Episode 1

10 1 0
                                    

-------

Nag mamadali akong nag iimpake ng mga gamit namin ng nakababata kong kapatid habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Sa katunayan hindi ko alam ang mga susunod na mga mangyayari. Basta pinag impake lang kami ng mama namin.

Kinuha ko ang high school diploma ko at dahan dahan na inabot sa kanya habang patuloy na rumaragasa ang aking mga luha. My brother gave him his picture also. Nakaupo lamang siya sa aming hapag-kainan at nakayuko. We hug him one last time before leaving the house.

I saw his brother waiting for us outside the house. Kinuha niya ang isang duffle bag na daladala namin ng kapatid ko at inakay kami patungo sa kung saan nag hihintay ang pinaka-matanda kong pinsan.

"Pasensya na kayo sa nangyayari hah. Eh maging ako nagulat sa nabalitaan namin." sabi ng kapatid ni papa sa aming pinsan.

"Sige, iuuwi ko muna sila. Balitaan na lang tayo kung ano man ang mangyari." iginiya kami ni kuya kung saan nakapark ang sasakyang naghihintay sa amin.

Lilipat kami ng kapatid ko sa bahay ng tita ko. Doon muna kami maninirahan habang inaayos ang problemang kinakaharap namin ngayon.

"Jusko po Gaia! Hindi ko alam kung anong gagawin ko!" lupasay ni mama habang nasa kabaling linya.

Nasa UAE si mama nag tatrabaho kaya kahit dis-oras na ng gabi ay naka-video call pa din kami. Nakita kong hinahagod ng tita ko ang likod niya habang pinapakalma siya. Kita ko din ang tito ko na naka-upo sa likudan nito habang nakikinig sa usapan namin.

"Alam mo ba ang pinasok mo? Hah? Bakit? Anong rason?!" sunod sunod niyang tanong.

Pinipilit kong pigilan ang aking mga luha lalo na at nakita ko sa gilid ko ang kapatid ko na nakatulala lang. Pinipilit kong maging malakas dahil iyon lang ang alam kong kaya kong gawin sa mga oras na ito.

Hindi ko masagot si mama. Hindi ko din kayang sagutin siya sa mga oras na ito. I know she felt so devastated, betrayed. I know it hurt a lot more for her. I never want her to feel that way.

"Tama na muna yan. Kumain na ba kayo?" sabi ng isa kong tita habang hinahagod pa din ang lukudan ni mama.

Umiling ako at sinabi niyang kumain na muna kami at magpahinga na muna. Sinunod namin siya pero pagkatapos namin kumain ay dumeretso kami ng presinto kahit madaling araw na. Kailangan daw ireport habang sariwa pa sa kanilang lahat ang issue.

Pumasok ako sa investigation room kung saan naroon nakaupo sa harapan ng kumpyuter ang police woman na in-charge sa pag-file ng kaso ko. Kabado akong nakaupo habang sinasagot mga tanong at isinasalaysaly ang mga nangyari. 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Kaba? Lungkot? Takot? Hindi ko alam. Siguro ay iniisip ng police woman na hindi ako seryoso o sineseryoso ang mga nangyayari dahil narinig ko siyang kinausap ang Tiya Jovie ko patungkol sa mga kinikilos at galaw ko. Paano ba naman kasi lahat siguro ng pakiramdam ay dumadaloy sa aking katawan mag mula sa paa hanggang sa ulo ko.

"Joshias Yophiel"

Saka lamang ako nagkaroon ng focus ng tawagin niya ang nakababata kong kapatid para siya muna ang magsalaysay sa mga nakita o narinig niya. Hindi ko akalain na madadamay ang kapatid ko sa nangyayari sa mura niyang edad. Dahil noong una pa man ay iyon na ang naging dahilan ko para itago ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang mga sinalaysay niya sa pulis na kausap namin. Nagtungo pa kami sa ibang departamento ng kapulisan para makakuha ng ibedensyang ihaharap sa hukuman. Matapos noon ay dumeretso na kami umuwi sa bagong titirahan namin, ang bahay ni tiya Jovie.

Sa mga unang buwan ay ayos naman ang aming pagtira dito. Sa kuwarto ng bunso niyang anak kami tabitabing natutulog. Ngunit kalaunan para bang ginawa na kaming kasambahay nila. Naglilinis, nagluluto, at naghuhugas na kung tutuusin ay wala naman sanang problema ngunit ang hindi namin inaasahan ay nilipat kami ng kwarto. Ang kitchen nila na hindi na ginagamit ay nilagyan ng aming kama na ang katabi noon ay ang lababo. Nilagay din ang aparador para sa aming mga damit at saka nilagyan ng kurtina para pantabing namin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little Did They KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon