VANESSA'S POV
"Hop in."
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang masilayan ang taong nasa loob ng kotse.
Lance.
"Ano tatayo ka na lang ba diyan o sasakay ka?" Aniya na nagpabalik sakin sa katinuan.
Dali-dali akong sumakay sa sports car niya na sa pagkakaalam ko ay isang limited edition na uri ng kotse.
Pero hindi ko na iyon pinansin pa at nag-focus sa sarili kong problema.
"Where to?" Tanong niya.
"Ahm, sa La Flora Subdivision lang."
Tumango siya at mabilis na pinaandar ang kanyang kotse.
Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali. Paniguradong nalaman na ni mom ang tungkol sa breakup namin ni Matt.
Pero anong sasabihin ko nito?
Ako na naman ba ang lalabas na may kasalanan?
Ako na naman ba ang may mali?
Simula pa nung una, hindi na maganda ang pakikitungo sakin ni mom, lalo na nung maghiwalay sila ni dad. Ako lagi ang napagbubuntungan niya ng galit.
I shook away my thoughts and just focused on the road.
"You okay?" Nilingon ko si Lance na kasalukuyang nakatuon ang mga mata sa daan.
"Y-yeah. I'm f-fine." Nauutal kong sagot.
Napansin niya siguro iyon kaya naman nilingon niya ako.
"You seemed tense. Are you sure you're okay?" Tanong niya ulit.
"Oo. O-okay lang talaga ako."
Buti na lang at hindi na siya nagtanong at nagkibit-balikat na lang.
Ako naman ay nag-iwas na lang ng tingin at tumingin na lang sa labas ng bintana ng kotse.
After several minutes of ride, sa wakas ay nakarating na kami sa La Flora Subdivision. Sinabi ko kay Lance ang address kaya naman mas madali niya akong naihatid sa bahay ni mom.
Agad na inihinto ni Lance ang kotse niya sa tapat ng malaking bahay kung saan nakatira si mom at ang bago niyang pamilya.
"S-salamat sa paghatid." Sabi ko at akma sanang bababa sa kotse nang biglang hawakan niya ang aking braso.
"Wait."
Agad ko siyang nilingon, napatingin din ako sa braso kong hawak niya pero agad kong ibinalik ang mga mata ko sa kanya.
Hindi ako nagsasalita, hinihintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin.
"I want you safe." Sabi niya.
"Ha?"
"Hihintayin kita dito. Ako na ang maghahatid sayo pauwi."
Napamaang ako sa sinabi ni Lance.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Ngumiti na lang ako sa kanya at akmang magsasalita nang biglang bumukas ang gate ng malaking bahay at doon, lumabas ang mom ko.
She looks mad when she looked at our direction at tagos ang titig niya kahit na tinted ang bintana ng kotse.
Nang makalabas siya sa gate ay nagmamadali siyang lumapit sa kotseng kinaroroonan ko.
At laking gulat ko nang bigla niyang kinalampag ang bintana ng kotse ni Lance.
Agad naman akong lumabas sa sasakyan upang pigilan si mom.
BINABASA MO ANG
ATTACHED
Novela JuvenilAnong pakiramdam ng ma-attach? Yung tipong dumedepende ka na sa tao na yun kasi siya yung taong alam mong hindi ka iiwan. Ang tanong... Hindi nga ba? Paano kung yung taong inakala mong hindi ka iiwan at bibitawan ay mananatili lang pala sa tabi mo n...