UNTCHBL5 (It's Complicated)

32 0 0
                                    

UNTCHBL5

“Anong sabe? Anong sabe?” natatarantang tanong ni Laurie habang ginigitgit ang mukha niya sa gilid ko para makita ang nakalagay sa cellphone ko. “Susunduin niya daw ako.” Nag-aalinlangan kong sagot. Katext ko kasi si Ian, at hindi sinasadyang nabasa ni Jana ang text niya saakin nang hiramin niya ang phone ko para magpasa ng kanta.

“Ano papasundo ka?” Jen asked, “Sigeee! Dali sabihin mo oo. “ Jana said with a grin on her face.  Para bang kinukunsinti niya ako sa pamamagitan ng ngiti. Nagyayaya kasi si Ian na sunduin niya daw ako. May sasabihin daw siyang mahalaga. Parang nasesense ko na kung anong sasabihin niya eh.

Ayaw ko namang magpasundo kasi baka asarin ako ng mga mababait kong kaibigan. Baka mamaya e magblush ako dun. Nakakahiyaaa! xD

Inabot ko kay Laurie ang phone ko, “Oh, ikaw na bahala.” Napakunot ang noo niya. “Gaga, ikaw dapat ang magdesisyon. Ako ba ang susunduin? Sa’kin ba nanliligaw? Kung pwede nga lang eh,” pabulong niyang sinabi yung dulong part.

“Kaya nga eh, yun ang desisyon ko. Desisyon kong ikaw ang magdesisyon.” Paliwanang ko. Ang labo ko bwisit. Inaamin ko, gusto ko si Ian. Gusto ko siya pero ayaw ko siyang sagutin. Kasi nga ayaw kong magkaroon ng emotional attachment. Tingin ko hindi pa ko handa.

Madali akong ma-fall pero di ko hinahayaang humantong iyon sa point na masasabi kong mahal ko na siya. Ayaw ko din na makasakit at siyempre, sino ba ang gusting masaktan? Wala naman di ba? Pero kahit na anong gawin ko, di ko naman maiiwasang makasakit at masaktan eh.

Lumayo muna ako saglit. Dahil walang teacher, lumabas ako ng room at pumunta sa cafeteria. Kailangan kong kumain, naiistress ako. Bumili ako ng isang malaking Piattos, isang Cloud 9, at C2. Wag na kayo magtaka kung bakit may pagkachubby ako. Nasa lahi rin kasi.

Pumanik ako kaagad kasi baka dumating si ma’am. Pagkaakyat ko, si Laurie kaagad ang bumungad sa’kin, “Alexandra Penelope oh, um-oo ako dahil yun ang opinion ng nakararami.” Inabot niya sakin ang cellphone ko at pinabasa ang conversation nila.

“You asked them?” taninong ko. “De alam na nila nanliligaw si Ian?”nagsmile siya, yung nakakalokong smile. Naknangteteng naman oh. Bwisit talagaaa!

“Yea,” si Jen na ang sumagot. Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang paligid. Bakit kaya parang ayaw kong makita ngayon si Ian? Anong problema?

~Fast forward~

*RRRRRIIIINNNNGGGGG*

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko kahit na may sinasabi pa si Ma’am. Pero ako, nakaupo lang at lutang. Uwian naaaa! Eto na, parang ayaw kong lumabas. Gusto kong tumakas.

“Okay class, see you tomorrow” paalam ni Ma’am Helen, Science teacher namin. Lumapit na ako kay Jana, “Let’s go!” she said then grabbed her backpack. Lumabas kami ng room at sumunod naman sila Jen at Laurie.

“Tis!” sigaw ni Jolo, “Oh?” lumingon ako. Lumapit siya sa’kin kasama sila Daniella. “Uwian niyo na? Di ka sasama sa’min?” Magkaiba ang oras ng uwian naming dahil Journal kami nila Jana, may Vocational pa kasi sila bago mag-uwian.

“Ah.. eh.. saan ba pupunta?” tanong ko. “Maglo-LOL kami eh, sa may rimax. Malapit sainyo yun ‘di ba?” sabi ni Jolo. Eh? Di pa nga ko masyado marunong nun eh. “Pass muna siguro, una na ko.” I smiled, at nagbabye sila.

Pagkalabas naming ng gate, nakita ko kaagad si Ian, nakatayo sa tapat ng tindahan sa tapat ng school namin. Nakangiti siya habang naglalakad papalapit sa’min.

“Alex, sakay na kami ah? May kasabay ka naman eh.” Paalam ni Jana. “Sige Alex, ingat ka.” Nagwave ng kamay si Laurie. “Bye Alex, ingat.” Tapos nagsmile si Jen. I nodded then waved my hand.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unteachable (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon