Prologue

13 1 0
                                    


Third Person's POV

25 years ago...

     Malumanay na inilapag ni Vina ang siyam na buwan niyang anak sa kuna upang hindi ito agad magising. Agad na dumiretso siya sa kusina para tingnan ang niluluto niyang sinigang.
     Paborito kasi ito ng kaniyang asawa kaya ipinagluto niya ito. Bukod doon, anibersaryo nilang mag-asawa kaya talagang espesyal ang araw na ito para sa kanilang mag-asawa.
     Napakalakas ng pagbagsak ng ulan kaya nag-aalala ng husto si Vina. Dagdag pa sa pag-alala nito ang ginabi nitong pag-uwi.
     Tinakpan na nito ang niluto upang sabay silang makakain ng asawa. Umupo muna ito ng sandali sa silya at nag-pahinga matapos ang paghahanda sa nasabing okasyon.
     Maya-maya pa'y nag-ring ang kaniyang telepono na isa palang tawag galing sa kaniyang asawa. Agad niya itong sinagot sapagkat ginabi na ito ng uwi.
     "Mahal, Nakalimutan mo na ba ang anibersaryo na'tin? Naghanda ako ng-"
     Agad na pinutol ng asawa ang sinasabi nito sapagkat parang nag mamadali ang kaniyang boses. At kung pagbabasehan ang tunog mula sa telepono, nasa labas ito dahil sa matinding pagbagsak ng ulan.
    "Mahal, kalimutan mo muna ang anibersaryo na'tin. Kailangan niyong makapag-impake at ibigay mo si junior kay Esang. Alam kong magiging ligtas siya do-"
     "Teka anong ibigay?! Ano ba ang nangyayari?! Di ko maintindihan! At bakit kay Esang ko ibigay si junior?!" Sunod-sunod na tanong ni Vina.
     "Basta't gawin mo nalang ang sinasabi ko! Iimpake mo na ang mga gamit ni Junior ngayon at umalis na kayo agad diyan! Magkita tayo sa pier at Doon ko ipapaliwanag ang lahat! Bilis! Tumatakbo ang oras!"
     Walang alinlangan at agad nang nag-impake si Vina sapagkat alam niyang para lamang sa ikabubuti ng lahat ang lahat ng sinabi ng kaniyang asawa. Inimpake na lahat ni Vina ang lahat ng gamit ni Junior lalong-lalo na ang mga papeles na importante ay sinabay na rin niya. Kumuha na rin siya ng mga damit nilang mag-asawa ng tig-isang pares at nilagay ito sa back pack upang makasiguro sa mga susunod na mangyayari.
     Linisan nila ang bahay at pumara ng trycycle dahil iyon ang sinabi ng kaniyang minamahal na asawa. Kinakabahan siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang lagay ng asawa. Wala talaga siyang alam kung bakit naging mabilis ang mga pangyayari. Pero kahit ganoon, malakas ang kutob niya na kapakana ito lahat ni Julio.
     Nang makarating sa sila sa bahay ni Esang, kumatok agad si Vina sa bahay. Naging agresibo ang katok ni Vina dulot ng kaba kaya mabilis na pinagbuksan sila ng isang babae na mukhang nasa 40 years old na.
     "Bakit naman ginabi ang pag bisita mo rito Vina? Alas-dyes na nang gabi ah" Tanong ng babae kay Vina.
     "Ate Esang maari po bang humingi ako ng pabor? Maari ko ho bang ibigay si Junior sa inyo at palakihin niyo siya ng maayos? Eto po ang mga papeles niya. Kayo na ho ang mag-tago. Palakihin niyo po si Junior ko ho ah-"
     "Teka teka teka. Anong pinagsasabi mo? Iiiwan mo sa amin ang anak mo? A-ano bang meron?" Nagtatakang tanong ni Esang na halatang naguguluhan sa mga nangyayari.
     "Basta po isa lang po ang nasisiguro ko. Maaari pong hindi ko na makikita kailanman si Junior at pakiusap. Paki palitan ho agad ng apelyido niya bukas pag hindi po ako nakabalik ng umaga." Sabi ni Vina habang papalayo siya at pumara ng jeep.
      "Sandali! Sandali...." Wala nang nagawa si Esang at kinupkop ang bata na mahimbing parin ang tulog kahit may wisik ng ulan ang kaniyang mukha. Napangiti ang matanda sa kaniyang nasaksihan. Agad na pinunasan nito ang kaniyang mukha ng marahan at dinala ito sa kanilang kwarto.
     Habang naghihintay na makarating si Vina sa kaniyang destinasyon, iniisip parin ni Vina ang mga sinabi ni Tenyong, ang kaniyang asawa. Hindi man sabihin ng kaniyang ang asawa ang lahat, tumatakbo na sa kaniyang utak ang mga nangyayari. Lahat ng ito ay maaring kagagawan ni Julio. Kung ano man iyon, ang gusto ni Tenyong ay harapin si Julio ng sila lang. Hindi na madadamay pa si Junior.
      Nakarating si Vina sa pier ng maayos at ligtas. Nag-aalala na talaga siya sa nangyayari kaya nakakaramdam na siya ng kaba. Agad na kinuha ni  Vina ang telepono para malaman kung saan sila magkikita ng kaniyang asawa.
