CHAPTER 1

117 6 0
                                    


Chapter 1

DAHYUN'S POV


"Mahal..."




Agad akong napahalakhak sa kausap ko sa telepono. Siraulo'ng Nayeon 'to!



"Oh? Bakit tinatawanan mo na ako? Hindi ka ba masaya hah? Mahaaaal?"



At natawa pa ako ng diinan niya ang salitang 'mahal' na  ayaw ko ng marinig ngayon.


"Tigilan mo na 'yan. Puro ka kalokohan!" Napatawa pa ako.


"Tss. Tss, bahala ka! Anong oras na eh! Matutulog na nga ako! Tse! Mwuah! Labyo!" I love you daw...


Napa iling-iling pa ako habang tumatawa na siya mismo ang nagbaba ng linya. Bigla akong humikab at ayun na si antok, dinalaw niya na ako. Na-miss siguro ako.


Si-net ko na 'yung alarm ko sa phone at tinodo 'yung sounds, inilapag iyun atsaka dahan-dahang napapikit.





"♩️AKO'Y SA'YO, IKAW AY AKIN~~ GANDA MO SA PANINGIN~~♩️"



Para akong adik na biglang dumilat ng malaki 'saka umupo at tinitigan 'yung phone ko. Nagulat kasi ako. At oo, ang wirdo ko kasi ayun yung ringtone ko. Tiningnan ko yung caller at ang nakalagay ay, 'mahal❤️'



"Tss." Asal ko sabay sagot ng tawag.



"Baket?" Tinatamad pa akong sabihin 'yan.



"Where are you?"



Agad kong napaiwas ang telepono sa tainga ko, dahil may kung anong sobrang lakas ng tunog na parang alam ko na kung sa'n nanggaling.



"You're in a Club?!"



"Where are you?" Pag-uulit niya. Kaya naman napamaang ako atsaka napahawak pa sa sariling noo.



"Anong ginagawa mo diyan?"



"I said, where are you?" Nahimigan ko ng medyo mas inis sa boses niya at naro'n rin ang parang lasing na kaya naman ay ako naman ang nagtanong.



"Where are you?" Ako naman.



"Tj's Cafe & Club's night." Tanging sabi niya at narinig kong may sinabi pa siya pero agad kong binaba ang linya.



Sariwa pa rin kasi sa'kin. Ang sakit na dulot ng isang klaseng bagay na ginawa n'ya, ngayon lang.



Agad kong kinuha 'yung susi ng kotse ko, at nagpaalam kay ate Maria, yaya ko. Pipigilan na niya sana ako pero nakasakay na ako sa kotse ko. Anong oras na kasi eh.



Ewan ko ngunit, habang nagmamaneho ako ay may kung anong gusto ko siyang sunduin do'n at harapin siya, meron ring ayaw kong pumunta ro'n dahil mas lalong sasakit ang nararamdaman ko. Ngunit nilabanan ko. Mahigit sampung minuto akong nakarating sa Tj's Cafe & Club's night, medyo malayo kasi sa village namin. Liliko pa para sa kabilang village.



At nang makarating ako du'n ay nagmadali akong bumaba ng kotse, at medyo madalim pa kaya marami rin akong nabangga pero kapos ako sa oras para humingi ng pasensya, hindi ko na lang pinansin.



At nang makarating ako sa loob, ay 'di hamak na maraming napapatingin sa'kin. Nakalimutan kong naka pyjama ako at sando na white na printed at pinatungan lang ng pink na jacket.



Ngunit hindi ko na pinansin 'yun. At tumingin du'n sa dance floor. Ngunit nahinto ako sa oras na paglingon ko sa kaliwa, medyo madilim sa puwesto'ng 'yun pero kitang-kita ko.



He's doing it again.



Napa kuyom ang sarili kong kamao. Dahil sa nakita ko siyang nakikipaghalikan.



Dahan-dahan akong tumalikod, para sana tumakbo pero biglang may humila sa akin na nasa harapan ko, at niyakap ako.




"Ssshh.. stop crying. It brakes my heart too."



I'm surprised.

Ex into a relationship again || VHyun|| fanfic {on goooing} Where stories live. Discover now