"Just try it girl, mabait 'tong lalaking ipapakilala ko sa'yo, ano ba!"
Again. Gosh, ipinipilit na naman ako ng kaibigan kong ito na bigyan ako ng boyfriend.
"Sis, ayoko na. Ni isa naman walang nagwork, tsaka busy ako sa study ko." Pagrereklamo ko sa kaniya.
It's been 6 years. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Umaasa pa rin kasi ako nang kaunti.
"Kasi ni isa sa kanila hindi ka interesado. Kaunti na lang iisipin ko na tomboy ka."
Hindi ko nalang siya pinansin. Basta may 4 years pa. Noong pagkatapos ng nangyari na 'yon sa harap ng narra tree ay nagpromise ako sa sarili ko na maghihintay ako ng 10 years. Oh diba, ang lakas ko? haha. Well, okay lang kasi hanggang ngayon siya pa rin nasa isip ko. Okay sana kung magaling ako magsketch, edi na-sketch ko na siya but hindi ako pinalad.
"Sige na. Kung babae ka talaga, i-meet mo 'yong sinasabi ko sa'yo." Nakakalokong sabi niya.
Wala naman akong magawa, actually okay lang sa akin kasi pagkatapos din lang ng meeting namin ng lalaking pinapa-meet sa akin ay hindi ko na siya ime-meet ulit. Just a plain date.
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon at bilang pagsuko na rin.
"Pero iba ngayon at dahil tumango ka na, wala nang bawian! Sa bar tayo ngayon at kasama ako!" Natutuwang sabi niya.
Bar? Hindi pa ako nakakapunta ng bar, dahil ayaw ko na sa alak. Hangga't sa makakaya ay iniiwasan ko ang alak.
Napansin yata ng kaibigan ko na nalukot mukha ko nang may narealize siya ay tumawa na ito nang malakas at parang walang katapusan.
"Pfft. . Hahaha! Ok ok. Ano ka ba! Hindi na kita paiinumin ng alak! Haha!"
Napa-irap na lamang ako. May trauma ako dahil sa alak, nakakahiyang trauma kaya ayaw ko na talaga uminom ng alak.
"Eh yung ime-meet natin? Umiinom ng alak?"
She looked at me flatly, "Duh bar 'yon at lalaki ime-meet mo malamang iinom ng alak!"
And it was my turn to look at her flatly, "Kasi sabi mo mabait yung lalaki, malay ko ba na sa pagiging mabait niya ay hindi siya umiinom ng alak. And duh, 'di porket bar 'yon puro na alak ang naroon."
Inirapan niya lamang ako haha. Ano ka ngayon.
"Ewan ko sa'yo! Halika na nga lang at hahanapan kita ng damit na susuotin mo. Alam kong wala kang ka-fashion-fashion sa katawan."
Napa-nguso lamang ako kasi totoo iyong sinabi niya. It takes so much effort and time. Nakakapagod at nakakawala ng pasensiya. I'm comfortable with how I look naman eh.
"Okay na ba 'to, sis? Tapos i-lugay ko na lang buhok ko hindi naman ata mainit yung bar na pupuntahan natin ano?"
Suhestiyon ko sa kaibigan ko.
"Oo na lang, palusot ka din eh. Ayaw mo lang ipakita yang balikat mo!"
Eh kasi naman, ang pina-suot niya sa akin ay slim off-shoulder tapos kita pa pusod ko at fitted maxi skirt. Bumagay naman sa akin, hindi ko lang talaga sanay. Kaya pinalugay ko buhok ko para kahit papaano ay matakpan kaunti. Naglagay na rin ako ng make-up sa mukha ko. Slight make-up lang.
"Tara na, anong oras na at late na tayo!"
Ba't ba laging sigaw nang sigaw itong babaing ito.
"Kasalanan mo 'yan sis. Ang tagal mo diyan eh haha."
Inirapan niya ako. 'Di rin ba sumasakit mata nito. Pasalamat siya bestie ko siya.
Sumakay na kami ng taxi. Argh, hindi talaga ako sanay sa amoy ng mga sasakyan, nakakasuka at nakakahilo.
"Ito bayad po, manong." Bayad ko sa driver.
"Ang saya naman! Dapat lagi kitang kasama sa mga pinupuntahan ko, nakakalibre pa ako ng pamasahe. Haha!" Natatawang sabi ni bestie.
"Buti na lang at hindi." Napa-nguso naman siya sa asar ko at tinawanan ko lamang siya.
Nang nakapasok na kami sa bar ay agad na hinanap ng kaibigan ko ang mga ime-meet namin, at nang nahanap niya na ay hinila niya ako papunta sa table ng dalawang lalaki.
My heart beats fast.
'yong ngiting iyon, napaka-pamilyar.
"Hi Axel, hi Jake!" Bati ng kaibigan ko sa kanila.
"Axel! Ito pala si Fate, kaibigan ko. 'Yong kinekwento ko sa'yo." Mapang-asar na sabi ni bestie.
Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa katabi ni Axel. Hindi pa rin naaalis 'yong kabog ng dibdib ko, bakit ganito. Self, kalma kamukha niya lang 'yan!
"Hi Fate, ang ganda naman ng pangalan mo." Papuri ni Axel. Ngumiti lamang ako bilang tugon.
Panay sundot si bestie sa bewang ko dahil yata sa kilig? Uh. Tinitigan kong mabuti si Axel, gwapo siya pero 'di ko feel. Wala na naman yata siyang mapapala sa akin.
"Jake baby! How are you?"
Nagulat ako sa tanong na iyon ni bestie sa lalaking kasama ni Axel. Baby?
"Stop calling me baby. Argh." Reklamo ni Jake.
Jake. Jake. Bagay yung pangalan niya sa kaniya. Pang-maangas. Parang mala- Jake Cuenca lang na artista tsaka----
"So. . Fate, kahit alam mo na ang name ko, pormal pa rin akong magpapakilala. I'm Axel Lacsan, 24 years of age. How about you miss?"
Salamat naman at naputol ang mga iniisip ko kanina dahil kay Axel.
Napatawa ako, "Hi Mr. Lacsan, I'm Fate Love Valentino, 22. Please don't laugh at my name."
Hinila na ni bestie yung lalaki papalayo sa amin. Parang gusto ata na magsolo. Psh. Ba't parang naiinis ako sa kaibigan ko. Nevermind!
Napangiti si Axel sa sinabi ko, "Why would I? Your name is wonderful."
Mabait si Axel. Actually siya 'yong guy na pangangarapin mo but unfortunately, hindi ako kasali doon. Andami na naming napagkuwentuhan and it's really nice talking with him.
"Are you free tomorrow?"
Oh. Ayoko talaga ng ganitong eksena.
Napabuntong hininga ako, "Sorry Axel but I thi---- Hey!"
Nagulat na lamang ako nang may humila sa akin palayo kay Axel. Nilingon ko kung sino ang humila sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makitang 'yong kasamang lalaki ni Axel ang humila sa akin.
This has happened before. I knew it.
Isinandal niya ako sa isang puno at walang sabi-sabing hinalikan ako sa noo.
"May naaalala ka ba sa senaryong ito?"
Just like 6 years ago, wala akong masabi. I'm still processing kung ano ang nangyayari habang nakakatitig sa mata niyang mapungay na parang nangugusap. Will he do what I think he'll do?
Tama nga ako. Ang mabigat kong paghinga ay napalitan ng hindi paghinga nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at inalapat ang labi niya sa labi ko.
Hinalikan niya ako? Hinalikan niya ako!
BINABASA MO ANG
Genuine Fate
Short StoryThis is a short story of Genuine Jake Lopez and Fate Love Valentino in a world of love that given by a Genuine Fate. Genre: Teen fiction/Short story Author: atsummy Language: Filipino-English