Chapter 2DAHYUN'S POV
"Ssshh.. stop crying. It brakes my heart too."
Sa sobrang gulat ko ay parang dumikit na ang paa konsa tinatayuan ko, dahil hindi ako makagalaw! Hindi ko alam kung paano, may kakayahan akong makaalis sa pagkakayakap niya ngunit may kung ano sa isip ko na hayaan na munang may mag comfort sa'kin.
Hindi ko maintindihan.
"Lalo na 'yung nakikita ko ngayon, sobrang nasasaktan na ako." Du'n ako napaalis sa pagkakasandal ng ulo ko sa dibdib niya at napatingala sa kaniya dahil matangkad siya.
Tiningnan ko naman 'yung gawi nina Jimin dahilan para lalo akong maluha, ang sakit-sakit. Pinagmumukha niya lang akong tanga.
Ngunit sa kasalukuyang nakatingin ako sa gawi nila, ay biglang may pumasok sa isipan ko.
"Is that your girl?!" Halos mautal kong tanong sa kaniya ng harap-harapan at nakasigaw. Dahil sa sobrang lakas ng sounds. Tiningnan niya naman ako. Mata sa mata, para bang may binabasa siya sa mata ko.
"My Girlfriend..." pag co-correct niya, ngunit nasa akin pa rin ang paningin niya. Iikot pa sana ako ngunit agad niya akong muling niyakap. Na ikinagulat ko na naman.
Sa pagkakataon na 'to may pag-asa at kakayahan na akong magmaktol! Wheheu! "H-hoy! Bakit mo ba ako niyayakap?! A-anong karapatan m-mo?" Pasigaw kong tanong, tinaas ko naman yung ulo ko at bigla siyang ngumisi, nagulat ako. Ang guwapo niya.
H-ha?! Basta! Napailing-iling ako sa na isip ko. Nagulat ako nang bigla niyang inangat ang dalawa niyang kamay at inilagay 'yun sa magkabilang pisngi ko. "Talaga? Eh, bakit parang gustong-gusto mo rin?" Nakangisi niyang tanong, naguluhan ako.
"A-anong gusto?!" Inis kong tanong. Mas lalo niyang pinisil ang pisngi ko, Mashaket.
"Tang-in*ng 'yan.." bulong ko sa paraang hindi niya ako maririnig.
"Tingnan mo nga! Ngayon mong sabihing, hindi mo gusto ang paraan ng pagyakap mo sa'kin." Nakanguso niya namang sabi, nagpapa cute.
Agad naman akong natigilan sa sinabi niya. Para akong napahiya dahil nakayakap nga ako sa kaniya! Nang hindi ko nalalaman! Uuuughhh!
"Wanna forget what happened tonight?" Namamaos niyang tanong, nakaka attract.
Dahyun?! Ano bang nasa-isip mo??
"Correction, today..." pagtatama ko dahil umaga na nga, at ayun ang katotohanan.
"Ganu'n na rin 'yun." Nakatingin na siya sa akin. Napatango ako ng sunod-sunod, parang aso lang tss!
Magsasalita pa sana ako ngunit bigla niya na akong hinila habang nakahawak sa kamay. 'Di ko alam kung sa'n papunta 'tong inaakyat namin, pero hindi ko magawang ituon ang paningin ko sa hagdanan na tinutungo namin ngayon, kundi dumikit na ang paningin ko sa kaniya.
At nahinto lang kami sa pag-akyat nang lingunin niya ako ng nakangiti, at du'n ko lang nalaman na binubuksan niya na pala dahan-dahan ang pintuan. At nang mabuksan niya 'yun, ay bigla akong namangha. Ang ganda ng mga bituin.
Nasa rooftop kami ngayon ng club, at sa masuwerte ay kami lang ang tao. Ramdam ko ang kamay ko sa kaniya, kaya naman sa hiya ay ako na ang bumitaw, tumawa lang siya. Baka baliw na.
"Ang ganda..." manghang-mangha kong sabi. Habang nakatingala at ninanamnam ang simoy ng hangin na parang nakikisama sa nararamdaman ko.
"Yeah, it was so beautiful. So i'd like you to see that.." sabi niya sabay turo sa mga stars. "I'd rather to be with someone, than with my special someone, who almost broke my heart into pieces..." sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin. "I did not know why, but when i am looking at the stars, i forget everything, even what happened a while ago, that slowly kills what inside of me." Makahulugan man, hindi ko maitatangging parang naiintindihan ko ang sinasabi niya.
At totoo ang sinabi niya, nakalimutan ko ang nangyari kanina, ang dahilan kung bakit kami nandito. Nakakatuwa lang isipin na may ganito pa palang lalaki.
