Chapter 4

8.8K 157 16
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Xander pagkatapos tingnan ang suot na wristwatch. Isa sa mga pinakaayaw niya ay ang pinaghihintay siya, at iyon mismo ang ginagawa ni Lianne. Mag-aalas-diyes na ng umaga pero wala pa rin ito.

Sabado ngayon. Bukod sa Lunes, ang araw na iyon ang isa pang mahalaga sa kanila dahil tuwing Sabado ay nagre-report ang mga department head tungkol sa naging flow ng trabaho sa buong linggo. Dapat ay alas-nuwebe pa nagsimula ang meeting pero dahil wala pa si Lianne, hindi nila iyon magawa.

Napapiksi siya nang may kumatok sa labas ng kanyang opisina. Bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya niyang si Bernadette. “Sir, nandito na po si Miss Javier,” sabi ng sekretarya niya. Nakasunod na nga rito si Lianne.

“Good morning,” walang kabuhay-buhay na bati sa kanya ng dalaga.

“Thank you. Iwan mo muna kami,” aniya sa sekretarya niya. “And please tell the department heads to wait for me at the conference room. I’ll be there in a while.”

“Yes, Sir,” tugon ni Bernadette bago ito lumabas ng opisina niya.
Binalingan niya si Lianne. “Why are you late? I told you last night that you should report at eight o’clock sharp.”

“I woke up late,” maikling tugon nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Woke up late? Hindi ba’t kinatok kita kaninang six sa kuwarto mo? Sumagot ka pa at ang sabi mo hindi ka sasabay sa akin at magpapahatid ka na lang sa driver.”

“I fell asleep again,” parang bale-wala lang na sagot nito.

Napatiim-bagang siya. Kung ordinaryong empleyado niya ito, malamang ay nasinghalan na niya ito. Pero kinontrol niya ang sarili. Hindi makakatulong kung gagawin niya iyon. Ang kailangan ay mapalapit uli siya sa dalaga para magawa niya ang ipinakiusap ni Tito Felipe.

“I hope next time ay hindi ka na ma-late. Trabaho ito, Lianne. So you should take this seriously kahit pa sabihing napipilitan ka lang na gawin ito,” seryoso pero malumanay na sabi niya.

Hindi ito umimik.

“You’ll be my assistant. Lahat ng alam ko sa business na ito ay ituturo ko sa 'yo. I’ll ask Bernadette later to bring in a new table for you dito sa loob ng office ko,” aniya.

Napakunot-noo si Lianne. “Puwede naman akong doon sa labas. Bakit kailangan dito pa ako sa loob ng office mo?”

Tiningnan niya ito para sabihing napaka-obvious ng sagot sa tanong nito. “Para malaman mo kung ano ang day-to-day activity ng general manager ng isang advertising agency,” pakli niya. “Isa pa, as your mentor, gusto kong ma-monitor nang maigi kung natututo ka.”

Ibinuka nito ang bibig na parang may gusto pa itong sabihin pero muli rin nito iyong isinara at napatango na lamang.

Tumayo na siya. “Halika na, ipapakita ko sa 'yo ang bawat department,” aniya at nagpatiuna ng lumabas ng pinto.

Ipinakilala niya si Lianne sa mga staff habang idini-discuss niya rito nang mabilisan ang mga function ng bawat department. Walang kaimik-imik na nakasunod lang ito sa kanya.

“And this is the traffic department,” aniya nang puntahan nila ang huling department kung saan may apat na tao silang naabutan. “Raul is the traffic manager here. You’ll meet him later.”

Nakakunot-noong tiningnan siya ni Lianne. “Traffic department? What do you mean?

Nagtatakang napatingin siya rito at napangiti. “I’m sorry, I forgot. Graduate ka nga pala ng HRM so you probably don’t know anything when it comes to advertising.”

Nagdilim ang mukha nito. “Kaya nga nagtatanong ako, 'di ba?” sarkastikong sabi nito.

“Sila ang nagre-regulate ng flow of work dito,” paliwanag niya.

😊Somewhere I belong (COMPLETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon