Sa tahanan ng Pamilya Monte Carlo, isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ni Monica mula sa asawang ni Alberto.Sa kabiglaan, napamaang si Monica habang pinipigil ang pag-agos ng luha at pasigaw na tinanong ang asawa.
“bakit mo ako sinampal?” tanong ni Monica sa asawa. Ngunit tahimik lamang ang huli at naupo sa magara nilang upuan sa sala.
Malaki ang tahanan. Lahat ng anak nila ay may kanya-kanyang kwarto. Pinasadya niya ito upang matutong maging masinop at maalaga ang mga ito sa mga bagay na mayroon sila. Sa gitna ng katahimikan ng kanilang bahay, tanging hagulhol ng babaeng Monte Carlo ang nauulinigan doon.
Di lubos maisip ng ginang na kaya siyang saktan ng kanyang asawa sa loob ng tatlumpo’t limang pagsasama. Kahit sa panaginip niya ay di sumagi sa isp nito na kaya siya nitong saktan. Ngnunit kahit magsisi man si Mr. Monte Carlo ay wala na itong magawa. Nasaktan na ang asawa niya.Sa sobrang galit na nadarama, hindi niya nahintay na ipaliwanag ang mga nalaman niya mula sa isang kaibigan, si Darwin.
Di niya maiwaksi ang mga salitang dumurog sa puso niya. Di niya mapigilan ang sariling emosyon dala ng kanyang selos dahil mahal niya ang asawa niya. Luha na lamang ang naging tugon nito sa asawa niya at sabay na tinungo ang kanilang kwarto. Naiwan si Monica sa sala kung saan tuloy-tuloy ang buhos ng kanyang luha dala nang malakas na pagkakasampal ni Alberto sa kanya.
Samantala, sa pamilya Del Carmen, sa tahanan nito, ay patuloy ang halakhakan. Nagkakatuwaan. Nagkukuwentuhan. Ngunit nabago ito ng isang pangyayari. Biglang nawalan ng malay si Natasha, panganay na anak nina Ben at Paz.Del Carmen. Kaya dali-dali nila itong dinala sa ospital. Habang ang lahat ay tensyonado ay panay naman ang dasal ni Aling Paz.
“Panginoon, wag niyo pong pababayaan ang anak ko. Kahit anung hirap ay tatanggapin ko basta maging maayos lang ang kalagayan ni Natasha.” Pagsusumamo ni Aling Paz at tuloy-tuloy na pag-iyak nito.
Batid nang lahat, ito ang kauna-unahang may naganap na di nila inaasahan. Makalipas ang mahigit kalahating oras, lumabas ang doktor. Lahat ay naghihintay sa sasabihin ng doktor nang bigla silang natauhan sa tanong nito.
“Nasaan ang asawa ni Ms. Del Carmen?” tanong ng doktor sa mga kaharap nito.
“Asawa? walang asawa ang kapatid ko” sagot at depensa ni Franco,,bunso sa mga anak nina Mang Ben at Aling Paz.
“Bakit hinahanap ninyo kung may asawa anak ko? Anu ba ang ibig sabihin ninyo?” usisa naman ni Mang Ben sa doktor na nakakunot ang noo nito.
“Kasi po kailangan naming pag-usapan ang mga dapat at di dapat gawin ni Ms. Del Carmen.” Tugon naman ng duktor kay Mang Ben.
“bakit anu po ba sakit ni Ate Natasha?” tanong naman ni Raymond, pangalawa sa magkakapatid
“bkit di niyo ba alam?” takang tanong ng doktor sa mga kaharap nito“anu po ba ang kalagayan ng anak ko?” usisang tanong ni Mang Ben sa doctor.
“Mahigit dalawang buwan na siyang buntis.” Diretsong sagot ni Dr. Mendoza kay Mang Ben
Nandilat ang mga mata ni Mang Ben at napa-upo ang magkapatid na Raymond at Franco. Habang si Aling Paz ay nabitawan ang rosaryong hawak dahil sa sobrang kabiglaan. Hinarap niya ang doctor at nakiusap na bawiin ang sinabi nito sa kanila.
“Dok, sabihin mong hindi totoo yan.” Pilit ngunit diin an pinakikiusap nito sa doktor.
”Doktor, baka nagkakamali ka.” Pangungumbinsi sa doktor upang mapawi ang sakit na nadarama niya ngayon.
“Di po ako nagkakamali, Misis. Kailangan ko po makausap ang asawa niya dahil maselan po pagbubuntis nito.” Tugon at paliwanag ng doktor kay Aling Paz