Decerie
"Make sure everything is perfect!" Utos ng aking ina habang sinusundan ang magkakasalubong na tauhan at may bitbit na kanya-kanyang gamit na mamahalin. Nalilito akong nakasunod din ng tingin sa mga taong nakakasalubong ko habang papalapit sa aking ina.
"Mom what's happening? May event ba tayo?" Tanong ko kaya siya napalingon sakin at kaunting ngiti ang inilagay niya sa labi bago ako halikan.
"Yes, napapayag ko na kasi ang ate mo na sa YunLim Ent. magmodel so as a big celebration ay heto. Plus, dadating pa ang pamilya ng mga bigating heads ng kompanyang 'yon" halatang tuwang-tuwa si Mommy sa balitang 'yon. "Go get dress, hija. Pick the royal blue dress that your sister bought in Paris" utos niya na agad 'kong nireklamuhan.
"Mom, i don't want--"
"Decerie! What are you saying?! You have to wear it to make your sister extra happy tonight!" Taas boses nitong saway sakin at magkasalubong ang kilay na nakatingin sakin. "You will surely ruin your sisters mood if she knew that you don't appreciate her gifts for you. She didn't bought her favorite designers bag just to buy that royal blue dress that she gave to you" pagsaad pa nito.
Parang nahiya tuloy ako sa nasabi ko. I really like that dress but i hate how she controls me with everything i like.
"I'll go upstairs" mahinang sabi ko at nakayukong naglakad pataas sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at nagsimula ng mag-ayos. Isinuot ko ang royal blue na dress na sinasabi ni Mommy na isuot ko.
Mula sa aking kinakatayuan ay sinipat ko ang aking itsura sa salaming nakaharap sa gawi ko. Hindi ko na naman naiwasang mapabuntong hininga bago tumayo at dahan-dahang naglakad papunta sa veranda ng aking kwarto.
Tanaw na tanaw mula rito ang mga sasakyang paparating, nakatigil at papasok sa malaking gate. Mukhang ito na ang mga bisitang tinutukoy ni Mommy kanina. Napaupo ako sandali sa upuan at pinanood ang paglabas ng mga bisita sa kanilang mga dalang mamahaling kotse.
Hindi ko tuloy mawari kung nababagay ba ako sa ganitong klaseng buhay dahil kahit kailan, hindi ko ninais ang mga mamahaling bagay para sa sarili ko. Simple lamang ako.
Iginala ng mata ko ang paningin hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang kotseng puti na sinusundan ng dalawa pang sasakyang itim sa likod nito. Tumigil ito sa mismong entrance ng mansion katapatan ng veranda sa kwarto ng aking kapatid. Pinagbuksan ng pinto ng mga guard ang pangalawa sa itim na sasakyang pinagmamasdan ko at lumabas doon ang dalawang tao, isang babae at lalaking natitiyak kong mag-asawa. Nasigaw sa kanilang suot kung gaano sila kayaman dahil sa mga kumikinang na bagay na nakasabit sa mag-asawa.
Naka-ngiti ang dalawang nag-angat ng tingin sa veranda ni Ate at nagbabakasakaling masusulyapan ang babaeng rason ng selebrasyon ngunit bigo sila kung kaya't lumipat ang kanilang tingin sa puting sasakyan na nangunguna kanina at lumabas doon ang isang binatang lalaki. Nakatalikod ito sa gawi ko ngunit likod pa lamang nito ay masasabi kong gwapo ito at presko. Halata rin sa tindig na anak siya ng mayaman.
Hindi ko na malaman kung bakit parang hinihigop ang lalaking 'yon ang tingin ko at mukhang pati puso ko ay nadala na dahil hindi magkumaw na bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Napalunok na lamang ako kinakapos ang hiningang napahawak sa aking inuupuan.
