Kabanata 1

46 0 0
                                    

Dear JOHN,



Papasok muna ako babe ah? Wag ka ng malungkot ah? Nasa school ka rin naman eh. Parang tanga lang.


Ay bebe. Wish me luck pala ah? Marami pa namang bully sa school na yon.


Later nalang tayo mag usap ah? Kase you know bawal malate. Baka mag initan pa ako.


Pag ako nakahap ng jowa ngayon alam na dis ah? Wag kang mag alala lab pa rin kita. Di naman kita ipagpapalit. Mwuah! Babush na muna!





Nagmamahal,
Laman ng puso mo,
Red Brooke Colin aka RED BLOOD CELL

























Nagmamadali kong isinara ang diary ko ng tumunog ang bell. Dahil sa pagmamadali ko ay nadapa pa ako.


"Aray naman! Amp! Ang tanga tanga mo naman self!" Parang tangang sabi ko sa aking sarili.

" AY BES!? ANONG GINAGAWA MO DYAN? WALA KA TALAGANG HIYA NOH! PATI BA NAMAN DIYAN HUMIHIGA KA?ANU BA NAMAN YAN HA? WALA BA KAYONG HIGAAN SA INYO?" sigaw ni bff. Isa siya bakla. Ganda nga ng pangalan eh. Elixir Sherlock.

"ANO BA NAMAN PARA KANG NASA KABILANG PANIG NG DAIGDIG AH! PARA KA RING TANGA!" pabalik na sigaw ko sa kanya.

"IKAW NAMAN KASI BES PARA KANG TANGA NA NAKAHIGA DIYAN. WALA KA BANG BALAK NA TUMAYO DIYAN? HALLWAY TO SIZ!! KALOKA KA!" sigaw na balik niya sa akin. Nahiya naman ako at nagmamadaling tumayo.


Andami na palang nanonood sa amin. Para kasi siya tanga di man lang ako tinulungang tumayo. Nakakahiya kayo no.

Hinila ko siya papunta sa room namin. Para doon mag usap pero bago yun ay nag pasorry naman ako sa mga nanonood sa amin. May ibang nagtataka, tumataw at mga walang pakialam.


"Elixir naman ang ingay ingay mo kanina ah! Bat di mo ko tinulungan! Nakita mo na ako don eh! Nakakahiya talaga." Sabi ko at sabay kurot ko sa kanyang tagiliran. Nangati pa tuloy ang aking buhok.

"Aba naman Red! Para kang tanga don! Ewan ko ba at gumagawa ka ng kahihiyan mo! At anong Elixir? It is ELEANOR. E-L-E-A-N-O-R! Gets mo? Atsaka bakit ampanget mo ha!?"


Ano ba naman yan yung laway niya tumatalsik sa mukha ko. Parang tanga talaga toh. Ang layo kaya ng elixir sa eleanor.


Ewan ko ba bat ayaw niyang tinatawag na ganon. Tapos kung makapangit naman toh e parang ang gwapo gwapo niya. Lamang lang naman siya ng tatlong paligo sa akin ah!

Maputi siya oo! Pero may balat din naman ako ah! Di nga lang puti.


Di ko na siya pinansin at lumakad nalang papunta sa aking upuan. Baka dumating pa kami at datnan sa ganoong pwesto pa kami ni Ms.Dinali at pagalitan pa kami.

Okay. Nagdilang anghel ako at ayan na nga siya. Papasok sa pintuan.

"GUDMURNING CLASS NASAN ANG ASSIGNMENTS NIYO? ABA EH ANG AGA AGA ANG IINGAY NIYO. ANO BA ALMUSAL NIYO TOROTOT? ABA NAMAN MALAYO PA ANG FIESTA!"


Ayan na po siya. Laging naka high volume ang kanyang boses tapos ang tinis pa. Masakit sa tenga.

Atsaka assignment daw? Parang tanga lang wala naman kaming klase sa kanya kahapon eh. Tapos torotot daw sa fiesta? Hay nako mam.

Maligo kamuna uy! Syempre sa isip lang yan ah? Baka pagalitan ako. Pebureyt pa naman ako niyan.


"ASAN SI MISS COLIN? ABA UMAGANG UMAGA DAW HUMIGA KA SA HALLWAY?! ABA HOY! WALA KA SA BAHAY NO! ATSAKA BAKIT DI MO SUKLAYIN ANG BUHOK MO? PARANG PUGAD NG IBON AH" pagkasigaw niya non ay nahihiya akong yumuko.


Tumawa kasi mga kaklase ko eh syempre nakakahiya pero sanay na ako. Sumasaya lang kasi yan pag nakikita ako. Kawawa naman kung papatulan ko pa.

Ganda nga ng pangalan niyan eh. Ms. Dinali Lee Go. May lahing koreana pero siya yung tipong koreanong panot. Dejok lang.

Laging mainit sa akin ang dugo niyan kasi tita siya ng mga half sisters ko eh. May pagka demonyo din pa naman yung mga yun. Pag inaapi nila ako  wagas.

Ewan ko nga bakit di sila nagmana kay tita orian eh ang bait bait sa akin nun. Kaso yung mga anak parang ewan.






"CLASS DISMISS!"

Yes! Lunch break na! Ang pinaka hihintay ko. At syempre kailangan mag pahuli sa pag alis baka asarin ako ng mga kaklase ko. Kala mo ang gaganda't gwapo amp. Mukha lang silang mga ipis.


"Sizzz di ka magbebreak? Let's go na. Im hungry you know. Atsaka magsuklay ka nga muna bago lumabas! Ampanget mo!" Lokong bakla mag aaya na nga lang, mang aasar pa. Nvm. Sanay na ako sa kanya. Pinanganak na atang mapanlait yan eh.


Dumiretso kami sa canteen and as usual bulungan naman dyan tas parang nasa gitna ka ng gyera ng mga bunganga. Ang ingay ingay.


Hay JOHN asan ka na ba? Ikaw pa naman ang prince charming ko. Kelan ka uuwi? Grade 12 na tayo uy!

Behind The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon