Sa tahanan ng Pamilya Del Carmen ay aninag ang isang masaya at payak ngunit bakas ang kahirapan ng buhay. Isang pamilyang binibigkis ng mga pagsubok upang sabay-sabay na lumaban sa buhay. Isang pamilyang may simpleng pangarap, pangarap na maging matiwasay ang pagsasama bilang pamilya kabila ng kadukhaan sa mga pangunahing pangangailangan. Ngunit sa ngalan ng pamilya handa silang magtiis upang makamit ang pinapangarap na kaginhawaan. Handa silang sumugal sa ngalan ng pagmamahal upang maibsan ang nararanasang paghihirap. Dama ng bwat miyembro ang bigat ng kalooban ng kanilang haligi at ilaw ng tahanan, Sina Ben at Paz Del Carmen. Sa kabila man nitong kalungkutang nadarama para sa tatlong anak na sina Natasha, Raymond at Franco ay patuloy silang nagpapakatatag upang ‘di panghinaan ang mga ito upang ituloy ang buhay na marangal.
Samantala sa tahanan ng Pamilya Monte Carlo ay magulo ngunit sagana at marangya ang buhay. Magulo dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mag-asawang sina Alberto at Monica Monte Carlo. Ang pamilya Monte Carlo ay kilala sa larangan ng pagnenegosyo. Kapwa bihasa sa pagpapaikot ng kanilang kabuhayan. Aninag mo sa mag-asawa na sila’y binago at pinatatag ng kanilang mga karanasan sa buhay bago nakamit ang tugatog ng mataas at maranyang buhay. Siguro ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit dumadaan sila sa pagsubok bilang mag-asawa. Ganunpaman, kapwa pa rin nila ginagawa ang lahat para sa dalawa nilang anak, sina Alvin at Henry Monte Carlo.
Dalawang pamilya na magkaiba ang mukha ng pamumuhay. Isang hikahos at isang marangyang buhay. Iba-iba ang pamamaraan ngunit iisa ang mithiin – ang guminhawa ang kani-kanilang pamilya. Paanu nakausad ang isang pamilya Monte Carlo at napag-iwanan ang pamilya Del Carmen? At anu ang naghihintay sa buhay ng kanilang mga anak? Makikita ba nila ang halaga at tunay kahulugan ng pagiging isang "FAMILIA"
