Tina's POV
Grabe 1 week na ang nakalipas, bilis talaga ng panahon. Next week naman formal classes na tsaka may pre-test pa sa physics. Leche naman. Ayoko pa naman nun. Sabado ngayon kaya naman nagkayayaan kaming tumambay sa Qualitea. Nagsusuklay ako nang tinawag ako ni mommy dahil nasa baba na raw si niel. Kinuha ko na bag at phone ko tapos bumaba na rin.
Papunta na kami sa qualitea ng biglang nagtxt si kent.
Tin, asan na ba kayo? Kanina pa kami ni Ina dito.
Papunta na. sige magdate muna kayo. Hahaha peace! Natatawa kong reply.
Tinanong naman agad ako ni Niel kung bakit ako tumatawa. Sinabi ko sa kanya na andun na yung dalawang future lovebirds sa tambayan. Napagusapan din namin si Kazi, no girlfriend since birth pala siya. hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Niel. Si Kazi? Walang girlfriend? Nakngtinapa! Sa gwapo niyang yun?!
"torpe siguro yun" biglang sabi ni Niel.
"weh? Pero Bakit nga ba natotorpe ang mga lalaki bok?" tanong ko sa kanya
"sabihin na lang natin na takot din ang mga lalaking mareject." Tapos ngumiti siya sakin.
Di ko namalayang nakapark na pala kami sa labas ng qualitea. Pagpasok namin sa loob nakita kong nagtatawanan na yung lima. Si Kazi,miko at angelica andito na rin pala akala ko ay nagdedate pa rin sina ina at kent.
"ang saya nyo ah, anong ganap?" pambungad ko sa kanila.
"wala, ang tagal niyo naman! " sagot naman ni ina.
Umupo na rin kami ni Niel at nakijoin sa usapan hangagang sa may narinig kaming nagsisigawan at alam na namin kung sino yun.
"bakit ba kasi ang tagal mo?!"
"bakit sinabi ko bang sunduin mo ako?!"
"at ako pa ang may kasalanan kasi sinundo kita?"
"may sinabi ba akong kasalanan mo? Gamit gamit din ng utak jade"
"ewan ko sayo," at naghigh five siya sa mga boys "yow pre"
Ganyan talaga sila, hindi sila mabubuhay kung hindi sila magbabangayan. Sanay na rin kami sa kanila kaya tinatawanan na lang namin sila. Umupo si alec sa tabi ko tapos kaharap niya si jade.
"order na tayo,sorry na lec anong sayo?"
Kita mo tong si jade, aaway awayin si alec tapos magsosorry naman kaagad. Di niya talaga matiis bestfriend. Nagorder na nga kami tsaka nagkwentuhan. Tawa lang ng tawa. Ang saya lang namin, parang walang pre test na magaganap sa lunes. Biglang nag "ahem" si niel tapos kinuha ang kamay ko at inintertwine ang kamay niya sakin.
"kita niyo to?" sabi niya sa barkada
"ito lang ang tanging kamay na hahawakan ko habangbuhay at hinding hindi ko to bibitawan kahit anong mangyari." Di ko alam kung anong sasabihin ko. Niyakap ko na lang siya bigla. Binato naman kami nila ng tissue.
"cheesy niyo. Magtigil na nga kayo!" -Kazi
"sus. Ewan ko sayo kaz, tingnan ko lang kung masasabi mo pa yan kapag na inlove kana" -Niel
Napailing na lang siya at tumingin sakin tapos binawi niya naman agad ang tingin niya at uminum ng tea.
NORMAL POV
Masaya lang silang nagkekwentuhan nang may pumasok sa tea house at nasamid si miko. Napatingin naman si angelica sa kanya at tinanong kung okay lang siya. sumagot naman siya na okay lang siya kaya binale wala na lang ito ni angelica. Makalipas ang ilang minuto ay napansin ni angelica na ang tahimik ni miko at nakatingin lang sa isang direksyon. Sinundan iyon ng tingin ni angelica at napangisi siya. inakbayan siya ni angelica at sinabing