     Ilang Segundo matapos nag-ring ang telepono at sinagot agad ito ni Tenyong.
     "O Tenyong, asan ka?"
     "Andito ako sa daungan ng pasahero. Bantayan mo ang paligid mo baka may umaaligid-aligid sa'yo."
     "Ayos lang ako. Papunta na ako diyan."
     "Bilisan mo lang para makaalis na tayo agad."
     Binaba na ni Vina ang telepono at pumunta sa nasabing lugar kung saan sila dapat mag-kita ni Tenyong. Nang malampasan niya ang security, hinanap niya agad ang mukha ni Tenyong.
     Matapos malampasan ni Vina ang mga nakapatong-patong na mga lubid, nakita niya agad si Tenyong na nagmamasid sa kaniyang paligid. Napangiti siya sa tuwa nang makitang maayos ang lagay ng kaniyang asawa. Ngunit di pa rin napapalitan ang kabang kanina pa niyang nararamdaman.
     Nang makalapit si Vina sa kinaroroonan ng asawa, nakita ito agad ni Tenyong at dali daling kinuha ang kamay ng kaniyang asawa. Masaya si Tenyong sa kaniyang nakita. Napangiti siya kahit papaano nang makita niya ang lagay ng kaniyang asawa. Para sa kaniya kasi, isang napakahalagang kayamanan ang kagandahan ng kaniyang asawa. Hindi lang sa labas Kundi pati sa kalooban. Kaya lamang pati si Julio  nahulog rin sa kaniya.
     "Nagawa mo ba lahat ng bilin ko mahal?" Tanong ni Tenyong kay Vina.
     "Oo mahal nagawa ko na lahat ng bilin mo." Sagot naman ni Vina sa tanong ng kaniyang minamahal na asawa. "Ano ba ang nangyayari?"
      "Mamaya na pag nakapasok na tayo s loob. Halika na, bilis!" Tumakbo na sila sa loob ng barko dahil sa pagmamadali ni Tenyong.
     Nang nakapasok sila sa loob ng barko, Sumabay sila sa agos ng mga taong nagsisiksikan at nagtutulakan upang makaiwas sila kung may sumusunod man sa kanila. Ngunit si Vina, nakatingin pa rin sa labas at isa lang ang kaniyang nasa isip. Hindi na niya mahahagkan ang kaniyang anak.
     "Tenyong, tungkol ba ito kay Julio kaya tayo nag-tatago?" Tanong ni Vina kay Tenyong mula sa kuryosidad.  Natanong din ito ni Vina ay para malaman kung tama ba ang kutob niya o mali. "Oo. Balak niyang patayin tayong lahat. Pati na rin si Junior."
     "A-ano ba ang nangyari?! B-bakit niya tayong balak patayin?!" Ngayon, nauutal na si Vina dahil sa mga posibleng mangyari.
     "Gusto niyang bumalik muli tayo sa dati nating gawain......" Napatigil si Tenyong ng sandali. "Ang magnakaw." Dugtong niya.
     "Bakit raw? Bakit kailangan natin muli magnakaw? May pangako na tayong binitiwan sa isa't-isa hindi ba? Ano ang rason?"
     "Tama ka Vina. Pero para sa kaniya, hindi sapat ang mga pangako natin. Nakikita kasi niya na mas umaasenso ang estado natin sa buhay kaysa sa kaniya. Napromote kasi ako nilang manager samantalang siya, nasa pagsisibak lang ng kahoy ang hanapbuhay. Hindi niya iyon matanggap Vina. Lalo na yung panahon na ipinagtapat ko ang pag-ibig ko sa iyo. Magtatapat din daw sana siya noon, pero naunahan ko daw siya kaya napagpasiyhan niyang hindi niya nalang ituloy." Paliwanag ni Tenyong.
     "Galit na galit siya kanina nung tinanggihan ko ang alok niya. Ngunit akala ko hahayaan niya lang akong makaalis nung tinanggihan ko siya. Pero nagkamali ako. Alam niya daw na tatanggihan ko siya kaya ginawa siya ng plano na magpapapilit sa'tin na hindi natin siya matatanggihan. Plano niyang patayin si Junior sa bahay at dadakipin ka habang hinihintay niyo ako." Dagdag ni Tenyong.
     "May kinausap na siyang magdadakip sa inyo kaya kinabahan ako sa lagay niyo sa bahay. Sa pag-alalala ko ay tumakas ako mula sa kaniya at nag hanap ako ng lugar na liblib at tago  masabihan ko kayo kung ano ang gagawin ninyo. Nang malaman ko na ayos lang ang lagay niyo, parang akong nabunutan ng tinik nang sinagot mo ang tawag ko. Kaya matapos kong sabihin ang mga bilin ko ay dali-dali akong nagpareserba ng ticket Para sa ating dalawa. Mabuti't nakaabot ka." Dagdag muli ni Tenyong sa kaniyang paliwanag.
     "P-paano si Junior?" Tanong ni Vina.
     "Babalikan nalang natin siya kapag maayos na ang lahat." Paninigurado ni Tenyong para mabawasan ang pag-aalala ng asawa.
     "P-paano kung hindi na?" Nauutal na tanong ni Vina kay Tenyong.
     "Hayaan mo mababalik-" biglang naputol ang kaniyang sinasabi dahil biglang nag ring ang telepono nito.

     unknown number........
     Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sagutin ni Tenyong ang tawag.
     "Sino 'to?" Tanong ni Tenyong na pilit na nilalabanan ang takot.
     "Tenyong, matagal na nating ginagawa ang ganitong mga bagay, hindi mo pa rin matukoy hanggang ngayon kung sino ang may posibilidad na tumawag sa'yo? Nakakaawa ka Tenyong. Napasaiyo lang si Vina nawala agad ang-"
     "Tama na Julio! Sigurado na ako sa desisyon ko! Kahit kailan hindi mo na mababago ang isip ko!" Sumigaw na sa galit si Tenyong dahil kanina pa niya  pinipigilan ang galit nito.
     "Hahaha. Kung ganon mapipilitan akong gawin ito." Pagbabanta ni Julio sa mag-asawa.
     Naiwang nagtataka ang mag-asawa matapos makatanggap ng pagbabanta ni Julio. Ilang sandali pa......

     BOOOM!
     "Sumabog ang sinasakyang barko mula Batangas papuntang Samar. Di pa naghahanap ang iba pang mga bangkay ngunit ito ang mga pangalan ng mga bangkay na kasama sa insdente. Josefa Magallon, Jamie Kalabua, Jhon Vidanes......" sabi ng reporter sa TV.
     "Vinaflorida Fajardo at Tentrucio Fajardo..." patuloy pa ng reporter.
     Nahulog ni Esang ang iniinom nitong kape matapos marinig ang lagay ng kaibigan. Hindi makapaniwala si Esang sa nangyari.
     Sa sobrang pagkabigla ay napaiyak na siya nang maalala nito ang mga binilin sa kaniya ng kaibigan.
     Agad niyang kinuha lahat ng mga dokumento na iniwan sa kaniya ni Vina. Nagbihis na rin siya ng pang-alis at sinama na rin niya ang bata sa kaniyang pag-alis.
     "Paalam Vina..." Bulong ni Esang bago niya nilisan ang bahay.

Maleficent MissionsWhere stories live. Discover now