Araw ng biyernes at medyo sumikat na rin ang araw. Nag umpisa na naman ang panibagong araw. Marahan kong dinilat ang aking mga mata at kinapa ang teleponong nakapatong sa gilid ng aking kama.
9:40 am. Tanghali na, mabuti na lamang at mamaya pang hapon ang aking pasok sa trabaho. Tiningnan ko ang notification sa aking telepono at nagulat na lamang sa balitang aking nabasa.
Nabasa ko ang maiksing mensahe ng aking tiyahin.
"Gaia, nakakulong na ang papa mo."
Sa una hindi ko alam ang isasagot dito. Naguguluhan kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Tuwa? Galit? Lungkot? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Binalikan ko ang lahat. Masakit ngunit kailangan. Binalikan ko ang mga ala-alang iniwan sa akin ng taong naging mahalaga sa aking buhay.
Sa mga nagdaang mga taon pinilit kong maging normal. Pilit ko kumilos para sa sarili kong pangarap. Pinilit kong maging matatag at kalimutan ang lahat. Ngunit kahit sobrang tagal na ay di pa din mawala ang sakit na aking nararamdaman.
Nakalipas na ang mga oras at nakauwi na rin ako mula sa aking trabaho ngunit hindi pa din matigil ang aking pagkabagabag. Iniisip ko pa din ang mga nangyayari at kung sasabihin ko ba ito sa aking ina.
Alam kong matagal na at lumipas na ang problemang ito pero hindi ko pa din mapigilan na sisihin ang aking sarili sa mga nangyari at nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay sinisingil ako ng nakaraan kaya hanggang ngayon ay di pa din ako makawala.
"Ano ang desisyon mo?" sabi ni mama na nakatingin lang sa screen habang ako kumakain.
Nasa Canada si mama may kailangan kasi siyang gawin doon para sa tito ko at para humanap na din ng trabaho. Habang ako naman ay nandito sa UAE para mag trabaho. Sa totoo lang bago siya lumipad papuntang Canada ay magkasama kami sa iisang kumpanya. Naging magkatrabaho kami ng mama ko noon.
Natigil ako sa tanong niya at hindi nakatingin ng deretso sa kanya. Mabilis naman hinawi ng tiyuhin ko ang telepono at hinarap sa kaniya.
"Eh ano ba ang nangyari?"
"Ayun nga may hiring sa November 23..."
Nagkwentuhan sila patungkol sa kaso ng tatay ko at nakikinig lang ako habang kumakain.
Maraming pumapasok sa isipan ko. Kagaya ng paano ang kapatid ko? Kung alam na ba niya ito? At hindi ako nagdedesisyon na sarili ko lang ang iniisip ko. Lagi kong tinatanong ang mga ideya niya at ni mama.
"Kung di ka uuwi para ka lang nag sayang ng panahon at pera." sabi ni tito.
Napangisi ako ng bahagya sa sinabi niya. I didn't choose this. Sa katunayan akala ko wala ang kasong nakasampa sa kaniya kaya hindi ko napaghandaan ang panahon na ito.
"Nako wag na! Madadrag na naman ang pangalan niyan imbis na ayos na lahat." sabi naman ng tita kong isa
Ni-hindi ko namalayan ang pag dating niya dahil na pepre-occupied na naman ang aking isipan.
"Eh masasayang lang pinag-pagudan niyo." tito defend his beliefs.
"Ikaw Ling anong desisyon mo?" sabi naman ng asawa ng tito ko na abala sa pag titiklop at nakikinig lang din sa usapan.
"Eh, tinatanong ko nga si mama kung ano ang plano niya eh." Pinilit kong tumawa at ngumiti saka nag kibit-balikat na lang.
Natapos ko din ang aking pagkain at tumayo na para hugasan ito. Nag usap pa sila ng mga oras na iyon pero nagpaalam na din agad si mama dahil may gagawin pa daw siya. Kinuha ko na din ang telepono ko at pumasok sa kwarto ko.
Sa totoo lang kanina pa gustong bumuhos ang luha ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Bakit nangyayari itong lahat? Ginagawa ko naman lahat para makaalis na sa problema na iyon.
Ilang araw pa ang nag daan at hindi ko alam kung ayaw ba ito pag usapan ni mama o sadyang iniiwasan niya lang. Ilang beses ako ng attempt na iopen up sa kanya ulit iyon pero hindi ko kaya.
Nakapag usap na din kami ng kapatid ko at ang sagot niya ang sadyang nag pa sakit sa puso ko. Ayaw niyang umuwi ako para lang ituloy ang kaso. Iniisip niya hindi ang tatay namin kundi ang mga naging anak niya pa sa bago niyang pamilya. Sabi niya sa akin na bata pa daw ang mga ito at kawawa naman daw kung maiiwan ang mga ito habang nakakulong ang tatay namin.
Matapos ang paguusap namin ng kapatid ko ay naglakas loob ako na kausapin si mama.
"Ano ngang plano mo? Uuwi ba ako ngayong November o hindi?"
"Oh bat ako tinatanong mo? Desisyon mo yan." sabi niya na medyo patawa-tawa pa.
Nakahit alam ko sa likod ng mga tawa at ngiti niya ay nasasaktan na siya... Sobra. After all, her first love is my father.
"Ikaw kung papipiliin ka ano uuwi ka o hindi?" tanong sakin ng kaibigan kong si ate Tin.
Nasa hotel kami ngayon para sa fellowship namin magkakaibigan.
"On the spot talaga beb?" sabi naman ni ate Shaly sabay inom ng alak na nakatoka na sa kanya. "Grabe lakas talaga humagod ng tequila!"
"Hindi naman sa iniinterogate ka namin bunso pero mahirap kasi umisip ng concrete decision for that." sabi naman ni ate Laila habang nilalagyan muli ang shot glass at itinapat sa akin.
Matiim kong pinagmamasdan ang shot glass habang pinag lalaruan ito. Iniisip kung ano ang isasagot ko sa kanila.
"We know bunso it's a hard decision and as your ate's we just want to sure that you are okay din sa final decision mo." said ate Gelyn.
I shot my glas and take a lemon with salt and sip it before answering them.
"Sa ngayon hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa inyo. I'm still overwhelmed sa mga nangyayari ngayon. Kakatapos ko lang din sa therapy then this... "
Feeling ko mag bebreakdown na ko any minute but I don't know if they noticed it in my voice.
"Okay lang yan! Hindi naman kailangan agad agad." Rosita said and lean her body next to me.
"Basta nandito lang kami mga ate mo if you need help." ate Caitlin said after drinking hers.
Hindi ako umuwi para umatyend ng hiring. Wala rin naman akong pang-uwi dahil kakatapos nga lang ng therapy ko. Malaking pera din ang naubos dahil doon. After that fellowship I got busy dahil mag papasko na. Kailangan ko na mamili ng ireregalo ko sa mga pinsan ko.
I set aside all our problems. Hindi ko muna pinansin kahit alam kong hanggang ngayon ay nasa loob pa din ng kulungan ang tatay ko. Masakit din naman sa akin dahil tatay ko siya. Naging mabuting tatay pa rin naman siya sa amin lalo na sa kapatid ko pero hindi ko pa din siguro kayang harapin talaga siya.
"Ang sinasabi ko lang ay nahihirapan na si papa matanda na siya para isipin pa si kuya."
Pagkabasa ko sa chat ng tita Lau ko. Bunso siyang kapatid ni papa na nagiisang koneksyon ko sa kanila.
I was so hurt when I read all her messages. Alam ko naman na nasasaktan at nahihirapan din sila pero hindi ko ginusto ang mga nangyayari ngayon. Ang gusto ko lang naman ay kumpletong pamilya.
I never imagine that this day will come. I always thought my decisions before are right and the reasons are valid pero habang tumatagal I'm doubting my self as a woman, as a daughter and as a person.
All those pain for keeping it for a very long time and now it just cause me a trouble. All that gamble for just a happy and complete family to end up nothing. I learned to endure everything for my them, for my family, even for my self just to see that they're happy. But in the end I still lose. I lost almost everything just for the damn family picture.
---------

BINABASA MO ANG
Little Did They Know
Non-FictionLife is a matter of choices. A choices that we need to take responsibility. A choices that can change every single thing in your life. We don't know what will happens tomorrow or the other day. What we only know is God gave us another life to prove...