Chapter 18

1K 14 4
                                    

To: Leslie

hey pretty, hintayin kita sa LRT ha. :)

Pagkatapos ng mga routines ko, umalis na ko ng bahay. Hindi na ko madalas malate ngayon kasi graduating na kaylangan ko ng magtino.

From: Leslie

Matagal pa ko.

To: Leslie

Kaya ko namang maghintay e. Kahit gano katagal. :”“”>

From: Leslie

hahaha. baliw ka.

di ko na nireplayan si Leslie. Hihintayin ko na lang siya sa LRT. ok ng maghintay ako kaysa naman maburo at mapanis lang yung laway ko sa buong byahe ng tren.

Pagdating ko sa loob ng istasyon, nag-stay lang ako sa isang side na lagi kong pinaghihintayan kay Leslie para madali niya kong mahanap.

To: Leslie

hey, andito na ko sa istasyon. same place dear,

From: LEslie

ok medyo malapit na ko.

pag angat ko ng ulo ko, nakita kong naglalakad si Lance. At hindi niya kasama si Bianca.

“Lance!” tinawag ko siya. pero hindi naman siya lumingon.

“Lance!” I made a way through the crowd. Ang bilis niyang maglakad peste,

Pumasok na siya ng basta hindi ko alam. Yung pinapasukan ng magnetic card, kaya kinuha ko na din yung akin at hinabol siya.

“Lance”

this time huminto na siya. Di ko napansin na may kasama siyang dalawang lalaki. Wag niyo ng ipadescribe sakin kasi wala akong planong manlait. ^_^v

“Lance.” tinawag ko ulit siya kasi hindi ko alam kung pano magsasalita tska naghahabol pa ko ng hininga ko. Nakakapagod siyang habulin.

“Lance. Kilala mo siya?” guy 1

“oo nga Lance. Don’t tell me?”  guy 2

” one of your exes Lance?” guy 1 ulit.

Ex-es? As far as I know wala pa siyang nagiging girlfriend ah.

Di pa rin tumitingin sakin si Lance.

“no answer means yes LAnce.” guy 2

ANO BA TONG MGA MOKONG NA TO! DI KO MASABI YUNG SASABIHIN KO E. andame nilang satsat.

“She’s not my girlfrend” sa sobrang lamig nung pagkakasabi ni Lance para naman akong nagyelo.

“HAHAHAHA!” tumawa yung dalawa na parang tanga.

“Alam naman naming hindi e. were just kidding bro.”  tinignan ako nung isa from head to foot.

“Alam naman namin na may taste ka”

Siraulo to ah!

” And compared to Bianca, she is nothing.”

SHE IS NOTHING!

“Kayo ba kinakausap ko? Sabat kayo ng sabat ” pagalit na sabi ko sa kanila. Makapanlait sila kala mo naman ang gagwapo nila.

Because of them, napatunayan ko na hindi lahat ng nag-aaral sa mamahaling school e gwapo. mukha silang urangutan. Ayoko sanang manlait e pero sila naman yung nauna.

“ano bang kaylangan mo?” sabi sakin ni Lance pero hindi niya pa rin ako tinitignan.

“Lance. I just want to say I’m sorry”

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon