[Yannie’s POV]
psh! Nakakainis. After naming bumalik galing sa bayan ni Zeke, parang naiwan ata sya dun sa salon.
O_O
baka naman..
*TING! Sabi na e. Di talaga mapagkakatiwalaan yung mga baklang yun e.
Tumayo ako sa kama para sana ayusin yung sarili ko at puntahan yung salon na yun kaso ..
Ano ba Yannie. Sira na talaga ulo mo. Like duh? Naniniwala ka talaga na nangyayari sa totoong buhay yung kikidnapin yung tao tapos gagawa ng kamuka na magpapanggap na siya. Paki recall nga kung ilang taon ka na? Ang alam ko bata lang yung naniniwala sa ganun e. *Pukpok sa ulo.
Sa sobrang pag-iisip ko kung anung nangyari kay Zeke, parang nawawala na ko sa tamang pag-iisip. Nakakabagabag naman kasi. Ang bilis ng pagbabago ni Zeke. Pagpasok namin sa salon, ok sya. Tapos paglabas nya, ewan ko na. Parang ang layo ng iniisip niya lagi tapos ang tahimik nya pa. Big deal ba sa kanya yung ‘babe thing’? Ang O.A naman.Normal na lang kaya yung mga endearment ngayon. Kahit nga walang relasyon may endearment na e.
Imbis na pilitin ko yung sarili ko na matulog pa, bumaba na lang ako sa kusina. alam ko namang papahirapan ko lang yung sarili ko.
pagbaba ko dun, andun na si Yaya. early bird talaga to. Walang palya e . As in parang nasa sistema na niya yung paggising ng maaga.
“Good Morning Yaya” bati ko sa kanya.
“Yannie. bakit ang aga mong nagising?”
“actually Ya, di ako makatulog e.”
lumapit sa pwesto ko si Yaya.
“bakit anak may masakit ba sayo? ” nag-aalalang tanung niya sakin.
” naku. wala po” sagot ko sa kanya. panu ko ba sasabihin na masakit yung utak ko? mamaya isipin nun nababaliw na ko e. Mahirap na.
” e bakit di ka makatulog? “
“bakit ya, di ba normal yun? ” tanung ko sa kanya. sa pagkakaalam ko kasi normal lang yun.
“oo nga normal lang. Pero madalas may dahilan. pwedeng inlove ka o kaya naman may malalim kang iniisip. wag mong sabihin sakin na —-” tumingin sain si Yaya ng ‘umamin-ka-nga-sakin-look’
“yaya. di ako inlove. mas applicable sakin yung may malalim na iniisip”
” at ano naman yang iniisip mo?”
” eh kasi Ya. anu e. tsk! . si ano kasi “
” si Zeke ba yan Yannie?”
tumango tango lang ako para sabihing oo.
“naninibago nga din ako sa sakanya e. ” sabi ni Yaya.
” nakakainis nga siya Yaya e. alam mo yun, ang babaw niya. Tinawag ko lang naman siyang babe dun sa salon para di malaman nung mga bakla yung pangalan niya tapos nagkaganun na siya. Big deal na sa kanya kaya hindi na siya sweet sakin gaya ng dati nung hinahatiran niya pa ko ng pagkain sa kwarto ko. sana pala di na lang ako lumabas ng kwarto ko. ” pagmamaktol ko kay Yaya.
(─‿‿─) Yaya.
” o ya! bakit ganyan itsura mo? “
“umamin ka nga saking bata ka. May gusto ka kay Zeke ano?”
“yaya naman. Syempre wala no. Asaness naman . “
Ano ba naman to si Yaya ang intrigera. (” -__-) pero kung sabagay di ko rin naman siya masisisi kung excited siya sa mga ganung bagay kasi hindi pa naman siya nagka lovelife. yun yung sabi niya. pero malay natin di ba?
BINABASA MO ANG
STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)
Ficção Adolescentelife is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you stay to fight? Date Started: April 29, 2012