Chapter 1: Thrills please?

4 0 0
                                    

Ashton's POV

     "ASHTOOOOOON!!! MAY NAGHAHANAP SAYO DITO SA BABA! BILIS NANG BATA KA!!" Sigaw ni Nanay habang nag sasapatos ako.       "Oho inay sandali lang at di ko makabit sandals ko!" Eto naman si nay umagang-umaga naniistorbo. Nageenjoy pa nga ako sa bagong bili kong heels eh. Haaays.
      Lumabas nako ng kwarto at kinuha ang bag kong Chanel na binili ko pa sa kaibigan ko. Yamanars ang mudra niyo di'ba? Syempre di magpapatalo ang mudra niyo.
     "Sinetch ba kasi yan mudrakels?" Irita kong tanong kay inay. I'm on my half way of the stairs nang bigla kong nasilip ang makintab na black shoes, with matching black na pants, and a fancy black belt. Wait.... Black shoes, and fancy black belt? S-siya?! Wt---
Tumigil ako sa pagbaba ko sa hagdan dahil alam ko na agad kung sino ang nag-aantay saken. I bended my whole body para masilip ko kung sino ang nasa baba at hindi nga ako nagkamali! Si Chief Bariones! Kahit pabaliktad ang nakikita ko, tinry ko pa din na titigan siya sa mata.
     At yun na nga, andun nanaman ang nakakurba niyang kilay na palagi kong nakikita sa kaniya. Problema neto?! Kagwapo-gwapong tao ganyan umasta! Major turn-off ka talaga saken.
     Oo. Nagkafeelings ako sa kaniya dati. Kasi nga gwapo ganern. Pero sa araw araw na ginawa ng diyos saken? Puro sermon niya naririnig ko sa opisina! As in ako lang! Aba'y may favoritism sa pagbubuntungan ng galit mga teh! Woooh!
     "Ano tinitingin-tingin mo jan?" tanong niya sa malamig na boses.
     "Ah hehehe Wala toh." Pabebe kong sagot.
     "Ano mawalan ng trabaho o aayusin ang sarili mo?"
     "Sabi ko nga aayusin ang sarili ko."           Mabilis kong itinuwid ang sarili ko gaya ng sinabi niya at bumaba na ng hagdan papunta na din sa direksyon niya.
     "Ikaw sir ha....napapadalas na ang pag da---"
     "May bago kang kaso. Or should I say your first mission." He said in a monotonous voice na naging dahilan para DI KO matapos sasabihin ko.
     "Awieee?! Seryoso ya---"
     "Sakay sa kotse and we'll head to the office for you to know the details."
     "Ayieeee ihahati---"
     "Bilis." Ani ni Chief Bariones in a cold voice with matching dark glares.
     "Sige po sir." Nag bow ako bago umalis at dumiretso na sa kotse.       Kainis Sumunod siya saken at pumasok na din sa loob. He started the car and we headed to the police station.
     By the way, I didn't introduced myself yet do I? Well well well mga chikitings, i'm Ashton Desiderio, Feliciosa Rampadera sa gabi! And 25 years of age, from Don Galo, Parañaqueeeeeeee!!! If your askin' about my gender, I'm gay. Literally.
And my job? Believe it or not, I'm a detective. Sounds ironic isn't it? Hindi ko to pinangarap actually. But I'm doing this not for me but for my parents. Ayaw ni Nanay sabihin saken ang totoo. Yes. I know the truth since I was seven. At pagtinatanong ko siya sa katotohanan, palagi nalang sinasabi niya saken na wag ko na intindihin yon. Kung pipilitin mo, magagalit. She decided this job for me. She said that I should be the one to seek for the truth. Kaya eto, I tooked the risk for the unknowned truth.
      Habang nasa byahe, linabas ko ang phone ko out from my bag at naglaro ako ng Candy Crush. Palagi tong nilalaro ni Nanay kaya gumaya nalang ako. Wala eh level 976 na eh so anong magagawa ko. So eaaasy. Charot! Level 70 palang ako noh! Nag start lang ako nung isang araw.
Habang naglalaro, iniisip ko yung gestures ni chief. Alam niyo, may girlfriend talaga yan. Dinadaan ko lang sa mga charot charot yan si chief para naman balansihin ang vibes pero sadya lang talaga masungit yang kupal na yan.
     Di pa nga ako nakakastart mag-solve ng case mainit na agad ang ulo. Naiistress ang mudrakels niyo! Super ladop!
     I tried to do some make-over para maging fresh ako sa magiging first case ko.


     We arrived at the police station exactly 9:56 a.m.
     Tumambad saken ang logo ng PNP as we come inside. "Your documents are already placed at your table." ani ni Chief.
     "Yes sir!" sabi ko nalang. Dumiretso ako sa lamesa at kumuha agad ang file na nakalagay sa lamesa ko na super cute. Dito sa opisina, ako lang ang may mga design ang table. May pa-flower themed table, organized pens and pencils, may dalawang flower vase na color pink ang patterns. The girlish type kung baga. Binukasan ko ang folder at binasa ko na den ang content.
     May murder case na naganap sa mall inside a boutique. Hay salamat! At maganda gandang kaso naman ang nakuha. Now this case will make me feel immersed!
     I rose from my comfy swivel chair and decided to commute. Walang kotse eh. Thanks kay Chief nakatipid hehehe. Ano kaya nakain nun? Bahala na nga siya.
     Nag-antay ako sa harap ng police station at nag-abang ng jeep. Luckily, may dadaan na so pinara ko nalang nang biglang.....
      Tentenenten... Tentenenten...
      Dali dali kong kinuha ang phone ko sa bag at bumungad sakin ang pangalan ni baklush.
     Waley calling...
     Kainis naman! Tumawag pa ang kupal eh! Tapos di ba makita ni manong drayber ang wave ng kamay ko like wt--- wag na. Bad yun sabi ni mama eh. Charot.
     Sinagot ko na ang tawag ni bakla para matapos na. I swiped the screen and put it on my ears and they begun screaming. "BAKLAAAAAA LABAS TAYOOOO!!!" sabi sa kabilang linya.
     "Wala ako sa mood." ani ko.
     "Eto ang kj talaga neto! Bihira na nga lang tayo mag ronda eh!"
     "Anong bihira?! Halos every week na nga eh! Pagdating ko jan hahampasin ko kayo isa-isa!"
     "So pupunta ka? Byeeeee!!!"
     Call ended.
     Ay kalakas ng trip. Ugh! Katanga ko naman at nasabi ko yun. Kahit kailan talaga.
     Dumaaan si kuyang naka pedicab at pinara ko nalang. Kesa Wala akong masakyan.
     "Uy! San ka?" tanong ni kuya.
     "Abay maka 'uy' ka kala mo naman close tayo." banat ko.
     "Syempre anong gusto mo? Junior?"
     Abay-- pigilan niyo ko! Ako nagtitimpi na! Pero pag ako nagalit nako---
     "Kuya. Pakihatid naman ako sa may paradahan ng jeep." Malambing kong tinig. Para naman makahinahon ako.
     "Abay ka layo naman. Di ko kaya yon nakakapagod naman mag pidal eh." reklamo ni kuya.
     Abay---
     "Ako nalang kuya magdadrive. Pasok na sa loob. Nakakahiya naman sayo eh." Pumasok si kuya sa loob ng pedicab at ako na yung pumalit sa pwesto niya para mag pidal. Nakakahiya naman sa kaniya.

~End of Chapter 1.


A/N: Woooh! Finally finished working for my Chapter 1. Hehehe. Ok na ata ang 1000 words. Paki comment po ng mga typographical errors. Tinatamad na akong basahin uli kasi eh hahaha. Kasi actually, last year ko pa ito sinimulan. But, nawalan ako ng gana magbasa ng wattpad kasi nga start na ako ng senior high school days ko kaya ayon. Tinamad. And nature ko pa naman ang pagiging tamad (TBH -,-). Medyo thrilling to saken kasi first time ko gumawa ng story and Mystery/Thriller pa ang ginawa ko. So..... Ayon lang? Hahaha! Pero pansin lang, puro "Charot" ang story na'to tulad niyo hahaha. Leave comments kung nag enjoy kayo ok? Bye!

Maleficent MissionsWhere stories live. Discover now