Ang Gusto ng Babae sa isang Lalake [ On going ]

283 4 2
                                    

Just Note:

Naisipan ko lang itong isulat. Wala lang. Haha! Tips na rin siguro 'to for boys out there na nanliligaw, manliligaw o may girlfriend. Ayon LANG naman ito sa aking naiisip na may halong imahinasyon at damdamin.

Para na rin suguro 'to sa mga babae. Hehe. Pero kung iba tayo ng paniniwala, naiisip at ma-bash ako ng dahil dito. Sareeh. Opinyon ko nga LANG naman kasi ito.

PS: Kapag mabasa nyo ito, wag kayong magagalit sa akin. Wag na wag. Sabi ko nga, OPINYON KO LANG NAMAN ITO.

Kaya, kung ayaw nyong malaman ang nasulat ko dito. Utang na loob, pwede ka ng tumigil. Ayan, I warned you.

Wag nyo rin maatim na sabihin ako na 'perfect guy' na ang hinahanap ko dito o kaya dapat i-akto ng isang lalake. Nililinaw ko lang, alam kong iba't-iba ang ugali ng tao at may iba't-iba rin ang stado.. stado sa buhay.

Pero para sa akin, ganito dapat ang maging isang 'TUNAY NA LALAKE'

Para sa akin lang naman. Eh sayo ba?

PPS: Kawawa naman ang magiging boyfriend o asawa ko kapag nagkataon.

***

~ ANG GUSTO NG BABAE SA ISANG LALAKE ~

***1

Ang gusto ng isang babae sa isang lalake, syempre MATINO. Pero may makikita ka pa bang ganon? Lalo na sa henerasyon ngayon?

Kung hindi man matino, syempre mapapatino ng babae. Ano pa't nililigawan o girlfriend sya ni lalake?

***2

Ang gusto ng babae sa isang lalake, syempre PURSIGIDO. Lalo na kapag nililigawan palang ito. Dapat makikita ni babae ang efforts. Take note: EFFORTS with S. nitong si lalake para maging kayo o may matawag na 'kayo'

Girls need efforts. Hindi laging words. Mas masarap o masaya makita ang isang lalake na may salita na may gawa pa.

Mas nap-prove ni babae sa sarili nya na 'MAHAL' talaga sya ni lalake.

SOME girls out there, alam kong ganito rin ang gusto nyo.

***3

Ang gusto ng babae sa isang lalake, syempre SERYOSO. Pursigido na plus pa yung seryoso. Parang perfect na kung tawagin sa isang lalake diba?

Tanungin kita ha? Ikaw babae. May tao na bang nagseryoso sayo? Yung as in na SERYOSO. Yung tipong lalake na hindi lumalandi ng ibang babae? Yung naka-stick nga sayo? May ganon na bang nagparamdam sayo?

Oo sige. Considered na natin na meron talagang ibang lalake na malapit o hindi mapigilan talaga na lumapit o malalapit sa ibang babae. Pero doon mo din talaga makikita na mahal ka nga ni lalake eh. Kasi nga, seryoso sya sayo.

Bigyan din kita ng example babae ha? What if may girl bestfriend si lalake? Which is common na common ngayon. Pero ang tanong, nakikita mo ba ang pagkaka-iba ng pakikitungo nya sa bestfriend nya at sayong girlfriend nya? O kahit nililigaw palang nya? May pagkaka-iba ba? Magtaka ka kapag parehas ang pinapakita o pakikitungo nya sainyong dalawa.

Ikaw ang GIRLFRIEND o ang NILILIGAWAN.

Sya ang BESTFRIED.. LANG.

Alam naman natin diba babae na ang 'bestfriend' ay may limitasyon kapag dating sa ganyan. Kasi minsan, pagmumulan at pagmumulan ng away nyo yan. Kahit nga na nililigawan ka palang ni lalake eh at hindi mo mapigilan sakanyang di magalit o magselos lalo na nga kung may nararamdaman ka na talaga sakanya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 10, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ang Gusto ng Babae sa isang Lalake [ On going ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora