Decerie
Napapikit ako ng mariin ng makinig ko ang sinabi ni ate. Halos kapusin ako ng hininga ng pumasok sa utak ko ang salita niya dahil agad umapela ang isip ko na maling mali kung hindi ko pipigilan ang nararamdaman ko sa lalaking nagugutuhan ng aking kapatid.
Mali, Decerie. Maling-mali. Hindi ka pwedeng makihati muli sa Ate mo. Hindi mo pwedeng kunin sa kanya ang taong nakakapagpasaya sa kanya.
"I-Im just affraid.. what if.. iwan niya ako if.. m-malaman niyang.. g-gusto ko siya.." nauutal na sambit nito at mahigpit na niyakap ako na naging dahilan ng tuluyang pagkakapos ng paghinga ko.
Nanginginig ang kamay ko at nagdadalawang isip na ilapat sa kanyang ulo upang aluin. Hindi makahanap ng salitang sasabihin at mabigat ang pakiramdam at dibdib. Para akong maiiyak sa sobrang hirap huminga. Nangangatal at kinakapos ako ng pahinga at salita. Masakit sa puso.
"Shh.." yon na lamang ang nasabi ko at napapikit upang hindi mamuo ang luha sa aking mata.
"Frizella.." doon na ako napatigil ng paghinga. Boses yon ng lalaking dahilan ng paghihirap ko at mas lalong nagpapahirap sakin ngayon. Hindi niya nagaling ang naninikip at nasasaktan kong puso dahil hindi pangalan ko ang binanggit niya.
Mabilis siyang lumapit sa direksyon namin at parang ayaw pa ding madala ng sistema ko dahil kumalabog at bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Mali na naman ang gusto ng puso ko.
Hinigit niya ng marahan ang kapatid ko patayo ng kumalas ito sakin at niyakap ng mahigpit sa mismong harapan ko.
Nawasak na naman ako sa nakikita ko. Tangina Decerie, tama na. Ang hilig mong manguha ng hindi sayo. Gusto mo laging makihati sa ate mo. Hindi pwede. Hindi talaga pwede to'h.
Agad akong umalis don at nagpunta ng mabilis sa kwarto ko. Hindi ko hinayaang pumatak ang luha ko habang wala pa ako sa kwarto. Marahas kong sinara at nilock ang pinto ng makapasok ako at napalupasay ako sa sahig ng ako na lang mag isa sa silid na to'h.
Niyakap ko ang binti ko at umiyak ng umiyak. Hindi maaari ang nararamdaman ko ngunit kaysa makalimutan siya ay mas lalo ko siyang nagugustuhan kada araw.
"Decerie, tingnan mo yung lalaki oh! Transferee! Gwapo!" Pagturo ni Veil sa likuran ko kaya lumingon na 'rin ako kahit sa loob ko ay alam ko ng hindi pa din makukuha ng kahit na sinong lalaki ang atensyon ko maliban sa isa, ngunit pinagbabawal na gusto ng puso ko.
"Anong pangalan?" Tanong ko para lang masabing interesado ako kahit papaano.
"Stephen Mercado daw from engineering department" taas noo niyang sagot sakin. "Sadly, He's single but not ready to mingle"
Napasinghal naman ako.
"Then bakit mo pa tinuro?" Mataray kong tanong sa kanya at tumalikod na sa pagkakalingon sa Stephen Mercado na tinutukoy ni Veil.
"Maybe you can make him mingle" taas babang kilay nito sakin ngunit hindi ako sumagot at muling sumilay ng tingin sa lalaki.
"Bahala na" bored kong sagot at sumandal na lang sa upuan ko.
Dumaan ang buwan at taon na lagi kong nakikita si Dexter but of course he's always with my sister. Mukhang may something na but i know my sister is just waiting for the right timing. Ako, nagpipigil pa din kahit hindi ko talaga mapigilan na mahulog. Every single sweet gesture of him to my sister always give him a plus points to my heart kahit hindi naman sakin mismo ang ginagawa niyang yon.
Martyr na ako. Halos kulang na lang ay ianunsyo na ni ate na sila na dahil welcome na welcome na si Dexter sa bahay namin na parang parte ng pamilya. Yes, he passed my dad's tests. He surely pass it kahit pinagdasal kong wag. Selfish na kung selfish pero dumaan ako sa ganon.