Chapter 3

8 0 0
                                    

Sinampal ko siya.

That was my first kiss at nakakagulat siya.

"What..." Gulat niyang tingin sa akin.

"It was you, right? I'm not kissing the wrong person, right?" nauutal na sabi niya.

I knew it was him. He looks the same, nagmature lang ang mukha niya. Ang sabi rin naman ng pamilya ko ay parang hindi raw ako tumatanda dahil ganoon pa rin ang mukha ko kaya siguro niya ako namukhaan.

But still?! He didn't ask for consent!

What if I play him for a bit?

"Wrong person?"

"You really look like her. Oh dear, did I mistook you?"

Napayuko ako at nagpipigil ng ngiti. Hindi niya nga ako kinalimutan.

Akmang tatalikod na siya sa akin at aalis nang hawakan ko ang braso niya at pinaharap ulit sa akin. Ngayon naman ay nakangiti na ako sa kaniya.

"You waited too?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

It was him. The one who kissed me before is him. Ngayon ko lang ulit naranasan kumabog ang dibdib ko dahil sa kilig, at siya lang ang nakakagawa no'n.

Nanlalaki ang mata niya, "So you mean, you-"

Tuluyan na akong napatawa.

"There's no way I'll forget you after that day."

Mukhang kumalma na siya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti ngunit napalitan iyon ng ngiwi.

"Really huh? But why did you slap me?" He said while touching his cheek. Cute.

Umiwas ako sa tingin niya, "Uhm, shocked? I don't know what to do, I did it without thinking."

"What? So everytime that there's a guy who would kiss you, you'll slap them?" Mabilis niyang tanong sa akin.

!?

"Why would I let anyone kiss me!? and excuse me you did not ask for consent 'no!" reklamo ko.

Siya naman ang umiwas ng tingin at napakamot nang bahagya sa leeg. "I'm sorry about that, I got excited." nahihiya niyang sabi. 

Mahabaging mundo. Pulang-pula na ang mukha ko panigurado ako doon.

"So-"

"Uh-"

Tumahimik na naman pagkatapos ng sabay namin na pagsasalita. I don't know what to do!

"Guys, pasok na kayo sa loob. Hinihintay namin kayo 'don and by the way miss Fate, wala na 'yon sa akin kanina since ngayon ko lang nakitang ganiyan si Jake. Pagbibigyan ko na siya, pogi naman ako."

Axel suddenly appeared in a perfect timing. But I was wrong thinking that Axel saved our awkward scene.

"Wait! Wait! Bakit ang pupula ng mga mukha niyo? Haha! ang pula talaga, sakto gusto ko ng itlog na may kamatis. Kayo nalang kaya isahog ko tsaka 'wag kayo dito mag-iskandalo haha!-" 

"Manahimik ka!"

Nagulat siya sa pagsigaw namin sa kaniya at dali-daliang tumakbo pabalik sa loob habang tumatawa. 

Humanda ka talaga sa'kin Axel kahit kakakilala ko lang sayo. 'Yong namumula na nga ako tapos ipapahalata pa niya hmp.

Pero si Jake, namumula rin? Sinulyapan ko siya at umiwas din ako agad. Namumula nga siya!

Lumingon ako sa bar tapos lumingon ako sa kaniya at binalik ko ulit 'yong tingin ko sa bar at nagsimula na akong maglakad patungo sa loob. I probably look like a fool right now. Mas magandang 'wag na muna siya pumasok, baka hindi ko na kayanin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Genuine FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon