Kakagaling ko lang sa bahay ng parents ko. I decided to pay them a visit dahil bakasyon naman na.
Nakabukod kasi ako ng tirahan sa kanila since nasa tamang edad na ako at nasa college na rin ako.
Siya nga pala, I'm Vanessa Angelique Andrada. I'm 18 years old at magthi-third year college sa pasukan. Isa lang naman akong simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay, at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Bumaba ako sa taxi at tiningala ang matayog na gusaling nasa harapan ko ngayon.
Nandito ako West Leavenworth Condominium kung saan ako tumutuloy. May sarili akong condo na birthday gift ng mga magulang ko sakin noong mag-sixteen years old ako.
Pero akala niyo ba, masaya ang buhay namin?
No.
Babaero ang dad ko at may anak siya sa labas. Annulled na rin sila ni mom na may bago nang asawa ngayon. May isang anak na rin si mom sa bago niyang asawa. Ganun din ang dad ko na nag-decide na pakasalan ang kabit niya at magpaka-tatay sa anak nila.
So in the end, ako ang nawalan ng pamilya.
I shook away my thoughts and decided to walk inside the building. Nasa lobby pa lang ako at patungo na sana sa elevator nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Agad ko namang binasa ang natanggap kong message.
From : Matt
Can we talk?
Instead of replying to his text, ay tinawagan ko siya. And after three rings, sa wakas ay sumagot rin siya.
"Hello, Matt? Ano bang pag-uusapan natin?" Bungad ko sa kabilang linya.
["Basta. Hintayin mo na lang ako diyan sa condo mo, Van."]
"Hmm, ikaw ah. Balak mo na naman siguro akong i-surprise, no?"
[Vanessa, tama na nga iyang kalokohan mo. Mag-uusap lang tayo. Walang surprise na magaganap."]
"Ahm, ganun ba? Okay, then." Medyo nalungkot ako nang sabihin iyon ni Matt. Masyado kasing pranka ang lalaking iyon.
["Sige. I better hang up now. Aalis na ako sa bahay."]
Hindi na niya ako hinintay na mag-goodbye man lang sa kanya at basta na lang akong binabaan ng phone.
Matthias Trinidad had been my boyfriend for one year. At ngayon ang first anniversary namin.
Kaya medyo nalungkot ako nang sabihin niyang walang surprise na magaganap. Although okay lang naman sakin na walang ganun, okay lang na walang engrandeng handaan or anything to celebrate our first anniversary. Ang gusto ko lang naman ay kasama ko siya lagi.
Kahit yun lang.
*DING*
Bumukas na ang elevator kaya naman sumakay na ako doon. Pero bago pa man iyon sumara ay may isang lalaki pang humabol upang pumasok doon.
The guy looked familiar, na para bang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko alam kung saan.
Matapos niyang sumakay sa elevator ay tuluyan na iyong sumara upang dalhin kami sa palapag na aming pupuntahan.
Sa 14th floor kasi ako, pero nakakapagtakang hindi man lang pumindot sa button ang lalaking kasama kong nakasakay sa elevator.
Pero habang nakasakay kami roon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin ang lalaki at pasadahan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
ATTACHED
Teen FictionAnong pakiramdam ng ma-attach? Yung tipong dumedepende ka na sa tao na yun kasi siya yung taong alam mong hindi ka iiwan. Ang tanong... Hindi nga ba? Paano kung yung taong inakala mong hindi ka iiwan at bibitawan ay mananatili lang pala sa tabi mo n...