◈ CHAPTER 4 ◈

0 0 0
                                    

VANESSA'S POV

Idinilat ko ang aking mga mata at tumitig sa kisame.

Narito pa rin ako at nakahilata sa aking kama dahil kagigising ko lang din.

Saturday ngayon, at ito na rin ang last day ng enrollment. Hindi kasi ako natuloy kahapon dahil tumawag si mom and the rest was history.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari kagabi nung inihatid ako ni Lance. Lalo na yung nangyari sa elevator.

*Ding!*

He pulled away when the elevator opened. Matiim ang titig ni Lance sakin na para bang pinag-aaralan at kinakabisado ang bawat parte ng aking mukha.

Kapagkuwan ay hinawakan niyang muli ang aking braso at hinila palabas ng elevator.

Dinala niya ako sa aking tinutuluyan, sa unit 110.

Pero teka, paano niya nalamang doon ako nakatira?

"Paano mo nalamang—"

"Katabi lang ng unit mo ang unit ko, kaya paanong hindi ko malalaman?" Putol niya sa sasabihin ko.

Pero bahagya akong nagulat sa nalaman. Hindi ko alam na magkatabi lang pala ang mga unit namin.

"Ah, ganoon ba. S-sige, papasok na ako sa loob—"

"Wait." Hindi na naman niya ako pinatapos sa aking sasabihin at basta na lang akong isinandal sa pader na nakapagitna sa bawat pinto ng units.

"A-ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"I just have to tell you something."

"A-ano yun?"

"What I said in the elevator earlier, I mean it." Sabi niya.

"O-okay."

"One more thing."

"Ha?" Maang kong tanong.

"Ayokong nawawala ka sa paningin ko, gusto ko palagi kitang nakikita. Do you understand?"

I don't have the courage to speak kaya naman tumango na lang ako.

"Good. Sige na, pumasok ka na." Aniya.

Agad ko namang binuksan ang pinto ng unit ko at nakangiting pumasok sa loob.

*PHONE VIBRATING*

Ipinilig ko ang aking ulo upang putulin ang alaala at wala sa loob na kinuha sa ibabaw ng bedside table ang phone ko upang i-check ang message.

At ganoon na lang ang pagtataka ko nang makitang number lang ang nakalagay.

Nagkibit balikt na lang ako at binasa ang text.

From : 0905*******

Good morning.

Tumaas ang kilay ko at kumunot ang aking noo nang mabasa ang text na iyon, kaya naman agad akong nag-reply.

To : 0905*******

Who's this?

Hinintay kong mag-reply ang naturang sender pero imbes na message ang dumating ay tawag ang natanggap ko.

0905******* calling...

Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba yung tawag o hindi, pero sa huli ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik at sinagot ang call.

ATTACHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon