"Ma, anung nangyari?" tanong ni Alvin ng maabutang tumutungga ng alak ang kanyang ina sa kwarto.
"I don't know. Until now I don't know!" sagot nito sabay inom ulit ng alak.
"Please stop drinking alcohol". pagsaway niya sa kanyang ina.
"No, I need it especially ngayon". kontrang sagot sa kanya.
Walang nagawa si Alvin kundi pagbigyan rin ang kanyang ina. Kahit may bumabagabag sa kanyang isip ay pinilit niyang maging maayos ang lahat lalo't may pinagdadaanan ang kanilang mga magulang. Hinintay niyang makatulog ang ina at inayos sa pagkakahiga nito at tsaka niya tuluyang iniwan at tinungo ang sariling kwarto.
Tulad ng kanyang ginagawa, checking emails and facebook account bago maligo. Makaraan ang ilang minuto ay nagdesisyon na siyang maligo upang magpahinga't matulog. Ngunit nasira ito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kahit inis ay sinagot niya dahil ang tumatawag ay ang kanyang bunsong kapatid na si Henry.
"kuya, help me!" sambit nito sa kbilang linya.
"bakit? anung nangyari?" tugon niya sa kanyang kapatid.
"nasa presinto ako, dinampot ako ng mga pulis". pag-amin nito sa kanya.
"ha! bakit?" pabiglang sagot nito sa nakakabatang kapatid.
"okay, i'll be there in a minute". patapos niyang sambit at agad niyang pinuntahan ang kapatid.
Sa presinto ay naabutan niya ang kapatid na nakikipagtalo sa mga pulis. Inawat niya ito para matigil na sa pagsasalita. Nakipag-usap na lamang siya sa pulis at tinanong kung ano ang nangyari.
" sir, ano pong problema?" tanong niya sa desk police officer.
"nanggulo ang kapatid mo sa bar". pasimula nito sa kanya.
"tapos may binastos pang babae". patuloy na sabi ng police.
"tapos nakipag-suntukan pa". dugtong pa nito.
Napapailing na lamang si Alvin. Tiningnan niya ng malalim ang kapatid kaya napayuko na lamang ito dala na rin ng kalasingan at kaantukan.
"nasaan po ba mga complainant". tanong niya sa desk officer,
Bigla na lamang siyang natigil sa pagtatanong na may magsalita sa bandang likuran nila.
" andito kami, may problema". mataas na tonong sabi ng babae sa kanya.
"hi, I am Alvin, Alvin Monte Carlo, kapatid ng nirereklamo ninyo". sagot niya at sabay abot ng kanang kamay sa babaeng kaharap.
"okay, then what?" mataray nitong sagot sa kanya
"baka pwede nating ayusin na lang ito ngayon" pakumbabang sabi niya sa babae.
"lahat ng damages, ako na ang bahala. Close na lang natin 'to". muling pakiusap niya habang ang kapatid niya ay tuluyan nang nakatulog sa kalasingan.
"Mukhang mabait ka naman at willing to pay, then, deal!" diretsong sagot sa kanya at sabay abot ng kamay nito upang makipagkamay na rin.
"btw, I'm Marj, Marjorie Canlas, nice to meet you". nakangiting pakilala sa kanya.
"nice to meet you too. salamat". pakimbabang sambit niya at sabay abot ng kanyang kanang kamay.
Pagkatapos ng kamayan nila ay lumapit na ito sa police upang ipaalam na 'di na niya itutuloy ang pagrereklamo. Kaya makaraan ang ilang minuto ay pinakawalan na kapatid niya.
Habang palabas na sila ng presinto ay nagsalita muli si Marj kay Alvin.
"pagsabihan mo 'yang kapatid mo ha". paalalang sabi sa kanya.