Paglingon ko, muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko. Dahil sobrang lapit niya sa'kin. At nakatutok ang mukha niya sa akin! Bigla siyang lumapit ng lumapit sa'kin, dahilan upang umatras din ako ng umatras at nang maramdaman ko ang pintuang nasa likod ko ay bigla akong huminto. Ngumisi naman siya. Napaka gwapo.
Bigla niyang inilagay ang kaliwa niyang kamay sa bandang itaas ko ang mas lumapit pa ang mukha niya. "And i also did not know why i'd rather to kiss someone than to kiss my special someone.." ayun na naman ang makahulugan niyang linya. At eto na naman akong hindi makagalaw, sa kinatatayuan.
Unti-unti siyang bumababa hanggang sa matunton niya ang labi ko. Hinalikan niya ako, at ang bagal no'n. Hanggang sa naging medyo, mabilis at madiin dahil ang kanina niyang kaliwang kamay ay nakalagay nasa batok ko, at ganu'n na lang ang pagkakataka ko na, kinaya niya 'yun ng isang kamay?
At naramdaman ko ang kanang kamay niya na pumunta sa gilid ko at naramdaman ko ang paghawak niya sa doorknob. At nagulat ako dahil ni-lock niya 'yung pintuan! At 'yung kamay niyang kanan ay dahan-dahan namang pumupunta sa bewang ko, bigla niyang pinindot ang bewang ko na may kung anong kuryenteng dumaloy.
Bigla naman akong napanganga, dahil sa ginawa niya. At ganu'n na lang ang gulat ko ng ipasok niya ang dila sa loob ng bibig ko. At hinalikan na naman niya ako, matagal. Pero matapos nu'n ay parehas naming habol ang hininga. Ni wala akong tinugon sa ginawa niya ngunit, parang andami kong ginawang nakakahingal.
Magkadikit ang noo namin ngayon, ang mga kamay niya ay nasa leeg at bewang ko, ang mga kamay ko naman ay nanghihinang nakahawak sa magkabilang braso niya.
"W-what did you do to me?" Hinihingal na tanong ko. Ngumisi siya. Nakakaloko.
"Woah, nahalikan ko lang. Napa-english na." Sabi niya kaya naman hinampas ko ng mahina ang braso niya, tumawa lang siya. At nagulat pa ako, dahil bigla niyang hinalikan ang noo ko. Ngumiti siya. "Ang sarap sa pakiramdam, na may nasabihan ka ng nararamdaman mo.." nakangisi na naman siya, nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Loko, wala naman tayong matinding p-pinag usapan ah.." nahihiyang tanong ko.
"Hmm, nag-usap nga ang parehong kaluluwa natin, at ang sarap sa pakiramdam nu'n.." tumawa siya sa huli.
"Tss, manyak.." sabi ko, pero ngumiti na naman siya.
NANG nasa labas na kami ay nakatayo na kaming parehas sa labas ng kotse ko. "Ahh-- a-about what happened a while a-ago... ahm--" naputol ako ng bigla niya akong kargahin at nakakaasar pa ay binuhat niya ako sa puwetan! Pero ang mas nakakagulat ay kaya niya iyun ng isang kamay, at binuksan niya pintuan ng kotse ko. Nasa kaniya ang susi ko!
Inupo niya ako sa driver's seat at nakangiti pa rin siyang nakatingin sa'kin. "P-paano napunta sa'yo 'yang susi ko?" Ngumisi na naman siya.
"Sa tindi at sarap ng pagkakahalik ko ay hindi mo naramdamang kinuha ko ang susi mula sa bulsa mo.." bigla niyang kinagat ang ibabang labi, manyak!
"Tse!" Sabi ko at tunawa naman siya. Nakakahiya! Waaaaaaaaaaaaaaah! Tang-in*ng 'yan!!!!!!!!!!!!!!!
Bigla na naman siyang lumapit sa akin at 'yung kamay niya pumunta sa itaas ng balikat ko at nagulat ako nang inilagay niya sa'kin ang seatbelt nang nakatingin sa'kin. Lumapit siya sa aking muli at dinampian na naman niya ng halik ang noo ko.
"Don't worry, that was our shared secret." Nakangisi na naman siya.
I got shy.
YOU ARE READING
Ex into a relationship again || VHyun|| fanfic {on goooing}
FanfictionA man once said: ❝ I've never been this happy, and did you know what is the unexpectedly thing i felt? That was, everytime we're together, du'n ko nararamdaman ang kakaibang happiness.❞ Did you know na despite of how i felt on that time was being ch...