PlanIT'S been a week being with Jauncy. Hindi ko rin siya nakikitang nagba-vlog. Mukhang busy kasi sa mga school works dahil todo tutok siya sa laptop niya.
I softly pushed the cat when it lie down on my lap.
"Do'n ka sa amo mo mangulit, h'wag sa akin ha?"
Bumili ako ng isang kama para hindi na kami magsisigawan kung sino ang hihiga sa kama. Sumasakit na nga ang lalamunan ko kakatutol sa gusto niya.
Bagong gising pa ako. Hindi ko alam kung natutulog pa ba ang lalaking hanggang ngayon nakaharap pa rin sa laptop niya. Tahimik lamang siya habang mabilis na gumagalaw ang mga daliri sa pagta-type. May sipag rin pala ang natira sa kanya.
Nag-inat ako ng mga kamay habang naglalakad patungong cr. Naghilamos ako at hindi na muna naligo dahil may nakita akong basketball court sa ibaba. Kailangan ko muna ng ehersisyo dahil medyo bumibigat na ang katawan ko.
Nagsuot ako ng panlalaking jersey. Na-arbor ko lang 'to kay Cyrill kaya sa likod ay apelyido niya ang nakalagay. Ang dami ko nang na-arbor sa kanya pati nga mga panlalaking shorts ay halos galing sa kanya. Ang gaganda kasi ng mga nabili niya. Saka mahilig ako sa medyo mahaba na shorts na aabot pa sa tuhod ko.
"Where are you going? Porke't wala pa ang magiging yaya natin ay aalis ka na naman na walang paalam?" biglang tanong nito kahit nakatalikod sa akin habang patuloy na nagta-type.
"Chismoso ka talaga e noh? At ano namang pakialam mo?"
"Your parents will non-stop vexing me such questions. I don't care wherever you are. Just tell me the exact place so I can answer your parents' question."
"Okay, fine! Sa baba lang naman e. Magba-basketball lang."
Iniliko niya ang inuupuang swivel chair paharap sa akin. He amusedly scanned my clothes.
"Anong klaseng panunuot 'yan? You just tried to prove me that I'm right, you're a lesbian."
Heto na naman tayo. May boyish bang girly? Besides, hindi ako katulad sa ibang babae na sobrang tagal matapos mag-ayos dahil nahihirapan pang pumili ng maisusuot na damit.
Yes, some girls said that they just dressed up but not to impress boys and it's just that they're feeling sexy. It's only about self-love. Pero ako kasi, hindi ko talaga kailangan ang magpa-impress kahit sa sarili ko man. Kasi kung saan ako komportable, do'n talaga ako. Hindi naman nila ako masisisi kung bakit ganito ako magdamit. Hindi rin naman pwedeng ako ang mag-a-adjust.
"Hoy Onse, hindi naman kasi ako katulad sa mga babaeng hinahangaan mo na nakalabas palagi ang dede. Edi sila na ang sexy. Wala naman akong pake."
Mabuti naman at walang ibang tao sa court, ako lang. Kaya matiwasay akong nakakapaglaro habang nagsho-shoot ng bola. I dribbled the ball and shoot it again perfectly.
Agad kong kinuha ang tumbler at inubos ang tubig. Pinagpapawisan na rin ako ng sobra kaya naisipan ko muna ang sandaling magpahinga bago bumalik sa condo.
Napanguso ako pagpunta sa kusina nang makita si Jauncy na takam-takam na kumakain ng pang-umagahan. Grabe. Hindi man lang ako ipinagluto. Respeto na lang sana na may kasama siya dito. Though, hindi rin naman big deal sa akin kasi hindi naman ako mahilig ng heavy meal tuwing breakfast.
Nag-champorado lang ako ng sapat at para aabot rin mamaya sa pananghalian. Paborito ko talaga ang champorado na nilalagyan ng evaporada. Minsan nga lang, gugutumin ka pa rin dahil sa pagkabitin. Mas mabilis talagang nakakabusog kapag rice.
YOU ARE READING
Claiming the Opposite ✔
Teen FictionHumiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca, on the other hand, was just unfazed with the countless criticisms that continuously hurled at her. She adores her ex and finds it difficul...