UNTCHBL3
Weekend nanaman, which means, taong bahay nanaman ako. Taenangyan b3h!
Sermon dito, utos doon, sigaw dito, asar doon. Bwst. :3
Panay sigaw nalang naririnig ko , lagi nalang akong mali, lagi nalang akong palpak.
Mommy ko lang naman ang kakampi ko sa mundo eh. Leche.
I went up to my room para matahimik sila daddy at ate. Gatungan silang dalawa sa mga maling nagagawa ko. Si mommy naman, deadma lang.
Papanik n asana ‘ko nang sumigaw si ate, “Hoy, saan ka pupunta?”
“Sa langit” I said in a cold voice, then took another step.
Ayoko nang makipagtalo kay ate dahil alam ko namang talo ako. Everything I do, talo ako.
I took a bath tapos nagbihin ng pang-alis.
Simpleng black oversized shirt at shorts lang. Konting blush, concealer. Okay na,
I combed my hair then grabbed my body bag and wore it just like a shoulder bag.
Bumaba ako at dumeretso kay mommy.
“Mom, alis lang po ako saglit. Babalik din ako agad” then I kissed her cheek.
“Okay, wag papagabi ha?”
“Sure mom.”
“Oh, kala ko ba nasa langit ka na?” pang-asar ni ate Cris.
“Di tatanggapin yan do’n. Demonyo yan eh” gatong ni ate Jonah.
“Tigilan niyo ko.” I rolled my eyes then went out of the house. Magbababike ako.
I grabbed my black and red bike na regalo pa sakin ni Tita Jane.
Nagbike ako papuntang mall. Ipinark koi to sa pinakasulok ng parking lot at nilock.
Dumiretso ako sa National Bookstore at nagscan ng mga bagong books.
Bumili ako ng 2 libro. Kahit na di ko alam ang story basta maganda ang cover, binibili ko. I’ll end up getting hooked with it the moment I start reading it.
Ayoko nang malibot pa sa mall kasi nakakasawa na. Kaya lumabas ako, at nagbike patungo sa secret hide out ko.
As usual, magsosundtrip habang nagbabasa.
Ayoko pang buksan yung binili kong mga libro, siguro next time nalang.
I opened mt phone na may nakasaksak pang earphones. I clicked the orange W and started reading “Montello High: School of Gangsters” (PLUG: My favorite wattpad story, published na po.)
After a few chapters, I heard footsteps coming closer to me. I was too busy reading, kaya hindi ko na siya pinansin. Hindi ko siya pinansin.
Nagulat ako nang tabihan niya ako sa grass. Humiga siya sa left side ko,
Umusog ako palayo at nagpatuloy sa pagbabasa.
Di nagtagal ay biglang mat humila sa earphone sa tenga ko.
Leche naman, sino ba 'tong hinayupak na to?
I turned my head. Hala, anak ng tupang pula oh, anong ginagawa niya dito? I was shocked kaya nastock ako sa posisyon na ‘yon for a few seconds.
“Ano ba, wala ka bang balak na kausapin ako?” sabi ni Ian habang pinapagpag yung likod ng polo niya. Di ko namalayang tumayo na pala siya. Naknangteteng naman oh!
“Ka-kanina ka pa?” napatayo na din ako.
“Uhm, yea”
“Ay sorry. Akala ko kasi kung sino ka lang na nantitrip eh. Marami kasing ganun dito. Sorry talaga!” “Bakit ba kasi di ka nagsasalita? I asked.
![](https://img.wattpad.com/cover/23026167-288-k239254.jpg)
BINABASA MO ANG
Unteachable (Slow Update)
Teen FictionI'm inlove with the pain. I'm sorry, I'm freakin' unteachable.