naglalambingan. Mga kambing! XD

Napansin naman niyang may usok na lumalabas sa kusina kasabay nito ang amoy na parang nasusunog- SUNOG?? MAY SUNOG????? OMG. YUNG NILULUTO KO NASUSUNOG!!!!!!

….TBC….

The NOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon