Until we meet

1.7K 71 7
                                    

Unang alarm pa lang ng phone ko ay bumangon na ako. Madalas kasi ay pinipindot ko ang snooze at tsaka lang ako babangon kapag last minute na.

Madilim pa nang nakapunta akong school. Agad akong umupo sa upuan ko at napansin nang mga kaklase ko na ang aga ko. Nginitian ko lang sila. Wala ako sa mood.

Inisip ko muna kung mayroon akong nakaligtaan na homework. Pero naalala ko right after I slept last night ay tapos ko na pala ang lahat.

So, I grabbed my phone in my pocket. Wala na naman akong magagawa kundi magbasa. All my life, I'm loving a fictional character. And all my life, after I just finished a book, I was always left in a wreck. Wala akong magagawa kung pati sa imaginary world ay wala pa 'ring place para sa akin.

Nang dumami ang kaklase ko at nagkaroon nang tao sa tabi ko ay napagdesisyunan kong itabi ang phone ko.

"Jes, may nabasa ako sa reader's digest!" lumingon ako sa likod ko. I shrugged, nothing new. Siya 'yung kaklase naming mahilig sa trivia. Ako din naman, I am fond of reading did you know's post, thou sometimes hindi ito kapani-paniwala pero sa huli, maniwala man o sa hindi. We tend to believe it.

"Sabi 'don, 80% of people have already met the person they are going to marry at the age of 16!"

And I found myself listening to them. I'm never an eavesdropper. I looked away thou hindi kailangan.

Sinubukan kong i-relax ang katawan ko. At sa di ko malamang rason, nagawa ko na namang lumipad sa kalawakan. And take note, I was not alone. I was with my ideal man.

He's a vocalist sa isang banda. And that really suits him. Lagi niya akong hinaharanahan. Kapag hindi kami magkasama umuwi at hindi niya nahahawakan ang kamay ko, sa gabi ay kakantahan niya ako. Hanggang sa hindi ko alam ay tulog na ako. Then the next day, I would found a voice message, "Nakatulog na ang prinsesa ko. I love you."

At nakikita ko na lang ang sarili kong nakangiti. And then everytime na nagbabasa ako ay susulpot siya sa tabi ko, tatalian niya ako kahit na magulo ay hahayaan ko lang ito hanggang sa isasarado ko ang libro ko at itutuon na lang ang pansin ko sa kanya.

And I stopped myself. Lahat nang mga vision na iyon ay hininto ko. I just need a nap pero too late, dumating na ang professor namin.

*

6:37 a.m. Tumayo agad ako at binatukan ko ang sarili ko. Malalate na naman ako. Nakailang patay ba ako nang alarm?

Mabilis akong kumilos, mas ginugusto kong inuubos ang last minute ko sa paliligo kaysa sa pagkain. Routine nang buhay ko. Walang bago.

At dahil late ako, I stayed outside the classroom. Masyadong terror ang first subject, laging galit sa late.

Mabuti na lang at minor subject ito.

Umupo ako at binuksan ang isang book, I should just study. May test pa man din kami.

Pero nang mag-thirty minutes na ay narealize kong two hours pala itong subject na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon naisip kaagad. And then I realized too na wala pa pala akong kinakain.

Bumaba ako at dumiretso sa cafeteria. Bumili ako ng pagkain at umupo.

Sa kalagitnaan nang pagnguya ko ay mayroong pumasok na lalaki. Inisip ko kung nakita ko na ba ito. I fixed my eyes on him, pinipilit kong alaalalahanin kung saan ko nga ba ito nakita.

I looked away as I met his eyes. dazzling hot, I said in my mind.

Then naalala ko iyong sabi nang kaklase ko. Ito na siguro iyon? Nalate lang ng 3 years? Nababaliw na ako. Sinasabi na nga ba nang pagbabasa ko.

Until we meet again (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon