"Ngayo'y harapin ang iyong kapwa at sabihin! Peace be with you." Ani ni father.
Kanina pa ako naiilang sa kinatatayuan ko kasi nararamdaman ko na may nakakatitig sa akin kanina pa, feeling ko 'yon at sigurado ako, tsaka naiilang din ako sa kinikilos ko rito. Habang nakikipag-'peace be with you', naisipan kong lumingon sa paligid at tama ako may nakita akong isang pares ng mata na nakatingin sa akin. Tsk, sabi na't may tumititig talaga.
Bahagya ko siyang tinanguan para 'di ako mahalata na naiilang ako sa titig niya. Pagkatapos ay umiwas na ako sa tingin niya. Nakakailang talaga, pero in fairness gwapo. Kaso ako 'yong taong hindi magpapadala sa kagwapuhan, muntikan lang 'yong kanina hehe. Ang creepy pa rin niya kaya.
Pagkatapos ng misa ay nag-aya na ang pamilya ko na umuwi agad, hay gusto ko pang mamasyal. Nasa labas na ako ng may naramadaman akong humawak sa wrist ko at marahan na hinila ako palayo kila mama.
Hindi ako makasigaw. Dala na rin ng pagkatulala ko sa taong humablot sa akin.
Shocks, ito yung lalaki kanina!
Hinila niya ako papunta sa likod ng isang malaking puno ng narra.
Shocks talaga! Walang katao-tao, gulay!
"Sorry for dragging you."
Sinamaan ko siya ng tingin. He has a playful voice.
"Argh. Andito na ako, 'di ako tatakas kaya pwede ba, let go of my wrist!"
Hindi niya pa rin binibitawan yung wrist ko pero naramdaman kong lumuwang ang pagkakahawak niya.
"What do you want?" Tanong ko sa lalaki.
He smirked, "This is yours, right?"
Pinakita niya ang hairclip ko na hawak niya. Natulala ako dahil pinoprocess ko pa kung ano ang nangyayari. So, he dragged me all the way here for this?
"Akin nga," Hinablot ko ang hairclip at umatras para magbigay distansiya sa aming dalawa. Pinandilatan ko siya, "Pero teka lang, puwede mo naman i-abot sa akin 'yan kanina, bakit mo pa ako hinila papunta rito?"
Tumawa naman siya.
"Pinapanood kasi kita kanina and because of that I noticed your eccentric movements mula umpisa hanggang matapos yung misa kaya nakita ko na nahulog hairpin mo. Tell me, hindi ka pala-simba, right?"
Ang pagkamataray ko, tapang at lakas ay napalitan ng isang malaking kahihiyan. Halos namula ang mukha ko sa sobrang hiya. Napansin niyang hindi ako familiar sa pagsisimba. Nakakahiya!
"Uh 'yon lang?"
Nahihiya kong sabi sa kaniya.
"Hmm, one of the reasons."
one of the reasons?
Napabuntong-hininga ako, "Yes, hindi ako pala-simba at ginagaya ko lang ang ginagawa ng iba kanina sa mass. But that doesn't mean na hindi ko love si God, actually lagi akong nadadasal sa kaniya. It's just that... I.. I'm afraid."
I feel so embarrased na talaga.
"Afraid?" Natatakang tanong niya.
Napatitig ako sa trunk ng narra, "Afraid sa kalalabasan ng pagsimba ko, at 'yong kinatatakutan kong 'yon ay nangyari talaga. Ito, napansin mo na wala akong alam sa ginagawa ko. Ang funny tuloy, nagkaroon ako ng lakas na loob magsimba kasi akala ko walang makakapansin sa akin dahil maraming tao."
"Hmm that's why. It's not a big deal tho. Your sincerity and effort of coming in church is what matters."
I looked at him. Napatitig ako nang matagal. Wala akong naramdamang panghuhusga sa mata niya.
"You should come often para hindi ka nalang sa sarili mo nakafocus at kay God na.", ngiti niyang sabi.
"Okay." Pabulong kong sinabi.
I smiled secretly. He actually removed the shame I feel. Feeling relieved, I smiled at him.
"Thanks sa sinabi mo pero huwag mo 'kong pakiligin. So-"
He cut me off.
"Kinikilig ka?", natatawa niyang sabi. Pinangnikitan ko siya ng mata.
"Ano 'yong iba mong reasons kung bakit mo ako hinila papunta dito?" Umiwas naman siya ng tingin, parang nagdadalawang isip sa ikikilos. "You said earlier, diba? 'One of the reasons', so, ano nga?"
Sa tanong kong iyon, feeling ko na hindi maganda ang isasagot niya. Ngumiti na siya nang nakakaloko eh. But before I stopped him from answering ay nakasabat na siya.
"You caught my attention, that's why."
Natigilan ako. I caught his attention? Gusto kong magmukhang matapang at masungit pero alam kong hindi ko mapipigilan ang pisngi ko sa pagiging mapula hindi lang dahil sa gulat, kundi sa kilig din. Seryoso ba 'tong lalaki na 'to?
"I caught your attention kasi sa kinikilos ko?"
Oh gosh. This is not me.
"Nope. I just noticed it. You really caught my attention simula noong pumasok ka sa church."
Naghuhurimentado ang puso ko. Nabibingi na ako. May sakit ata ako. Magpa-check up na ako. Self, kumalma ka for a moment.
He glanced at his watch then he looked at me.
"I have no time, can I ask for your name? Aalis na ako pabalik ng Manila. May I ask your name para may contact naman haha."
Oh. Okay? Gosh? Ayan na naman ako.
"Sorry, you're cute and nice but I don't easily trust anyone especially you. You and your words, halatang marami ka nang pinahulog na babae sa buhay mo."
Thanks self, you didn't stutter.
Napatawa siya, "You're really interesting."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hindi ko na tatanungin ang name mo at hindi ko rin sasabihin ang name ko but if we met again, hope you would let me know you. If we met again, I'll believe destiny."
Ang puso ko. Nakakaloka ang lalaking 'to! Ngayon ko pa nga lang siya nakita pero grabe ang impact niya sa akin.
"But before I leave, may I ask you something?"
aww, aalis na siya. My gosh, kumalma ka self.
"Okay, itanong mo na."
I'm now proud of myself for not stuttering again.
"Iki-kiss kita, okay lang?"
Natuluyan na ata ako. Nanlalaki ang mata kong tinignan siya. Ilang segundo at walang lumalabas na salita sa bibig ko. Lalong hindi ako makapagsalita nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at inilapat ang labi niya sa noo ko.
He kissed me on the forehead. Sa noo lang iyon pero mukhang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok.
Lumayo siya at ningitian ako.
"I'm sorry, hindi ko na nahintay ang sagot mo but I think that's the only way for you not to forget me."
Nanlaki na naman ang mata ko sa sa sinabi niya. Napawi ang pagkatulala ko sa kawalan when he slowly step back and waved at me while saying goodbye then he leave.
He leave me alone here in front of a narra tree, unable to process what just happened. Another gosh, I really can't forget him, siya ang kauna-unahang lalaki bukod sa papa ko na humalik sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Genuine Fate
Short StoryThis is a short story of Genuine Jake Lopez and Fate Love Valentino in a world of love that given by a Genuine Fate. Genre: Teen fiction/Short story Author: atsummy Language: Filipino-English