Kabanata 7

42 5 21
                                    

Ikapitong Kabanata

Pilat

Point of View: Clairn Novich Kuran

Nakipagtitigan pa siya sa akin saglit. Ngumiti naman siya matapos iyon at saka niya hinawakan ang tutktok ng ulo ko na parang isang tuta. Kakaiba naman ang dulot nito sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

"Naiintindihan ko, binibini. Tatanggapin ko ang tulong mo at tutulungan kita. Hindi kita pipigilan basta malaman ko ang lahat ng gusto kong malaman."

"Tsk. Sinabi nang huwag mo akong tawaging binibini. Gusto mong putulin ko na lang iyang dila mo?" pagbabanta ko sa kaniya.

Imbis na magalit ay natawa pa siya. "Hindi na nga. Ano ba ang pangalan mo para hindi na binibini ang itawag ko sa iyo?"

"Clairn, Clairn ang itawag mo sa akin."

"Clairn... masyadong pambabae para sa iyo," sabi niya, bahagya pang nangingisi na parang pinipigilan lang.

Sinamaan ko siya ng tingin pero muli, tinawanan niya lang ako. Okay, titigil na ako. Ayoko masyadong subukin ang pasensya niya. Isa pa rin siyang prinsipe kahit na gaano pa siya nakakainis. Ayokong ang buong Nearon ang makalaban ko. Masyado nang pasakit ang Black Knights, ang isang buong kaharian ang huling nais ko ngayon.

"Pagkagising mo mamaya ay ipakikilala kita sa mga kaibigan ko at sasabihin ko sa iyo kung ano ang posisyon mo. Kailangan maging maayos ka na nang tuluyan bago kita gawing opisyal na katuwang ko," aniya.

Humiga na ako sa kama. Iniayos pa niya ang kumot at saka ulit hinawakan ang ulo ko. Upang tingnan kung may sakit ako? Hindi ko alam ang sagot.

"Magpahinga ka na, Clairn."

Napatitig lang ako sa itaas nang makaalis siya. Hindi na kasi ako makatulog pero alam kong kailangan ko niyon. Ilang gabi na kasi akong hindi natutulog. Kung matulog man ay mababaw lang dahil sa takot na biglang may umatake sa kahabaan ng tulog ko.

Alam kong hindi pa tuluyang magaling ang mga sugat ko. Itong tama kasi sa tagiliran ko ang pinakamalalim... sa tingin ko. Hindi naman na mahapdi ang braso at binti ko kaya sa tingin ko ay hindi magtatagal, makakalabas na rin ako.

Kaya kung may aatake man sa 'kin habang wala akong malay, dapat ay kanina pa iyon. Dahil mula ngayon, hindi ko na ibababa pa ang depensa ko kahit kanino. Lalo na at wala akong mapagkakatiwalaan ngayon.

Ang sabi niya, magiging katuwang niya raw ako.

Hindi kaya gawin niya akong swordsman niya? Hindi naman ako bihasa sa paggamit ng espada at ayoko ring gamitin ang combative ko. Sa tuwing ginagawa ko kasi iyon, naaalala ko lang si Gab na siyang nagturo sa 'kin.

Sa tingin ko, kailangan kong paghusayan ang paghawak ng espada para masanay na rin ako. Kailangan kong itago sa lahat kung ano ang kaya kong gawin at kung sino ako. Makatutulong iyon sa paghahanap at sa pagtatago ko. Kailangan ay maunahan ko sila.

Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at nakita ang gintong singsing na tanda ng pag-iisang dibdib namin ni Gab. Mabuti na lang at hindi ko ito hinuhubad.

Matapos ang mga nagawa ko, ito na lang ang paalala sa 'kin nang dapat kong gawin. Ito ang paalala na kailangan ko pa ring pagbayaran ang mga kasalanan ko sa hinaharap. Ito na lang ang nagbibigay lakas sa 'kin para magpatuloy.

SUMILIP AKO SA labas ng silid upang maiwasan sana ang kahit na sino. Ayoko kasing may nakasunod sa akin sa kung saan man ako magpunta. Kahit kabilang ako sa royal family, walang katiwala o kahit anong kanang kamay ang nakasunod sa 'kin. Hindi naman ako baldado at kaya kong protektahan ang sarili ko sa kahit sino.

Arkania's Assassin GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon