PART 1 Dilim~~~

161 7 5
                                    

Gabi na ng maisipang umuwi ni Minda sa El Diablo, isa itong condominium kung saan may isang unit siya sa 6th floor, room 666. Habang siya'y naglalakad iniisip niya kung bakit doon siya nakatira samantalang maraming lugar na hindi hamak na mas maganda kaysa doon, pero ng maalala na niya kung SINO ang dahilan, napangiti na lang siya nang wagas at napansin naman niyang may naipit palang laman ng karne sa ngipin niya kaya kinuha niya ito at kinain uli dahil nasasangayan siya.

Sa ilang sandali nakarating na siya sa kanyang condo nang may pagtataka...walang kailaw-ilaw ang paligid. Malakas pa ang ihip ng hangin na nanunuot sa balat. Nakaramdam siya ng takot, hindi niya mapigil ang pag-bilis ng tibok ng puso niya lalo pa'y walang katao-tao sa condo.

"Ay kabayo!" sabi niya ng may maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Napalingon siya at hindi nga siya nag-kamali dahil kabayo nga ang nasa harapan niya. Chos.

" Hello Minda! Ginabi ka ah. Wala pa namang kuryente." Halinghing ng kabayo este sabi ni Vice pogi na nakatira sa tabing unit ng condo niya. May hawak itong flashlight na kung iduldol sa mukha niya ay wagasan.

" Oo nga eh. Sana nagpa-umaga na lang ako, nakakita pa tuloy ako ng tikbalang.chos. Anong ginagawa mo dito sa labas?"

" Ito nagbababad sa dilim. Lol. Hiniintay ko si K, yung BuKo ko :") " sabi ni Vice pogi na sa sobrang kilig yata napapadyak pa na parang sa kabayo.

" Ah sige, maiwan na kita." Sabi niya ng hablutin niya ang flashlight na hawak ni Vice pogi sabay takbo ng mabilis papunta sa condo niya, ano ba namang laban niya sa malakabayong pagtakbo ni Vice kung magbabagal siya.

Nang pagliko niya sa 6th floor papunta ng unit niya hindi niya nakitang may paliko rin pala dahil nga sa madilim at dim na ilaw ng flashlight ni Vice. Kaya ayun, banggaan toda max sila.

" Ay sorry..." pa-demure na sabi niya.

"Okay lang nasaktan ka ba?" tanong ng baritonong boses ng lalaki. Kinilabutan naman siya sa boses nito, hindi dahil sa nakakatakot kundi boses pa lang parang nasa hukay na este ulam na.Malamang guwapo to, naisip niya.

"Hindi, okay lang ako basta pa free taste ah." Wala sa sariling sabi niya. Ng itapat niya ang dim flashlight sa mukha nito nagkamali nga siya sa naisip na guwapo ito dahil dinaig pa nito si Frankenstein.

" Huh? Anyway nagkaroon lang ng short circuit kaya nawalan ng kuryente. Ako nga pala si NEOn bagong guard dito. Kapag may problema itext o tawagan mo lang ako. Diba sa room 666 ka? Sige. Bye." Sabi nito na ikinatango ko na lang sabay bigay naman nito ng kapirasong papel at lumakad na rin siya palayo. Ng patamaan ko ng dim flashlight ang papel, taray ang sowsyal, may design na hello kitty sa gilid at sa gitna nun ay nakasulat ang NEOn at sa baba ay cp number.

Yung totoo? Bakit basa yung papel? Ay tae. Tumulo laway niya. Yuck. Pero teka, bakit alam nito yung unit niya? Tuluyan na siyang kinilabutan...

.....TBC.....

oh..your wish is my command ah.. HAHAHA..

new story, huwag masyadong dibdibin.. :D

The NOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon