*FTLLP* 1

441 8 0
                                    

[A/N: First Time po ito! Kaya ang storyang ito ay puno ng wrong grammars at mga wrong spelling words. Kaya sorryyy!!!! Medyo may pagka-girly ang story dahil sa napakagaling kong kaklase ..!Enjoy Reading!]

++++++++++++++++++++

Scarlet's PoV

"Manang Wen! Alis na po ako"

"Sige ineng,mag-iingat ka! Madaming loko-loko diyan sa kanto!"

"Ako pa! Eh ang lakas-lakas ko nga eh!" sabi ko at nagkunwaring may muscle sa braso ko. Umuwi na ako pagkatapos.

Im Chandra Scarlet Middleton, (Chandra pronounce as Sandra) a freshmen colloge student. 17 years old. Nabuhay ako ng walang magulang. Namatay sila noong 5 years old palang ako.,di ko alam kung paano ako nakasurvive at wala na akong pakialam dahil Past is Past. Working student ako,sa isang karinderya na pagmamay-ari ng Manang Wen biyuda na siya at walang anak. Nakatira ako sa isang maliit na apartment. Good for 1 person. Si Manang Wen din ang may-ari kaya may discounts ako. Hindi niya na nga ako pinagbabayad pero nagmatigas ako. 500.00 lang ang binabayad ko per month kaya ok na rin.

Sa mga eskinita ako nadaan,medyo malapit lang ang apartment ko sa karinderya so naglalakad nalang ako edi nakaka excersise pa ako.Maraming lasenggo dito pero di naman nila ako ginagalaw. Mga ka-vibes ko yan eh.

Nagmadali na ako sa paglalakad dahil palalim na ng palalim ang gabi. Pero biglang umulan.

"Aiist,ang sabi magiging maaraw ngayon? Bakit umulan?" sabi ko sa sarili ko.Wala tuloy akong payong.Tsk. Nagpatila ako sa isang abandonadong bahay..ngayon ko lang to nakita dito ahh? para ngang haunted house pero no choice! alangang magpakaGirl on Fire este Rain pala! wala namang sunog eh X) Medyo madilim at isang poste lang ng ilaw ang nakabukas. Kapag humina ang ulan saka ako uuwi.

10 minutes na at nandito pa rin ako sa labas ng abandonadong bahay. May naaninag akong bagay/tao or hayop sa poste kaya tinignan kong mabuti. Pero bigla tong nawala.. Creepy >_<

Hindi ako dadaan don! Pero dun lang ang natatanging daan upang makauwi ako ng ligtas sa aking tinitirhan! Nakks! Lalim! Lunod ako! hahaha.

Tumila na ang ulan kaya dahan dahan na akong naglakad at palapit ng palapit na rin ako sa poste. May naaaninag na naman akong bagay.. Maliit lang siya. Dahil sa curious ako lumapit ako. Nakita ko ang isang cute na cute na kuting! Kaso kakaiba ang dahil ang color ng balahibo nia ay white and red na may apoy na marka sa bandang leeg niya. Halata ito kahit maliit dahil iba ang pagiging red na kulay at mukhang tulog na to... Teka! Baka jinojoki joki lang ako ng kuting na to!Wala namang pulang pusa diba? Baka pintura lang! Tinignan kong maigi kaya naman nalaman kong natural to. Iiwan ko na sana kaso umeksena si konsensya

'Kunin mo na!Maawa ka naman!'

Aiish! Sige na nga! Basang basa na din ito at nanginginig sa ginaw. Nilagay ko to' sa bag ko at nilagyan ng konting awang para may hangin.

Nakarating na ako sa bahay. Kinuha ko agad ang kuting sa bag ko. Nanginginig pa rin ito at nakapikit. Kumuha ako ng towel para tuyuin ang balahibi ni... Hmm.. ano nga bang magandang pangalan?? Lalaki ang kuting na to' at pula ang balahibo so.. Ang name niya nalang ay Snicker hihihi. wala lang! Trip ko ^o^ Nilagay ko siya sa isang basket na matagal ng nandito sa apartmet.tapos nilagyan ko ng sapin.

Nagbihis na rin ako at natulog.

++++++++++++++++++++++

Friday ngayon..Maaga akong nagising. 5:30 palang. Chineck ko si Snicker! Hehe.. Gising na siya at.. nakatingin sakin? Well.. hayaan na nga! Ang ganda pala ng mata niya! Red din ^o^

Finding The Long Lost Princess [SLOW UPDATE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon