BUMALIKWAS mula sa pagkakahiga si Fan nang mamulatan niya ang hindi pamilyar na kwarto. Bumaba ang tingin niya sa kamay na may nakasaksak na IV.
Where the hell he is? Who's helping him?
Bigla siyang naalarma nang maalala ang mukha niya. Agad niyang kinapa ang mukha, pero agad din siyang napanatag nang suot pa rin niya ang maskara.
Napaisip siya. Kung mayroong kumuha sa kanya, bakit hindi man lang nito tinanggal ang suot niyang maskara?
Ano ba talaga ang nangyari?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang mga nangyari. Ang huli niyang natatandaan ay nabaril siya ng ilang beses at tuluyang bumagsak. Pero sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Pagkatapos... Bahagya siyang nagkaroon ng malay at lulan na siya ng sasakyan... May lalaki siyang katabi at sinubukan nitong tanggalin ang suot niyang maskara pero...
"Please don't." Nanghihinang pakiusap ni Fan. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nanlalabo pa ang kanyang paningin.
"Then, answer my questions... Who are you?"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na nagsalita. "K-Kila..."
"So, you are the traitor?" Ungol lang ang naisagot niya.
"Why did you save Karrim Brahman?"
Muli niya itong tinignan at tulad kanina malabo pa rin ang tingin niya. Muli siyang pumikit dahil ramdam na niya ang sakit ng buong katawan.
"I d-don't know...umh... pl-please, don't r-remove my m-mask."
"Your identity is really important?"
"Y-yes..."
Napanatag si Fan nang maalala niya ang naging pag-uusap nila ng estranghero. Pero sino ba talaga ito? Kung isa man ito sa mga Amethyst, wala sana siya sa ganitong kagargong kwarto at lalong hindi na siya humihinga pa ngayon.
Tinanggal niya ang IV na nasa kanyang kamay at umalis sa ibabaw ng kama. Nangiwi siya nang kumirot ang mga sugat niya. Hindi pa ganoon kagaling ang mga sugat niya.
Hinawi niya ang makapal na kurtina na tumatabing sa mirror wall ng kwartong iyon. Base sa nakikita niya mula sa labas, nasa mataas na palapag sila ng isang building. Sa tantya niya, nasa isang mamahaling hotel siya.
Nabaling ang tingin niya sa bumukas na pintuan at iniluwa niyon ang dalawang lalaki. Bahagya pang nagulat ang mga ito nang makita siya. Mabilis niyang dinampot ang syringe at tinutok sa mga ito.
"Who the hell are you? Where I am?"
"Put it down. We're not going to hurt yo-"
"Stay back! Who are you and where I am?!" Muling tanong niya.
"You are here in Philippines."
Natigilan siya at napakunot ang noo. Nasa pilipinas daw siya? Tama ba siya nagpagkakarinig? Pero bakit siya nandito?
"Who helped me?"
"The boss." Mabilis nitong sagot.
He frown. "Who is your boss?"
Tumaas ang sulok ng labi ng lalaking may suot na keffiyeh. Base sa kasuotan nito, isa itong arabian.
"And who do you think you are for asking us?"
Sandali siyang natigilan. Wala siya sa lugar para manlaban, pero hindi pwedeng manatili siya dito lalo pa't wala pa siyang balita kay Fin. Kailangan niyang makausap si Phoenix para malaman ang kalagayan ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Totally Captivated (Great Pretender Series III)
WerwolfWARNING! Don't read if you're not BxB lover. [SPG R18] Fanxieli is a high caliber Omega. Nagtatrabaho siya sa ilalim ng isang sikretong organisasyon, kung saan ang trabaho niya ay patumbahin ang kung sino mang haharang sa Black Tiger. And his job is...