chapter 3

42 0 0
                                    

Tina’s POV

Monday

Papunta ako sa classroom ng biglang sumulpot sa tabi ko si Niel. Bumilis na naman tuloy ang tibok ng puso ko dahil bigla na lang niyang hinawakan kamay ko. Weve been together for 9 months already at hindi naging madali ang pagsisimula namin. Im glad na somehow naging mature kami sa pagreresolba ng mga problema namin. Dati kasi konting away, papalakihin pa namin tapos magcocool-off kami. He was the complete opposite ng type ko sa isang lalaki at minsan nagtataka ako kung bakit siya ang minahal ko, then one day I realized na pagnagmahal ka at pagnatagpuan mo na ang taong tatanggap ng mga flaws mo balewala na ang anumang standards mo sa isang lalaki.

”tot, nag-aral ka na sa physics?”-Niel

“shempre, wala!” natatawa  kong sagot sa tanong niya

Ginulo niya lang ang buhok ko tsaka pinisil ilong ko tapos hinila niya na ako papasok ng classroom. 10 minutes na lang at magriring na ang bell. Nagkwentuhan na lang kami ng barkada at yung mga classmates ko nag-iingay. Pumasok si Kazi sa classroom na parang badtrip ang mukha kaya tinanong siya ni kent kung ano ang nangyari pero walang nakuhang sagot si kent. Hinayaan na lang namin muna siya. start na ng first period at sa kasamaang palad physics yun. Binigay agad ng teacher namin ang test papers namin.

Potek.

Nosebleed ang mga tanong. Di ko talaga mahal ang physics kaya kung ano  na lang yung marecall ko. Panigurado bagsak ako sa pre test na to. Narinig ko rin yung mura ni Jade. Nung tumingin naman ako kay Miko, pinaglalaruan niya na yung ballpen niya. Talaga nga naman ang lalaking to. Walang kahirap hirap niyang sinagutan yun.

“okay. Pass your papers forward” biglang sabi ng teacher. Lahat kami pwera lang kay Miko napasigaw ng “miss 5mins pa” pero wala eh, pinapas niya na talaga. Naglesson na ka agad yung teacher namin. Boring masyado kaya inaantok ako. nasense din ata ng teacher na inaantok kami kasi ang tahimik kaya bigla niyang tinanong kung sino marunong kumanta sa clase.

“bakit po miss?” tanong ng kaklase kong si Bryle.

“mukhang nagkaklase ako sa hangin eh, kaya mag ice breaker muna tayo. So sino na ang kakanta?”

“Si Niel” sabay sabay na sigaw ng mga classmates ko. Umiling naman si Niel kasi nahihiya daw siya. tumawa lang ako ng mahina.

“pre, dali na” sabi ni miko at inabot sa kanya ang guitara. Wala namang nagawa ito at tumayo na. napahiyaw mga kaklase namin. Ginulo niya naman yung buhok ko at pumunta  na sa harapan.

“ooyyyy kinikilig na yan” banat ni angelica sakin. Well, totoo naman.  He started to strum the guitar, and he played a familiar song. Napasmile ako sa kantang napili niya.

we simple fit together like a piece of apple pie

I will be vanilla ice cream

And I’ll sing you lullabies

I will love you in the moonlight

And I’ll love you in the day

Always

I was just looking at him, the way he strums the guitar, the way he sings, the way he smiles in between his singing. His eyes caught my attention, nakikita ko talaga na masaya siya. alam ko, isa ako sa mga rason kung bakit masaya siya. he really changed.

Stay with me

Promise me you're never gonna leave

Stay with me

Let's try to be the best that we can be

And take our time

I love it when he captures the attention of everyone  kapag kumakanta siya. lahat ng kaklase ko nakikinig talaga sa kanya. Di ko tuloy mapigilang ngumiti. Napapikit siya habang kinakanta yunglast part ng song

I will come to you in need

And I'll love you when I can

I'll love you when I can

I'll come to you in need

And I'll love you when I can

I'll love you when I can, always

Stay with me

Promise me you're never gonna leave

Stay with me

Let's try to be the best that we can be

And take our time

Saktong pagkanta niya nung last na chorus, tumingin siya sakin. Kumalabog na naman tuloy ang puso ko. Nagsmile siya sakin habang pabalik siya sa upuan niya. Bakit ba ganito ang epekto niya sakin? Sa totoo lang may pagkabitch ako noon eh. Di ko inakala na siya pa ang makakapagpabago sakin. Sa kanya pa ako nagseryoso ng totoo talaga. Napailing na lang ako at nagslow clap nang makaupo siya sa upuan niya.

“very impressive Mr. Chiang” at nagpalakpakan ang mga  kaklase ko. Tumango lang si Niel at ngumiti.Nagsimula na ulit magdiscuss yung teacher namin. Nawala na tuloy yung antok ko. Boses lang pala ni Niel ang katapat. After ilang minutes nagdismiss na rin yung teacher. Nagkwentuhan na lang kami habang wala pa yung next teacher namin.

”excuse me”

Napatingin naman kami sa nagsalita. Si Marie pala, tiningnan ko tuloy reaksyon ni miko. Grabe. Namula yung pisngi niya.

“Miko after ng last period sa hapon pumunta ka daw sa office” sabi ni Marie at tiningnan si Miko. Yung isa naman nakatulala lang kay Marie. Naghihintay kami na sumagot siya pero wala. Nakatulala lang talaga.

“hoy. Kinakausap ka. Wag shunga” sabi ni angelica at siniko siya. bumalik naman siya sa katinuan niya at muntangang sumagot.

“aah… haaa…ano ulit?” –miko

Natawa naman si Marie at inulit yung sinabi niya at umalis din pagkatapos. Inasar agad ni Jade at Kent. Habang nagtatawanan kami napansin kong tahimik si Kazi, kaya naman ay nilapitan ko siya. 

“anong problema mo?” tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

“nothing” walang kabuhay buhay niyang sagot. Kaya naman ay kinulit ko siya at parang napikon kasi sinigawan niya ako.

“WALA NGA TIN! WALA.” Napatingin tuloy samin ang lahat at biglang lumabas si Kazi. Susundan pa sana ni Niel pero pinigilan ko na lang at ako na yung sumunod sa kanya. Naabutan ko siyang naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan.  Second week pa lang ng klase ang drama na nitong lalaking ‘to.

“kaz, hoy. Tumigil ka nga.”

…..

“wala kang problema pero nagdadrama ka?!”

…..

“bahala ka na nga. Iiwan na kita. Daming arte” tinalikuran ko na siya at babalik na sana ng classroom pero napatigil ako sa sinabi niya.

“Don’t” his voice was shaking. Kaya naman na pa “ha” ako at lumapit sa kanya. Finally, he faced me at may bumagsak na luha sa mata niya. Shit naman! Ba’t to umiiyak? Tatanungin ko sana pero bigla siyang nagsalita

“akala ko wala, akala ko d ko siya gusto, akala ko okay na ko sa friendship lang” -Kazi

 i am so puzzled right now di ko  alam kung ano ba tong pinagsasabi niya.

“pero bakit ganito? Bakit ngayon na iniwan na niya ako saka ko pa narealize na mahal ko na siya”-Kazi

“kaz I don’t…….”

“nakakaputang*na. Nasa ‘yo na binitawan mo pa.”

 And with that, He left.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hardest PartWhere stories live. Discover now