*FTLLP* 6

39 4 0
                                    

Scarlet's PoV

Walang pasok ngayon ! Yay! Naboboring yung mga 'Prinsipe' dito sa bahay. :3


"Ate Scarlet wala bang pasyalan dito sa mundo niyo?"


"Meron naman. Bakit?"



"Gala naman tayo!"

"Huh? Pero paano sila?" turo ko kay Jay-R at Blaze. Hindi pa din kasi sila nabalik sa dati nilang anyo eh.Baka bukas or sa susunod pang bukas. May Schedule talaga no? Hahaha




"Wala bang katulad namin sa mundo niyo?" tanong ni Jay-R.




"Meron naman kaso yung kulay nio eh. Hehe" tama naman ako eh diba?? Haha.



"Anong meron sa kulay namin?" si Blaze naman ang nagtanong. Minsan lang talaga siya makisali sa usapan. :3


"Walang pulang pusa at green na aso sa mundong to." -Rain.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.





"I just know." *smirks*"

"Ganun ba ate Scarlet? Sayang naman.." at ngumuso siya ng pagkahaba-haba. Ang Cute!



"Wait! Kaya ko namang paltan ang kulay ko!" at biglang naging brown yung balahibo ni Jay-R. Wow! Parang totoong aso talaga! Lumingon ako kay Blaze. Nag-iba din yung kulay niya. Naging puti nalang.






"Wala na tayong problema! Yay!" tatalon-talon pa si Ero haha.



"Saan tayo pupunta?" -Rain.




"Sa park nalang!" sabi ko. Bawal naman ang hayop sa Mall eh.



"Magbihis na kayo" turo ko kay Ero at Rain. Sumunod naman sila at nagbihis na din ako.

--

Since malapit lang naman ang park sa kinatitirikan nitong bahay, naglakad nalang kami.


Nilagyan din namin nang tali yung leeg ni Jay-R para daw mukhang totoo. Si Rain ang naghahawak sa kanya at si Ero naman nasa ulo niya si Blaze,

Para tuloy kaming isang PAMILYA hahaha XD Charoot lang.




"Andito na tayo!" Nakangiting sabi ko sa kanila.


"Woah! Ito pala ang tinatawag niong park Ate Scarlet!"





"Ikaw talagang bata ka! Ang cute mo." Sabi ko at pinisil ang pisngi niya.




"Hindi na naman ako bata eh"



Natawa nalang ako sa kanya at napansing nagmamasid lang ang 3 ko pang kasama.



"Uhmm. Dun muna tayo." Turo ko sa malaking puno. Malilim kasi doon at kahit papano may natitira pang maganda-gandang hangin dito XD . Tumango lang sila at sumunod sa akin.





"Uy girl! Ang gwapo nung lalaki ohh" narinig kong bulong nung isang highschool student.



Diba ang bulong dapat mahina? Ee yung kanila rinig na rinig!


"Oo nga girl! Tignan mo yung batang kasama niya! Ang cute din!" Malamang sa malamang di Ero ang tinutukoy niya .





"Tss. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanila" Naiiritang sabi ni Jay-R . Hahaha di kasi siya pinansin XD Kawawa naman! Si Rain at Ero tatawa-tawa lang sa inasal ni Jay-R. Tapos si Blaze wala lang pake . Parang nasa labas ng universe yung pake niya Hahaha.



Naisip ko lang. Ano kayang itsura ni Jay-R at Blaze? Siguro kaya masungit si Blaze dahil sa itsura niya XD . Wag kayong maingay ahh! Secret lang natin to. Hahaha.




Nandito na pala kami ngayon sa lilim ng malaking puno. Katabi kong nakaupo si Rain habang may binabasa at si Jay-R katabi si Ero . Nag-aasaran na naman silang dalawa .



Si Blaze?



Ayun! Nasa itaas ng puno. Maingay daw kami masyado. Daig pang may pms. Ang sungit.

"Rain. Bakit dito nio hinahanap yung prinsesa nio?" Tanong ko. Masyado kasing tahimik ee. Si Jay-R at Ero napatigil sa paghaharutan nila.

Si Blaze na patingin lang sa amin pero wala pa din siyang pake.



"Ahh .. Eehh.. Ano . Kahit wag nio nalang akong sagutin. Hehehe"




"No, since tutulungan mo kami, magbibigay kami ng impormasyon" Sabi ni Jay-R.



"Dito daw kasi dinala ng inatasan ng Reyna na magliligtas kasama ang anak niya. Nagkaroon ng malaking digmaan laban sa Dark-magic user" -Rain.



"Ahh ganon pala. Sana mahanap niyo na siya no?" - ako



"B-bakit ate Scarlet? Gusto mo na ba kaming umalis?" Sabi ni Ero at malapit ng umiyak.




"Hindi naman sa ganon Ero. Wag ka ng umiyak" sabi ko habang pinapatahan siya! Aish! Bata nga talaga! Mukhang naapektuhan yung utak nila ng pagiging bata nila. Haha

"Wag ka ngang umiyak diyan ! Bata ka talaga! Di bagay sayo" sabi ni Jay-R at tumawa kami ng tumawa.



Pero natigil din kami. Bigla nalang akong may naramdaman na umaaligid sa amin. Tinignan ko ang buong paligid , wala namang tao. Imahinasiyon ko lang ata yon.



Yayayain ko na sana sila pero ang tahimik nila at seryoso ang mga mukha.




"Tara na nga! Kumain na ta-uhmmm" Naramdaman kong may tumakip sa bibig ko at unti-unti kaming pumapasok sa puno.



Naalerto naman sina Jay-R, Rain at Ero at agad akong hinila . Ngunit huli na ang lahay dahil tuluyan na akong napasok sa puno

and everything went Black.

★★★★★★★★★★★★★★★★

(a/n:) YOW GIUYS! IT'S ME! Hahaha! Almost 2 years kong di nagalaw tong accout ko, at talagang nawala na yung flow ng story sa utak ko, buti nga may naiwan pang draft dito sa account ko. Gusto kong tapusin kaso paano? Huhu! May iba na namang story na nasa utak ko. Wahh pero BTW, hi sa mga nagbasa at magbabasa!

Binago ko din pala yung UN ko, From darkprince20 to ellepant! Mukha kasing panlalaki e.hahahahah! XD

FEEDBACKS ARE HIGHLY APPRECIATED GUYS! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding The Long Lost Princess [SLOW UPDATE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon