"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Sigaw ng batang lalaki sa batang babae na nakaupo sa sahig. Kawawa naman yung batang babae mukhang tinulak. Gusto ko lapitan at pagsabihan kaso baka parehas umiyak mapagalitan pako, grr."G-gusto ko l-lang naman ikaw lapitan ko ih, huhu. S-sabi ni teacher diba "N-never be afraid to chase your dream" n-nituro niya yon kanina" the little girl said with a pout. Ang cuteeeee. Base sa uniform nila I think grade 1 or 2 pa lang mga ito. Ang cute grabe crush siguro niya yung batang lalaki.
"Diba nisabi ko na sayo that I don't like you! Si Livia nga crush ko! Not you!" kunot noo niyang sabi. Biglang tumayo yung batang babae sabay cross-arms.
"Bakit siya? She's not mabait kaya,hmp. Nikukuha niya lagi yung crayon ko!" HAHAHAH. Ang cute nila magsagutan, nakakunot na noo nila pareho. Bakit parang familiar na hindi? Hindi bale ang cute naman nila. Hahaha
"Kids? Pasok na kayo!" Napatingin ako sa teacher nila. hmm. Mukhang familiar din yung mukha niya? Saan ko nga ba nakita?
"Ahh! Siya yung naging teacher ko dati!" Oo! tama! Sino kay-
"AMORA! AMORA JADE! Bumangon ka na baby. Baka malate kapa"nagising ako sa katok ni mommy.
"ETO NA PO! BABANGON NA POOOO!" Panaginip lang ba yun? Natawa ako. Akala ko totoo na, siguro miss nako ng teacher ko dati kaya ko siya napanaginipan. hehe
"Sayang naman hindi ko narinig pangalan nila. Sino kaya yung batang lalaki?" gusto ko malaman kung anong kasunod na nangyari. Nagkabati kaya sila o nagtatalo pa din? Ano nga yung pangalan ng crush daw nung lalaki? L yun diba? Grr nakalimutan ko agad. Lagi ko na lang nakakalimutan kapag nananaginip ako.
"Amora! You're gonna be late na!" Napabalikwas bigla ako sa sigaw ni mommy.
"ETO NA PO!" Tatakbo nako papuntang cr. Ayoko malate, SC President tapos malalate? Grr.
After ko maligo bumaba agad ako sa kusina para sabayan si mommy sa pagkain.
"Goodmorning mommy!!"
"Goodmorning Baby, Ayos na ba pakiramdam mo? Kaya mo ng pumasok? Sure ka bang papasok kana?" May pag-alalang tanong ni mommy sabay lagay ng gatas sa baso ko.
"Yes po mommy. Kailangan ko na din pong bumalik sa school eh. Ang dami ko pong kailangang gawin at habulin."
"Call me or magpunta ka agad sa clinic if may naramdaman kang kakaiba uli ha?"
"Ma'am yes ma'am!" Saludo ko sa kanya
"Ikaw talaga Amora. Haha. Alagaan mo sarili mo baby ha? Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin" Naiiyak na sabi ni mommy. Naiiyak din tuloy ako.
"Ano ba naman po yan mommy agang aga nagdadrama ka. Wag sad ang mommy ko. Iloveyouuu" and I kissed her in her cheeks.
"Iloveyou baby. Sige na pumasok kana baka malate kapa. Pahatid ka kay manong"
"Sige po mommy. Byeee."
"Ingat baby!"
While I am on my way to school. Naisip ko, ano kayang magiging approach nila sakin? Nahihiya pa din kasi ako sa nangyari. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila kapag nagtanong sila. Hays. Bahala na nga si batman.
YOU ARE READING
Star-crossed Lovers
RomanceMeet Amora Jade Santiago isang babaeng walang ninanais kung hindi ang makapagpasaya ng mga tao let us say na she's like an angel in disguise. But what do you think will happen kung mahanap niya ang lalaking mamahalin niya until her last breath? Can...